MULING nagbabala si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus, laban sa lumalalang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino at sa umano’y pagkukunwari ng China sa West Philippine Sea. Aniya, “Pumunta ka sa Subic at makikita mo ang katotohanan—mga bangkang iniwan, mga amang napilitang magtrabaho sa konstruksyon, at mga pamilyang tinalikuran ang tradisyong bumuhay sa kanila. Hindi ito iilang kuwento lang; ito ang tunay na mukha ng pinsala at agresyon ng China.” Isang ulat ang nagpatunay sa babala ni Goitia: halos wala nang huli ang mga mangingisda sa Subic. Ang dating yamang…
Read MoreCategory: BALITA
ATONG ANG KABILANG SA ‘HUHUGASAN’ SA P1.5-M SUHOL SA KASO NG SABUNGEROS
ISINIWALAT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may tangkang suhulan ng ₱1.5 milyon para matanggal sa listahan ng mga suspek sa Missing Sabungeros Case ang pangalan ng gambling boss na si Charlie “Atong” Ang. Ayon kay Remulla, inaresto ng CIDG ang mag-asawang sina Cristina at Alvin Bernabe na umano’y inutusan para bayaran at kumbinsihin ang mga kaanak ng mga biktima na umatras sa kaso. Isa sa mga nadale ay si Jaja, kinakasama ng biktimang si John Inonog, na pinapirma sa isang recantation matapos tanggapin ang milyong suhol. Sa presscon,…
Read MoreSANDRO KAY ZALDY CO: UMUWI AT HARAPIN MGA REKLAMO
HINAMON ni House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umuwi at harapin ang mga alegasyon ng katiwalian sa flood control projects. “He should come home and face all allegations against him,” ani Marcos kasunod ng pagbibitiw ni dating House Speaker Martin Romualdez. Batay sa record ng Kamara, huling pumasok si Co noong SONA ni Pangulong Bongbong Marcos. Inamin naman ng kapartidong si Rep. Alfredo Garbin na nasa Amerika ito at nagpapagamot umano. Si Co ang inaakusahan na nagsingit ng bilyon-bilyong pondo sa…
Read MoreDY INILUKLOK NA SPEAKER
PORMAL na iniluklok bilang Speaker ng Mababang Kapulungan si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III kasunod ng pagbibitiw ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects. Sa isinagawang nominal voting, 253 Congressmen ang bumoto kay Dy bilang Speaker, 28 ang nag-abstain na pawang mga miyembro ng minorya at agad nanumpa sa ‘benjamin” o pinakabatang miyembro ng Kamara na si Negros Occidental Rep. Javi Benitez. Walang tumayong kalaban si Dy na ninominate nina Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano. Si…
Read MoreINTON: TIGIL PASADA SALOOBIN NG TAUMBAYAN KONTRA KORAPSYON
SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nakatakdang 3-araw na tigil pasada ng transport groups bilang protesta laban sa talamak na korapsyon at mga ghost project ng gobyerno. Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, malinaw ang doble-standard: “Kapag simpleng driver, mabilis hulihin at parusahan. Pero pagnanakaw ng bilyon-bilyon, nagtatakipan ang mga makapangyarihan. Hanggang ngayon, fuel subsidy wala pa rin!” Giit ni Inton, tiyak na mahihirapan ang mga commuter sa tigil pasada, pero mas matindi raw ang hirap na dulot ng baha mula sa mga ghost…
Read MoreBarko ng UK nasa Pilipinas STATUS OF VISITING FORCES AGREEMENT ISINUSULONG
NAGING bisita ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. si Lord Vernon Coaker, Minister of State for Defense sa House of Lords ng United Kingdom (UK) noong Martes, halos kasabay sa pagdaong sa Maynila ng isang barkong pandigma ng United Kingdom. Sa pagbisita ni Lord Coaker sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City, iprinisenta nito ang isang liham mula kay The Rt Hon. John Healey MP, ang UK Secretary of State for Defense, na nagsasaad ng kanilang layunin na magkaroon din ng Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa…
Read MoreEX-JUSTICE REYES SA ICI APRUB SA ILANG SENADOR
KUMPIYANSA si Senador Panfilo Lacson na makukuha ng bansa ang kinakailangang hustisya kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects sa pamamagitan ng mga itinalagang chairman at miyembro ng Independent Commission for Infrastructure. Sinabi ni Lacson na good choice o mahusay ang pagkakapili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Supreme Court Justice Andres Reyes bilang chairman ng ICI. Kinumpirma ni Lacson na nakilala na niya si Reyes noong nasa Korte Suprema pa ito at kilala sa pagkakaroon ng integridad. Sa ilalim anya ng pamumuno ni Reyes sa ICI kasama…
Read MoreMula lolo hanggang apo bawal mangontrata FAMILY BUSINESS NG GOV’T OFFICIALS IBA-BAN SA GOVERNMENT PROJECTS
BAWAL na ang kontrata sa gobyerno para sa mga contractor na may kaanak na politiko at opisyal ng pamahalaan kapag naisabatas ang panukalang inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa ilalim ng House Bill 3661, pinalalawak ang pagbabawal sa mga contractor na may kaugnayan hanggang fourth degree of consanguinity o affinity—hindi lang magulang, anak, kapatid, tito, tita at pamangkin, kundi pati pinsan, apo sa pamangkin, at lolo’t lola sa tuhod ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi lamang sa…
Read MoreDepensa sa ‘pag-absent’ ni PBBM sa UNGA TRABAHO HINDI KALIWA’T KANANG PROTESTA – PALASYO
NILINAW ng Malakanyang na hindi ang mga nakatakdang protesta laban sa korupsyon sa Setyembre 21 ang dahilan kung bakit hindi makadadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 80th session ng UN General Assembly sa New York mula Setyembre 23–27. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, maraming lokal na isyu ang dapat tutukan ng Pangulo, kabilang na ang pagpapababa ng presyo ng bilihin at pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan. “Bilang presidente, maraming trabaho ang Pangulo,” aniya. Dagdag pa ni Castro, uunahin din ng Pangulo ang bagong tatag…
Read More