NANUMPA na si Senator Vicente “Tito” Sotto III bilang bagong Senate President na sinaksihan ng kanyang pamilya. (DANNY BACOLOD) TULUYAN nang napalitan si Senador Francis Chiz Escudero bilang lider ng Senado. Iniluklok ng mga senador si Senador Vicente Tito Sotto III matapos bakantehin ni Escudero ang posisyon. Si Senador Juan Miguel Migz Zubiri ang nagsulong na ideklarang bakante ang posisyon bilang Senate leader na inaprubahan ni Escudero. Si Zubiri rin ang nag-nominate kay Sotto bilang Senate President sa pagsasabing sa pamamagitan ni Sotto ay nasa good hands ang Senado. Walang…
Read MoreCategory: BALITA
VICO TAHIMIK SA ISYU VS ROMAN, INUPAKAN MGA DISCAYA
TAHIMIK si Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa mga paratang laban kay Rep. Roman Romulo ngunit binatikos niya ang mga kontraktor na sina Curlee at Sara Discaya dahil sa hindi tugmang pahayag at kasinungalingan sa kanilang testimonya sa harap ng Senate Blue Ribbon Committee. Kasama si Romulo sa mga mambabatas na pinangalanan ng mag-asawang Discaya na umano’y nakatanggap ng pera mula sa kanilang infrastructure projects. “Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become STATE WITNESS. Para di…
Read MoreP1.16-B ILLEGAL DRUGS NASAMSAM
UMABOT sa P1.16 bilyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo, katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BOC). Ayon sa PDEA, ang operasyon ay isinagawa nationwide mula Agosto 29 hanggang Setyembre 5, 2025. Sa panahong ito, nakapagtala sila ng 48 anti-drug operations kabilang ang buy-busts, marijuana eradications, interdictions, warrant service, at raids na nagresulta sa pagkakaaresto ng 101 drug personalities. Kabilang sa mga nahuli ang 36 pushers, 24 drug den visitors, pitong drug…
Read MoreBINATA NASAGIP SA TANGKANG SUICIDE
NASAGIP sa tangkang pagpapakamatay ang isang 32-anyos na binata nang madiskubre itong nakabigti sa Baseco Compound, Port Area, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Robert”, residente ng Barangay 649, Port Area. Ayon sa ulat ni Patrolman Rosales Fernandez, Jr. kay Police Lieutenant Roberto De Leon ng Baseco Police Station 13, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang i-report sa tanggapan ng Station Tactical Operation Center ang hinggil sa tangkang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-12:30 ng madaling araw at isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center. Nabatid…
Read MoreSERBISYONG PANGKALUSUGAN AT IBA PA IBINIDA NG QCPD
IPINAGMALAKI ni PCol. Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD), ang pangunahing administratibong mga nagawa ng distrito para sa linggo ng Agosto 31 hanggang Setyembre 6, 2025. Sinabi ni PCol. Silvio, ang QCPD Medical and Dental Unit (QCPDMDU) ay naghatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa 730 benepisyaryo, na kinabibilangan ng mga tauhan ng QCPD, kanilang mga dependent, awtorisadong sibilyan, at Persons Under Police Custody (PUPCs). Sinabi pa ng QCPD, kasama sa mga serbisyong ibinigay sa loob ng isang linggo ang pagsubaybay sa kalusugan…
Read More2 SUSPEK SA PAGDUKOT SA CHINESE STUDENT, SUMUKO
DALAWA sa mga suspek sa pagdukot sa 14-anyos na Chinese international school student sa Taguig City, ang napilitang sumuko sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) nang maramdaman ang pressure mula sa tumutugis na mga awtoridad. Ayon kay Police Major Eleonor Villaruz, Public Information Officer ng PNP-AKG, agad nilang isinilbi ang hawak nilang warrants of arrest laban sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Marv” at “Tatang”, kapwa taga Pasay City, kasunod ng paglutang ng mga ito noong Setyembre 3, 2025 sa nasabi ring lungsod. “Dahil na-identify na with the…
Read MoreBRIONES ITINANGGI ANG AKUSASYON NG MGA DISCAYA
MARIING itinanggi ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones ang pagkakasangkot niya sa listahan ng mga politikong umano’y tumanggap ng porsiyento mula sa mga proyekto ng pamilya Discaya. Sa testimonya ni Curlee Discaya, may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp., sinabi nilang may ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanghingi ng “parte” mula sa kanilang mga proyekto. Ayon kay Discaya, aabot umano sa 10% hanggang 25% ang hinihinging porsiyento bilang kondisyon para hindi maipit…
Read MoreSALN NG MGA KONGRESISTANG PINANGALANAN NG MGA DISCAYA PINALALANTAD
HINAMON ng isang miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kongresista at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na idinawit ng mag-asawang Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya sa anomalya sa flood control projects na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee. “Sa pagbubunyag nitong umaga sa Senado, hinahamon natin ang lahat ng nadawit—mula tauhan at opisyal ng DPWH hanggang sa ilang mambabatas—na ipakita ang kanilang SALN at lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency,” ayon kay Akbayan party-list Rep. Chel Diokno.…
Read MoreUSWAG ILONGGO REP. ITINURO RIN NG MGA DISCAYA
KASAMA sa mga binanggit ng mag-asawang kontratista na sina Sara at Curlee Discaya si Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang bilang isa sa mga mambabatas na umano’y tumanggap ng pera mula sa kanilang mga infrastructure project. Sa isang 10-pahinang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng mag-asawa na napilitan silang magbigay ng 10 hanggang 25 porsyento ng pondo ng proyekto sa mga mambabatas upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kanilang mga kontrata. Iginiit nila na paulit-ulit na sinasabi ni Ang na ang kanyang mga proyekto…
Read More