35 GRUPO UMAPELA KAY MARCOS: KONEKTADONG PINOY ISABATAS NA!

UMAPELA ang iba’t ibang organisasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabatas na ang Konektadong Pinoy o Open Access in Data Transmission Act, na itinuturing nilang makasaysayang panukala na magpapalakas ng access sa internet sa bansa. Sa isang pahayag, pinuri ng 35 grupo si Marcos Jr. sa pag-certify ng panukalang batas bilang urgent, at sinabing ang pagpirma rito ay magiging pinakamalaking pamana ng Pangulo sa sambayanang Pilipino at sa mga stakeholder na matagal nang nagtitiis sa mahal, hindi maaasahan, at hindi abot-kamay na internet. “Konektadong Pinoy was created to free…

Read More

10 BILLS INIHAIN NI SEN. ERWIN TULFO

AGAD naghain si Senator Erwin Tulfo ng kanyang unang sampung panukalang batas para sa 20th Congress ngayong Lunes, June 30. Ang mga panukalang ito ay: Pagsusuri ng Rice Tariffication Law, Batas sa Salary Standardization ng mga Opisyal ng Barangay, National Land Use Act, Mga Propesyonal na Review Center, Batas sa Parol na Medikal, Health Courses Expansion Act of 2025, Simplified Aid Access Act of 2025, Anti-Conflict of Interest in Public Utilities Act, Pagsusuri sa Expanded Solo Parents Act, at Anti-Road Rage Act. Sa kanyang unang press briefing bilang senador, ibinahagi…

Read More

CHINESE, 2 PA TIMBOG SA P20.4-M SHABU

CAVITE – Natimbog ng mga pulis ang tatlong hnihinalang big time drug dealers kabilang ang isang Chinese national, sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang mahigit P20 milyong halaga ng hinihinalang shabu nitong Linggo ng madaling araw sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Sha” at ang Chinese national na si alyas “Cho”. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:00 kahapon ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Bacoor Component City Police, Drug Enforcement Unit at PDEA…

Read More

HIGH-IMPACT MARIJUANA ERADICATION OPERATION ISINAGAWA SA KALINGA

TUGUEGARAO CITY – Matagumpay na naisagawa ng mga awtoridad ang large-scale marijuana eradication sa cultivation site sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga. Ang high-impact operation ay isinagawa noong Hunyo 27, 2025, mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-11:25 ng gabi, sa pangunguna ng PDEA Region 2 Cagayan Provincial Office. Kasama sa nasabing operasyon bilang supporting units ang PDEA CAR-Kalinga Provincial Office, Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit CAR, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, at Regional Mobile Force Battalion 2. Winasak ang MOL 34,500 pieces ng…

Read More

Kabilang sa floating shabu? P700-M DROGA NASABAT SA 2 TULAK SA BULACAN

BULACAN – Tinatayang mahigit sa P700 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at Special Operation Unit sa dalawang arestadong suspek kabilang ang isang Chinese national, sa isang sa subdibisyon sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Plaridel sa lalawigan noong Sabado ng gabi, Hunyo 28. Ayon sa inisyal na report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano, kinilala ang arestadong mga suspek na sina Chen Liang Teng, 55, residente sa naturang barangay, at isang alyas…

Read More

BILANG NG NAGUGUTOM NA PINOY TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Filipino na nakaranas ng gutom o involuntary hunger, ayon sa ginawang pag aaral ng Social Weather Station nitong nakalipas na tatlong buwan kung saan lumilitaw na may 20 porsyento ng populasyon ay minsang naranasan na walang makain. Ayon sa SWS, sa pag-aaral na isinagawa nila hinggil sa kagutuman nitong huling linggo ng Abril 2025, tumaas ng 20 bahagdan ang bilang ng nagugutom na Pinoy, at 16.4 percent nito ang nagsasabing nakaranas sila ng moderate hunger, habang 3.6 percent ang dumanas ng labis ng kagutuman.…

Read More

SUMALISI SA BAHAY, KINUYOG NG TAMBAY

KINUYOG ng mga tambay ang isang 29-anyos na lalaki makaraang sumalisi sa isang bahay at tinangay ang isang cellphone noong Sabado ng madaling araw sa Zone 46, Barangay 497, Sampaloc, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Joshua”, residente ng Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District, bandang alas-12:35 ng madaling araw nang humingi ng tulong ang biktimang si alyas “Daniel”, 28-anyos, sa mga barangay tanod dahil sa nawawalang cellphone sa kanyang bahay. Hanggang sa madiskubreng tinangay ng suspek ang cellphone. Bunsod…

Read More

1 SA TANDEM TIMBOG SA SNATCHING

NADAKIP ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang angkas habang tuluyang nakatakas ang driver ng motorsiklo makaraang hablutin ang cellphone ng isang biktima noong Biyernes ng gabi sa panulukan ng Rizal Avenue at Tayuman Street, Sta. Cruz, Manila Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Bernardo”, 23, residente ng Sta. Cruz, Manila habang tuluyang nakatakas ang kasabwat nito na si alyas “Kenneth”, ng Balut, Tondo Batay sa ulat nina Police Executive Master Sergeant Peter Joseph Villanueva ng Sector 2 ng Station 3,…

Read More

KAPUNAN KABILANG SA MGA LILITIS KAY VP SARA

KUMPIRMADO nang kasama si Atty. Lorna Kapunan sa private lawyers na maglilitis kay Vice President Sara Duterte kapag natuloy ang impeachment trial. Hanggang kahapon ay hindi pa isinisiwalat ng Prosecution Panel kung sinu-sino at ilan ang private prosecutors na tutulong sa kanila sa paglilitis sa Pangalawang Pangulo. Gayunpaman, inamin ni Kapunan sa isang panayam na kasama siya sa private prosecutors at tumanggi itong pangalanan ang kanyang mga kasama mula sa pribadong sektor. Kaugnay nito, kinontra ni Kapunan ang depensa ni Duterte na walang impeachment case dahil ibinalik ito ng Senate…

Read More