IPINAGMALAKI ni Acting PNP Chief, PLTGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang malalaking tagumpay ng kapulisan laban sa kriminalidad at ilegal na droga nitong nakalipas na Setyembre. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf T. Tuaño, nakapagsagawa ang PNP ng 4,624 operasyon mula Setyembre 1 hanggang 30, 2025. Resulta nito, 4,246 drug personalities ang naaresto habang dalawa ang napatay sa engkwentro. Nakumpiska rin ang nasa ₱245.1 milyon halaga ng droga, kabilang ang: 31,416.64 gramo shabu 15,676.42 gramo tuyong dahon ng marijuana 121,740 marijuana plants 3,448.98 gramo kush marijuana 40.02 gramo ecstasy…
Read MoreCategory: BALITA
PAGKWESTYON NI ESCUDERO SA MAS MATAAS NA PONDO SA FLOOD WORKS KAYSA AGRI, PINATOTOHANAN NG DA SEC
PINATOTOHANAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pagkwestyon ni Senador Chiz Escudero sa mas mataas na pondo para sa flood control projects kaysa sa sektor ng agrikultura sa nakalipas na taon. Sa 47th ASEAN Ministers of Agriculture and Forestry Summit sa Pasay City nitong Miyerkules, sinabi ni Laurel na malaking tulong ang naging paninindigan ni Escudero upang madagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA). Matatandaang sa plenaryo ng Senado nitong Lunes, binatikos ni Escudero ang mas mataas na flood control budget kaysa agrikultura. “Taong 2023, nang italaga si…
Read MoreSEN. RAFFY TULFO PINITIK NI ‘CONGMEOW’ SA P6-M GASTOS NG ANAK SA LAS VEGAS
HINDI nakaligtas si Senador Raffy Tulfo sa banat ni Cavite 4th District Rep. Francis “Kiko” Barzaga matapos magpanukala ang senador ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno, kasunod ng lumabas na isyu kaugnay ng magarbong paggastos ng anak nito sa Las Vegas. “Gusto mo ng lifestyle check sa mga politiko pero hindi mo kayang unahin ang anak mo sa Kongreso?” tanong ni Barzaga, na tumukoy kay Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo. Giit pa ng kongresista, kung totoong seryoso si Tulfo sa paglilinis sa pamahalaan, dapat magsimula…
Read MorePondo sa ghost projects galing sa ‘pork’ MARCOS ISAMA SA ICI INVESTIGATION – SOLON
IGINIIT ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na dapat isama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iniimbestigahan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Tinio, mula sa lump sum at unprogrammed appropriations o tinatawag niyang “presidential pork” nanggaling ang pondo ng mga proyekto na ngayon ay iniimbestigahan, kabilang ang mga substandard at ghost projects. Ibinulgar ng kongresista na mula 2023 hanggang 2024, aabot sa 3,700 proyekto na nagkakahalaga ng P214 bilyon ang inaprubahan mismo ng Pangulo. Kabilang dito ang…
Read MoreUTANG NG PILIPINAS BUMABA NITONG AGOSTO
BUMABA ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury, matapos mabayaran ng gobyerno ang pinakamalaking local bond ng taon at dahil na rin sa paglakas ng piso. Naitala ang sovereign debt sa P17.47 trilyon, mas mababa ng P95.07 bilyon kumpara sa P17.563 trilyon noong Hulyo. Ayon sa Treasury, ang pagbaba ay dulot ng full repayment ng P516.34 bilyong local bond at pagbaba ng halaga ng external debt sa dolyar. Naitala rin na bumaba ang domestic debt sa P12.09 trilyon (down P21.39 bilyon), habang ang foreign…
Read More64 iniulat na nasawi 6.9 MAGNITUDE QUAKE YUMANIG SA CEBU
NAKAPAGTALA na ng mahigit 60 nasawi sa pagtama ng magnitude 6.9 earthquake sa Bogo City, Cebu, Martes ng alas-9:59 ng gabi, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Agad namang inatasan ni Acting PNP Chief PLTGen Jose Melencio Nartatez Jr., ang PRO-7 na i-activate ang Disaster Incident Management Task Group. Kabilang sa mandato ng task group ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), accounting ng lahat ng tauhan at kagamitan, at pagtutok sa search, rescue, at relief operations. Sa inisyal na ulat, ang pagyanig ay nagdulot ng sunog sa…
Read MoreVENDOR SA SABUNGAN, NIRATRAT PATAY
QUEZON – Patay ang isang vendor sa sabungan matapos na ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na tumawag sa biktima sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Lutucan Malabag, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Martes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Dante”, 54-taong gulang, at residente ng Brgy. Lutucan Malabag. Ayon sa live-in partner ng biktima, nakahiga sa kanilang kama ang biktima sa kanilang kubo sa Sitio Palomera nang dumating ang dalawang lalaki bandang alas-10:00 ng gabi. Doon ay tinawag ang biktima ng…
Read MoreLALAKI PATAY NANG MABAGSAKAN NG PINUPUTOL NA NIYOG
NASAWI ang isang coco lumber cutter matapos mabagsakan ng punong niyog na kanyang pinuputol sa Brgy. Villa Reyes, San Andres, Quezon nitong Martes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Alvin, 38-anyos, residente ng Sitio Kalamias, San Narciso. Ayon sa pulisya, gamit ang chain saw ay pinuputol ng biktima ang puno kasama ang kanyang helper nang biglang magbago ang direksiyon ng pagbagsak matapos tumama sa isa pang puno. Tinamaan ang biktima at agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. (NILOU DEL CARMEN) 278
Read MoreSUSPEK SA PAMAMARIL SA 3 PULIS NAPATAY SA ENGKWENTRO
PATAY ang suspek na si Ronald Bacay De Guzman matapos makasagupa ng mga pulis sa hot pursuit operation sa Brgy. Bolbok, Batangas City nitong Martes. Ayon sa Batangas Police, natunton ang suspek sa isang kagubatan bandang 11:30 a.m. at agad umanong nagpaputok nang lapitan, dahilan para gumanti ang mga pulis. Dinala pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. Matatandaang tatlong pulis ang sugatan sa buy-bust operation laban sa ilegal na armas sa parehong barangay noong Lunes ng gabi matapos paputukan ng mga suspek. Ang mga biktima ay sina…
Read More