Gutom, kahirapan resolbahin muna TULFO SA MGA KASAMAHAN SA SENADO: TAMA NA PULITIKA

“WALANG pinipiling kulay ang gutom, mahal na pagpapagamot at kahirapan, ano man ang panig na sinusuportahan ninyo.” Ito ang mariing pahayag ni Senador Erwin Tulfo habang nananawagan sa kanyang mga kasamahan sa Senado na muling magkaisa sa gitna ng umiinit na hidwaang pampulitika. Sa panayam sa radyo, iginiit ni Tulfo na dapat lampasan ng mga lider ang usapin ng kulay at partido upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang gutom, mataas na presyo ng mga bilihin at kakulangan sa serbisyong pangkalusugan. “Paano natin reresolbahin ang mataas na…

Read More

CAYETANO IPAGLALABAN ‘BUONG KATOTOHANAN’ PARA SA CORRUPT-FREE NA PILIPINAS

KASABAY ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na patuloy niyang ipaglalaban ang “buong katotohanan” sa likod ng umano’y pag-agaw sa liderato ng Senado at ng isyu ng flood control scandal, kahit pa may kapalit ito sa kanyang panig. “Ang ating kalayaan ay may cost,” ani Cayetano sa isang Facebook livestream noong Hunyo 12. “Kapag lumaban ka ngayon, may cost. Aapihin ka. Dudurugin ka sa media at social media. Kakasuhan ka. Baka ikulong ka pa,” dagdag niya. Matatandaang ilang ulit nang iginiit ni Cayetano…

Read More

GIBO NAGPALIWANAG SA CHINA SANCTION

“AKO ay naglahad lamang ng katotohanan tungkol sa West Philippine Sea at sa mga ilegal na gawain nila dito sa Pilipinas.” Ito ang pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos siyang patawan ng sanctions ng China. Ayon kay Teodoro, kabilang sa mga isyung kanyang inilantad ang umano’y operasyon ng scam hubs na nakatago sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ang kaso ni Alice Guo at ang pagsasara ng Sanjia Steel Factory na umano’y gumagawa ng substandard na bakal. “Tandaan natin itong Sanjia ay pag-aari ni Tony Yang,…

Read More

DA IREREKOMENDA EXTENSION NG P50/KILO RICE PRICE CAP

IREREKOMENDA ng Department of Agriculture ang pagpapalawig ng P50 kada kilo maximum suggested retail price (MSRP) sa bigas na nakatakdang mag-expire sa Hunyo 30. Sa press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan ng DA ang posibilidad na palawigin ang price cap upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas para sa mga mamimili. “Ang sabi po mismo ng DA ay magrerekomenda pa rin po sila ng extension of the price cap, at ito naman po ay titingnan kung sasang-ayunan ng National Price…

Read More

4 TAIWANESE INARESTO NG COAST GUARD AT BI

APAT na Taiwanese nationals ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG)-Coast Guard Station (CGS) Manila, at Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division – Special Response Team sa ipinatupad na law enforcement operation sa isang yate sa katubigan malapit sa Pasay Reclamation Development Project nitong nakalipas na linggo. Nag-ugat ang law enforcement operation kasunod ng naganap na pagsadsad ng yate noong Hunyo 3, 2026. Sa mga sumunod na maritime patrol at monitoring activities, napansin ng mga tauhan ng PCG ang ilegal na pagtatapon ng basura mula sa…

Read More

RIDING IN TANDEM PATAY SA PICK-UP TRUCK

PATAY ang isang babae at isang lalaking sakay ng motorsiklo nang makasalpukan ang isang Ford pick-up truck sa kahabaan ng Cebu South Coastal Road (CSCR) sa Cebu City noong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang rider ng motorsiklo na kinilala lamang sa alyas na “Bernel.” Isinugod naman sa ospital ang kanyang angkas na si “Krystel,” isang saleslady sa mall, ngunit idineklarang dead on arrival. Samantala, hawak na ng mga awtoridad ang 23-anyos na driver ng Ford Raptor na kinilalang si “John,” residente ng Talisay City. Batay sa imbestigasyon…

Read More

CALABARZON IDINEKLARANG INSURGENCY-FREE

NAITALA ang Region 4A o mga lalawigan na bumubuo ng CALABARZON, bilang unang rehiyon na insurgency-free ngayong 2026. Ayon kay Army 2nd Infantry Division commander, Major General Ramon Zagala, “CALABARZON achieved a historic milestone on the 128th Anniversary of Philippine Independence after becoming the first region in the country this year to be declared under Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status.” Ang buong rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ay pormal nang idineklara na “insurgency-free” para sa taong 2026 sa pamamagitan ng Stable Internal Peace and…

Read More

CAMILLE VILLAR NAGHATID NG TULONG, NAGBIGAY-PUGAY SA BAYANI NG LINDOL SA GENSAN

GENERAL SANTOS CITY — Personal na nagtungo si Senadora Camille Villar sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol upang maghatid ng tulong at makiisa sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa sakuna. “Sa panahon ng sakuna, higit kailanman kailangan nating maramdaman na may nagkakaisa at handang tumulong. Hindi lamang ito tungkol sa relief goods. Ito ay pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa bawat pamilyang naapektuhan ng lindol,” ani Villar. Kasama sina Senador Robinhood Padilla, General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao at Barangay Lagao Chairman Jaime Tatad,…

Read More

Senator-judge sa umaga, PDL sa gabi PING KAY JINGGOY: AWKWARD

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson na dapat payagan ang lahat ng senador na gampanan ang kanilang tungkulin bilang senator-judge sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Tinukoy ni Lacson ang sitwasyon ni Senador Jinggoy Estrada at sinabing maaaring maghain ng mosyon ang impeachment court sa Sandiganbayan upang payagan itong dumalo sa paglilitis. Gayunman, inamin ni Lacson na magiging “awkward” ang sitwasyon dahil sa umaga ay magsisilbi si Estrada bilang senator-judge na nakasuot ng robe ngunit sa gabi ay babalik sa kulungan na nakasuot ng Person Deprived of Liberty…

Read More