RIZAL – Hindi nakapalag nang arestuhin ng mga awtoridad ang isa sa most wanted persons sa lalawigan, sa kasong qualified object rape. Kinilala ang suspek na si alyas “Allan,” 52, isang foreman, at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal. Ayon sa ulat na natanggap ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director, dakong alas-2:10 ng hapon noong Huwebes, Hunyo 5, 2025, nang matunton at arestuhin ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station ang akusado sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta. Si Allan ay may kasong qualified object rape at maaaring…
Read MoreCategory: BALITA
DIABETIC NAGBARIL SA ULO, PATAY
CAVITE – Hinihinalang nagbaril sa sarili ang isang lalaki na natagpuang wala nang buhay ng kanyang ina sa kanilang bahay sa Trece Martires City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Marlon” ng Purok 4, Brgy. Osorio, Trece Martires City. Ayon sa salaysay ng ina, bandang alas-9:30 ng gabi nang dumating siya sa kanilang bahay nang madiskubre niya ang kanyang anak habang nakahiga sa kama, may dugo sa ulo at wala nang buhay. Sa salaysay ng ilang kapitbahay ng biktima, nakarinig sila ng putok ng baril mula sa…
Read MoreCHINESE NAVY WARSHIP LUMAPIT SA PANATA ISLAND
ISANG barko de giyera ng People’s Republic of China na dumikit sa Panata Island na sakop ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea, ang binantayan ng Philippine Navy (PH NAVY) nitong Biyernes ng umaga. Batay sa mga ulat, namataan ng PH Navy ang Ma’anshan Jiangkai II-class frigate ng People’s Liberation Army (PLA)-Navy na mayroong bow no. 525 sa karagatan ng WPS, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang PH Navy sa bahaging ito ng WPS. Tinatayang nasa layong 4.6 nautical miles ang distansya nito mula sa BRP Andres Bonifacio na siyang…
Read More8-ORAS NA DUTY NG MGA PULIS SUPORTADO NG NAPOLCOM
SUPORTADO ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pangunguna ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Commissioner Atty. Rafael Calinisan, ang planong pagpapatupad ng 8 hours working shift para sa mga pulis, base sa nais na ipatupad ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III nang ito ay manungkulan bilang bagong punong mayor ng pambansang pulisya. Sa katunayan, ayon sa NAPOLCOM, noon pa nila balak na ipatupad ang pagbalik sa 8-hours working shift sa mga pulis kaya agad nilang sinang-ayunan ang pagpapatupad nito. Plano ni Torre na ibalik ang otso oras…
Read MoreFFCCCII UMAPELA SA SOLONS HINGGIL SA P200 WAGE HIKE
UMAPELA ang grupo ng malalaking mangangalakal at mga negosyante sa Pilipinas sa mga mambabatas na maghinay-hinay at pag-aralan munang mabuti ang planong pagpapatupad ng P200 wage hike para sa arawang mga manggagawa. Ayon sa FFCCCII, kinikilala nila ang kahalagahan na matiyak ang pagkakaroon ng tamang pasahod para sa mga manggagawa, subalit nakikiusap umano sila sa policymakers na ikonsidera ang mas balanse, consultative, at region-sensitive approach sa pagdetermina ng wage adjustments. Kinikilala umano ng samahan ng mga mangalakal ang makataong intensyon sa likod ng panukalang P200 legislated wage increase na layuning…
Read MorePAY RULES SA EID’L ADHA, IPINAALALA NG DOLE
MAY karapatang tumanggap ng 200 porsiyento ng kanilang suweldo para sa walong oras na trabaho ang mga empleyado ng pribadong sektor na mag-uulat para sa trabaho sa Hunyo 6 na isang regular holiday bilang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice). Sa isang advisory noong Huwebes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga hindi magre-report para sa trabaho ay may karapatang tumanggap ng buong halaga ng kanilang daily wage “sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may suweldo sa araw…
Read MoreARRAIGNMENT NI TEVES SA MGA KASONG PAGPATAY ITINAKDA SA MARTES
INAASAHANG haharap sa arraignment sa Manila Regional Trial Court si dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa darating na Martes (Hunyo 10), kaugnay ng kasong pagpatay kay dating governor Roel Degamo at ilan pang biktima noong Marso 4, 2023. Si Teves ay babasahan ng sakdal sa Branch 51 sa ganap na alas-2 ng hapon para sa 10 bilang ng murder, 13 bilang ng frustrated murder at apat na bilang ng attempted murder. Magugunita nitong Huwebes ng umaga, iniharap na rin si Teves sa Manila RTC, Branch 12 para…
Read MoreSM Prime’s Hans Sy champions private sector role in disaster resilience at UNDRR Global Platform 2025
SM Prime’s Hans Sy (second row from the top, second from the left) joins Special Representative of the United Nations Secretary-General Kamal Kishore (first row, fourth from the left), Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum, Jr. (second row, first from the right), and world leaders at the Global Platform 2025 organized by the United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), set at Geneva, Switzerland from June 2-5. Photo from Antoine Tardy for UNDRR. Mr. Hans Sy, Chairman of the Executive Committee of SM Prime Holdings, reaffirmed the…
Read MorePUV MODERNIZATION TULOY – PALASYO
SINABI ng Malakanyang na magpapatuloy ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Subalit, binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi ito dapat ipatupad nang padalos-dalos o nang walang tamang preparasyon ng apektadong sektor. Sinabi pa ni Castro na ipinresenta ni Transportation Secretary Vince Dizon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang hamon na kinahaharap ng Public Transportation Modernization Program (PTMP), partikular na ang kahandaan ng mga jeepney driver at operators na sumunod na may pagsang-ayon at financial requirements. “Napag-usapan po…
Read More