SA gitna ng mga reklamo at imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nasangkot ngayon sa kontrobersiya si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano. Kamakailan, naging lantad ang gobernador sa pagbubunyag ng umano’y substandard na flood control projects sa kanyang lalawigan. Giit niya, may ilang istrukturang mahina ang pagkakagawa dahil kulang sa materyales at maayos na plano, at hinikayat pa nito ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa mga iregularidad. Ngunit sa kabila ng kanyang matitinding pahayag, lumutang ang mga dokumentong nag-uugnay…
Read MoreAuthor: admin 3
EXTRADITION REQUEST NG US KAY QUIBOLOY SISILIPIN NG KAMARA
MAGLULUNSAD ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa extradition request ng Estados Unidos kay Pastor Apollo Quiboloy upang maging malinaw umano ang mga isyu ng proseso. Kahapon ay inaksyunan ng komite na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang kahilingan ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na magsagawa ng ‘inquiry in aid of legislation” kaugnay ng extradition request ng Amerika laban kay Quiboloy. “There is an overwhelming public interest and concern over the process by which extradition requests are received, evaluated, and acted upon. It is imperative that Congress,…
Read More2 Malacañang officials na sinibak dahil sa katiwalian SENIOR STAFF NGAYON NG 2 POWERFUL HOUSE LEADERS
DALAWANG opisyal ng Palasyo na tinanggal dahil umano sa katiwalian at sa pang-aabuso sa kanilang posisyon ang ngayon ay nakapwesto sa Kamara bilang mga senior staff ng dalawang kilala at powerful House leaders. Ang isa sa dalawa ay gumaganap ngayon na Chief of Staff ng powerful lady solon at ang kasama niya ay nasa opisina naman ng mataas na lider ng Kamara. Parehong babae itong dalawa na nagbantang ‘sisiraan’ nila ang opisyal ng Malakanyang na nagrekomendang sila ay matanggal sa pwesto noong Hunyo 2024. Isang nagngangalang Yeye ang sinasabing nagpadrino…
Read MoreMAS GUMALING ANG MGA BUWAYA
DPA ni BERNARD TAGUINOD AKALA ng marami noong mabuko ang pork barrel scam, na matitigil na ang katiwalian na kinasasangkutan ng mga mambabatas at matuto na ang mga nangongontrata sa gobyerno noong makasuhan at masentensyahan si Janet Napoles. Pero mas lalong gumaling pa pala ang corrupt politicians at mga kontratista dahil ‘yung pork barrel na nagpayaman kay Napoles at mga kasabwat niyang mga kongresista at senador ay barya pala kumpara sa kinikita nila sa flood control projects. Mantakin n’yo ha, P10 billion lamang ang pork barrel scam na kinasangkutan ni…
Read MorePNP 911 EMERGENCY HOTLINE PINALAKAS
PUNA ni JOEL O. AMONGO MALAKING tulong ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas at pagpapalawak ng “DIAL 911 EMERGENCY HOTLINE” nila sa paglaban sa kriminalidad sa buong bansa. Noong nakaraang Huwebes, Agosto 21, 2025, ipinakita ni PNP Command Center (PCC) chief, Colonel Ramon Pranada sa mga kagawad ng media ang opisina kung saan naroon ang “DIAL 911 EMERGENCY HOTLINE” sa Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. Nasaksihan natin kung gaano ka-epektibo ang emergency hotline na ito ng Pambansang Pulisya, dahil may direktang kontak…
Read MoreMAHALAGA ANG SUPORTA SA MGA SUNDALONG PINOY
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS TAMA lang na hindi natin nakalilimutan ang kabayanihan ng ating mga kababayan, lalo na ang mga sundalo na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea (WPS), na hindi alam kung ano ang mangyayari sa kanila sa kanila sa araw-araw na pagbabantay sa karagatan na pinag-iinteresan ng China. Sa pinakahuling ulat, may umaaligid na namang Chinese Navy sa BRP Sierra Madre na tila gustong ipahiwatig ng mga ito na umalis na ang mga Pilipino sa karagatan na matagal na nilang inaangkin kahit na…
Read MorePara hindi maimbestigahan sa flood control DPWH DISTRICT ENGINEER TINANGKANG MANUHOL NG KONGRESISTA
BATANGAS – Arestado ang isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taal, Batangas matapos tangkaing suhulan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste. Kinumpirma ni Leviste ang pagkakadakip kay District Engineer Abelardo Calalo noong Biyernes, Agosto 23, sa isang entrapment operation. Ayon sa inisyal na ulat, nag-alok umano si Calalo ng P3.1 milyong suhol upang hindi imbestigahan ng kongresista ang mga proyekto ng DPWH sa kanyang distrito. Patuloy na iniimbestigahan ni Leviste ang mga proyekto sa DPWH, at natuklasan na marami sa flood control projects…
Read More5 INDIBIDWAL HULI SA GUN BAN SA BARMM
ARESTADO ang limang sibilyan na lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay sa darating na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre. Batay sa datos ng Philippine National Police, limang sibilyan ang naaresto mula Agosto 14 hanggang Agosto 24 sa magkakahiwalay na operasyon kabilang sa checkpoint, police response/patrol operation at anti-illegal drugs operations. Ayon kay Police Regional Office-BAR spokesperson, Lt. Col. Jopy Ventura, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang maliliit na armas at mga bala. Tiniyak ng pulisya at militar na patuloy ang paghihigpit…
Read More2 SANGAY NG CONVENIENCE STORE HINOLDAP
CAVITE – Dalawang sangay ng isang convenience store ang magkasunod na hinoldap ng dalawang suspek sa Silang at Dasmariñas City sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na ang isa ay inilarawang tinatayang 5’4″ ang taas, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask, brown na jacket, habang ang isa pa ay payat din ang pangangatawan, nakasuot ng puting face mask at hoodie jacket, at magka-angkas sa motorsiklo. Ayon sa salaysay ni Kristel Ann, store crew ng convenience store sa Brgy. Iba,…
Read More