“Totoong Serbisyo Publiko, Hindi Lang Pamamalakad – Ate Sarah”

NANINIWALA si mayoralty candidate Sarah ‘Ate Sarah’ Discaya na ang mga Pasigueño ay nararapat tumanggap ng konkretong serbisyo publiko – hindi lamang maayos na pamamalakad – upang makatawid sa mga hamon ng buhay. “Para rin ako sa good governance. Gusto ko rin ‘yan. Pero dapat may kalakip na konkretong resulta. Anim na taon ang ibinigay sa kasalukuyang administrasyon pero walang naitayong mga paaralan, ospital, at pabahay na siyang tunay na kailangan ng mga Pasigueño,” ani Discaya. “Usapang sikmura. Usapang kinabukasan. Kalusugan. Tirahang disente. Ito ang tunay na pangangailangan ng tao.…

Read More

LALAKI NAKURYENTE SA CARWASH

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang makuryente nang mahawakan ang isang linya ng kuryente habang nag-aayos ng linya ng tubig sa isang water hose sa loob ng isang carwash sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Argie Bonifacio y Barrios makaraang ideklara ng mga miyembro ng CDRRMO na wala na itong buhay. Ayon sa ulat, nag-aayos ang biktima ng linya ng hose sa loob ng General Carwash sa Green Breeze Sub. sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City nang nakarinig sila…

Read More

ULAT NG SENADO HINGGIL SA PAG-ARESTO KAY DIGONG ISINUMITE NI SEN. IMEE SA OMBUDSMAN

PORMAL na isinumite ni Sen. Imee Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pagdukot kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno. Hiniling ni Marcos na sila ay imbestigahan at papanagutin alinsunod sa batas. (Danny Bacolod) 270

Read More

PAMBATO NG ‘ALYANSA’ BUMALIK SA QUEZON

MULING nanuyo ang mga pambato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan ng Quezon. Nagdaos ang grupo ng grand rally sa Quezon Convention Center sa Lucena City na dinaluhan ng mga lokal na opisyal. Dumalo ang sampung pambato ng Alyansa na kinabibilangan nina ACT-CIS Party-list Congressman Erwin Tulfo, dating Senate President Vicente Sotto III, Senator Lito Lapid, Mayor Abby Binay, PBBM, Senator Ramon ‘Bong’Revilla, Jr., dating Senator Panfilo Lacson, dating Senator Manny Pacquiao, Senator Francis Tolentino, dating Local Government…

Read More

SORIANO INAASAHAN NA PAGBABALIK SA TUGUEGARAO

TUGUEGARAO CITY- Lumalakas ang posibilidad ng pagbabalik sa city hall ni dating mayor Jefferson Soriano. Patunay rito ang mainit na suporta ng mga taga-lungsod na tinaguriang GRAND COMEBACK ang muling pamumuno ng dating alkalde. Si Soriano ay natalo ni Maila Ting-Que noong 2022 pagkatapos nitong mamuno ng siyam na taon. Si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor ng lungsod. Dinadagsa ng napakaraming taga-suporta gabi-gabi ang kampanya ni Mayor Soriano. “Iba talaga nung si Soriano ang nakaupo…malalapitan at makatao!” sigaw ng isang taga-suporta mula Barangay Carig. Sa init ng araw at init…

Read More

27 LOOSE FIREARMS ISINUKO BAGO MAG-ELEKSYON

SAMPUNG araw bago ang May 12, 2025 Midterm Election, may 27 pang loose firearms ang isinuko sa military. Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Army, nadagdagan pa ang isinusukong loose firearms sa mga sundalo makaraang panibagong dalawampu’t pitong mga armas ang isinurender sa mga probinsya ng Cotabato, Maguindanao del Sur at dalawang bayan ng SGA-BARMM noong Mayo 1, 2025. Ayon kay Lt. Col. Erwin Dumaghan, commanding Officer ng 40IB, resulta ito ng mahigpit na kampanya laban sa paglaganap ng hindi awtorisadong armas katuwang ang pambansang pulisya…

Read More

TOP 7 MWP SA RAPE DINAMPOT SA MALL

CAVITE – Dinampot sa loob ng isang kilalang mall ang isang lalaki na may kasong anim na counts ng rape, at nakalista bilang ng top 7 most wanted person (MWP) regional level, habang pagala-gala sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng umaga. Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Warrant Section ng Gen. Trias Component City Police Station na namataan ang suspek na si alyas “Ramon” na pagala-gala sa loob ng isang mall sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, kaya agad nagkasa ng operasyon kasama ang PIT Cavite RIU 4A (Intel…

Read More

LAHAT NG RUBBER GATES NG BUSTOS DAM DAPAT PALITAN

NAIS ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na palitan na lahat ang anim na rubber gates ng Bustos Dam kasunod ng pagkasira ng rubber gate 3 noong Huwebes ng hapon. Ayon kay Fernando, noon pa niya inirekomenda sa National Irrigation Administration (NIA), na siyang may kontrol ng operasyon ng Bustos Dam at sa kontratista nito, na palitan na lahat ang anim na rubber gates dahil substandard ang materyales na ginamit dito. Samantala, nilinaw ng gobernador na ang isa sa mga rubber gate ng Bustos Dam ay hindi pumutok bagkus ay…

Read More

KINABUKASAN NG IYONG ANAK AT APO ISIPIN SA PAGBOTO, LABANAN ANG UNITIM – IMK LENI

(ELMER ARGAÑO Convenor, iMk Leni and SecGen, iM15M for Bam and Kiko) NANAWAGAN ang IMK Leni, grassroots volunteer group na nagsulong ng kandidatura ni former Vice President Leni Robredo noong 2022, sa mga botante na maging mas mapanuri at matalino sa pagpili ng mga iluluklok sa poder ngayon darating na halalan sa Mayo 12 kasabay ng panawagan nitong magkaisa upang labanan ang tinaguriang “Unitim”. Mariin ang panawagan ni Elmer Argaño, lead convenor ng IMK Leni sa mga botante na gamitin nang tama ang kanilang karapatan bumoto at maging metikuloso sa…

Read More