BABAE ITINUMBA SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang 31-anyos na babae nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek habang kausap ang isang kaibigan hinggil sa isinanlang cellphone sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si “Ayie”, 31, ng Brgy. San Juan, Dasmariñas City, Cavite. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas natapos ang insidente. Ayon sa ulat, bandang alas-8:25 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang maliit na iskinita sa Purok 3, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City. Ayon sa live-in partner,…

Read More

‘Kunsintidor’ sa tauhang diskarteng tamad CHIEF OF POLICE SA RIZAL, SINIBAK

INIHAYAG ni PNP chief, PGen. Nicolas Torre III, mayroon siyang inalis na isang city chief of police sa lalawigan ng Rizal. Sa flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni Torre na kanyang inalis sa pwesto ang hepe dahil sa “diskarteng tamad” ng mga tauhan nito. Tanging ang Antipolo City ang nag-iisang siyudad sa lalawigan ng Rizal. Batay sa nakalap ng Saksi Ngayon, ang dating OIC ng Antipolo Component City Police Station na si PLt. Col. Mark Henry Garcia ay pinalitan ni PLt. Col. Jaime S.…

Read More

Sa kabila ng ‘nakalibing’ na mga sabungero BFAR: TAWILIS SA TAAL LAKE LIGTAS PA RING KAININ

NILINAW ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, na ligtas pa ring kainin ang mga isda mula sa Taal Lake gaya ng tawilis at tilapia. Ito ay sa gitna ng panawagan sa gobyerno ng mga kaanak ng nawawalang mga sabungero na simulan na ang diving operations sa Taal Lake kung saan sinasabing itinapon ang bangkay ng mga sabungero. Magugunitang isiniwalat ng isang whistleblower kaugnay sa nawawalang mga sabungero, na itinapon ‘di umano ang kanilang bangkay sa nasabing lawa. Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazario Briguera, walang dapat…

Read More

MR NI MANILA REP. JOEY UY IBINASURA NG COMELEC

NANINDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) na walang bisa ang pagkapanalo at proklamasyon kay Luis Joey Chua Uy na nanalo bilang kongresista sa ika-6 na distrito ng Maynila sa nakaraang halalan. Sa desisyon ng Comelec en Banc, ibinasura nito ang motion for reconsideration na inihain ni Uy kaugnay sa pagbawi sa kanyang pagkapanalo at proklamasyon. Giit ng en banc, nakabatay ang desisyon ng Comelec 2nd Division sa Section 6, Article 6 ng Konstitusyon na nagsasaad na hindi natural-born Filipino citizen ang respondent na si Uy kung kaya’t ang pagkapanalo niya…

Read More

ARRAIGNMENT KAY TEVES IPINAGPALIBAN

MULING ipinagpaliban ang nakatakdang arraignment nitong Hunyo 30, kay dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12. Sa viber message ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, naghain sila ng mosyon noong Biyernes dahil sa pananatili sa ospital ng kanyang kliyente na nakararanas pa rin ng ‘pain’ matapos sumailalim sa appendectomy o operasyon sa appendix kamakailan. Ang pagbasa ng sakdal kay Teves ay may kaugnayan sa kasong murder. Ipinagpaliban ni Judge Renato Enciso sa Hulyo 14, ganap na alas-8:30…

Read More

SA DAMI NG BASURA: STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY IDEDEKLARA SA MAYNILA

ISASAILALIM sa public health state of emergency ang buong lungsod ng Maynila sa gitna ng hindi pa nahahakot na tambak at namamahong mga basura sa lungsod. Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang unang press conference sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod. Giit ni Domagoso, malaki ang naging epekto ng basura sa kalusugan ng mga Manilenyo kaya naman magdedeklara ng health state of emergency. Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Domagoso na natanggap nila umaga nitong Lunes, ang liham mula sa service provider na Metro Waste…

Read More

UNIVERSAL SOCIAL PENSION NG SENIORS MULING IPAGLALABAN SA KONGRESO

BATASAN HILLS, Lungsod Quezon — Sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso, agad na hinain muli ni United Senior Citizens (USC) party-list representative MILAGROS ‘Mila’ Aquino-Magsaysay ang panukalang Universal Social Pension (USP) bill upang mabigyan ng buwanang social pension ang lahat ng matatandang Pilipino sa bansa. Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, aabot sa halagang 12 milyong piso ang ipapamahagi para sa kapakanan ng mga senior citizen na edad 60 taong gulang pataas. Bagamat sinuportahan ito ng mayorya ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez…

Read More

EMPLEYADO NG LTO SA SAMAR SINUSPINDE NI ASEC MENDOZA

PINATAWAN ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 days preventive suspension ang isang empleyado ng ahensya sa Samar dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa huwad na pagpaparehistro ng isang sasakyang de-motor. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty.Vigor D. Mendoza II, ang suspension order ay may kaugnayan sa mga kasong administratibo na Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service batay sa reklamo ng may-ari ng sasakyan noong Enero ng taong ito. Batay sa reklamo ng may-ari ng sasakyan, ang supervising transportation regulation officer…

Read More

LIGO AT 555 SARDINES MAGBABABA NG PRESYO

NAKATAKDANG ibaba ng Century Pacific Food Inc. (CNPF) ang presyo ng mga produkto nitong sardinas para mabawasan ang pasanin ng mga mamimili. Magkakaroon ng pisong rollback kada lata sa lahat ng Ligo at 555 sardines simula ngayong ika-1 ng Hulyo, 2025. Ang pagkilos ay bahagi ng adbokasiya ng kumpanya na unahin ang kapakanan ng mga consumer, lalo ngayong nahaharap sa napakaraming hamon ang ekonomiya ng bansa. “In our small way, Ligo Philippines wants to ease their burden and support them during these times. Cost-efficient actions, such as a constant drive…

Read More