NAGTUNGO sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ni Mary Jane Veloso, ang Filipina na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking. Ayon kay Celia Veloso, pinatawag sila ni Justice Secretary Fredderick Vida, ngunit umalis din ito makalipas ang ilang minuto nang hindi nagbibigay ng pahayag sa media. Ayon naman kay Atty. Edre U. Olalia ng National Union of Peoples’ Lawyers, nagsagawa ng case conference sa DOJ kaugnay ng nalalapit na testimonya ni Veloso sa Mandaluyong Regional Trial Court. Ang testimonya ay bahagi ng kasong qualified human…
Read MoreCategory: BALITA
PANUKALA PARA PALAKASIN ANG INSENTIBO SA KONSERBASYON NG CULTURAL AT HISTORICAL HERITAGE INIHAIN NI VILLAR
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang konserbasyon at proteksyon ng mga kultural at makasaysayang ari-arian sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 10066. Ayon kay Villar, layunin ng panukala na tugunan ang mga hamon sa pangangalaga ng pamana, kabilang ang kakulangan sa pondo, limitadong suporta ng institusyon, at mababang kamalayan ng publiko. “Our identity is deeply rooted in our culture and history… hindi sapat ang pagkilala lamang sa kanilang kahalagahan,” ani Villar. Sa ilalim ng panukala, iuuri ang mga kultural…
Read MoreP12.4-B DROGA NAKUMPISKA NG PNP SA 1ST QUARTER NG 2026
INIHAYAG ng Philippine National Police na aabot sa P12.4 bilyong halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska sa mga operasyon nito sa loob ng unang apat na buwan ng 2026. Resulta ito ng pinaigting na intelligence-driven operations at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at komunidad upang mapanatili ang momentum ng kampanya. Batay sa datus, nakapagsagawa ang PNP ng higit 26,000 na anti-illegal operations mula Enero hanggang Abril, na nagresulta sa pagkakaaresto ng higit 30,000 katao. Kabilang sa mga nakumpiska ang shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at kush marijuana. Ayon kay…
Read MoreONLINE SELLER NG ABORTION PILLS, ARESTADO SA CIDG
KALABOSO ang isang lalaki makaraang madakip sa paglalako online ng isang unregistered medicine na ginagamit bilang pampalaglag o aborsyon. Ayon sa ulat ng CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, isang poseur buyer ang binentahan ng suspek na nagresulta ng kanyang pagkaaresto. Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Women and Children Complaint Unit sa 18th Avenue, Barangay San Roque, Cubao, Quezon City. Nakuha sa suspek na si alyas “Mar” ang mga gamot na kinabibilangan ng Misoprostol tablets at iba pang unregistered medicines. Ayon kay Morico,…
Read MoreTANGKANG PAGPUSLIT NG DROGA SA NAIA NAPIGILAN NG BOC
NAPIGILAN ng Bureau of Customs ang tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Miyerkoles ng umaga. Dalawang Pinay naman na pasaherong dumating mula sa Cambodia, ang naaresto sa operasyon ng BOC, na nakumpiskahan ng tinatayang 8,324 grams ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na inilagay sa mga improvised pouch na gawa sa carbon paper at packaging tape. Itinago ito kasama ang mga produktong kape at iba pang gamit na inilagay sa dalawang bagahe. Mahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang suspek habang…
Read MoreIMPEACHMENT HINDI DAPAT IPAUBAYA LANG SA POLITIKO – INTON
NANINIWALA ang abogadong si Ariel Inton na hindi dapat ganap na ipaubaya lamang sa mga politiko ang proseso ng impeachment. Ipinaliwanag ni Inton, presidente rin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), na sa ilalim ng Saligang Batas, hindi pinapayagan ang people’s initiative upang direktang simulan o pagdesisyunan ang impeachment case. Aniya, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ang may eksklusibong kapangyarihan upang magsimula ng impeachment, habang ang Senado ang may kapangyarihang litisin at magpasya. Gayunman, sinabi niya na maaaring maghain ng verified complaint ang isang pribadong mamamayan, basta’t ito…
Read MoreSOLON: 180 BOTO PABOR SA IMPEACHMENT POSIBLE
POSIBLENG umabot sa 180 mambabatas ang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, ayon kay House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno. Ang bilang na ito ay higit sa kinakailangang one-third vote o 106 mula sa 318 miyembro ng Kamara upang maiakyat ang Articles of Impeachment sa Senado. Ayon kay Puno, na chairman din ng National Unity Party (NUP), nasa 30 sa 55 miyembro ng kanilang partido ang inaasahang boboto ng “Yes.” “Ang nakararami sa amin sa NUP ay pabor na ipadala ito sa Senado. May hardcore…
Read More‘NO VOTE’ SA MGA PABOR MA-IMPEACH SI VP SARA – MAISUG
NAGPROTESTA sa harap ng Korte Suprema ang grupong Maisug upang igiit na papanagutin ang mga kongresistang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte-Carpio.”Zero vote,” giit ng grupo sa kanilang protesta. Hinimok din nila ang Korte Suprema na aksyunan ang petisyon para sa writ of habeas corpus ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya si Duterte ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, kaugnay ng paglilitis sa kanyang war on drugs. Nanawagan din ang grupo sa media na tiyaking tama at wasto ang kanilang pag-uulat at…
Read MoreMAHIGIT 1,000 PULIS KINASUHAN NGAYONG 2026
UMAKYAT sa 1,048 ang bilang ng mga pulis na sinampahan ng kasong administratibo sa unang tatlong buwan ng 2026, ayon sa PNP-Internal Affairs Service (IAS). Mas mataas ito kumpara sa 770 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, bunga ito ng pinaigting na monitoring laban sa mga abusadong pulis. Sa bilang, mahigit 800 ang Police Non-Commissioned Officers, habang higit 200 ang Commissioned Officers. Sa mga kasong naresolba, 41 na ang sinibak sa serbisyo, 64 ang sinuspinde, 20 ang nademotion, at 11 ang…
Read More