NILINDOL ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Benguet nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol dakong alas-2:33 ng hapon sa kanlurang bahagi ng bayan ng Tuba, Benguet. Sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong 10 kilometro. Naramdaman ang Intensity 5 sa Baguio City at ilang bahagi ng Benguet habang Intensity 4 naman ang naitala sa Aringay, La Union. Naitala rin ang Intensity 3 sa Sison, Pangasinan; Intensity 2 sa Urdaneta City, Pangasinan; at…
Read MoreCategory: BALITA
HIGIT ₱474-M PUSLIT NA YOSI, NASABAT NG NAVY SA WESTERN MINDANAO
MAHIGIT P474 milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Navy sa serye ng pinaigting na maritime security operations ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa ilalim ng pamumuno ni Rear Admiral Constancio Arturo M. Reyes Jr., PN. Ayon sa Philippine Navy, apat na sasakyang pandagat na sangkot sa pagbibiyahe ng mga kontrabando ang naharang sa magkakahiwalay na operasyon sa Western Mindanao mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 6. Pinakahuli rito ang operasyon ng Naval Task Force 61 (NTF-61) noong Hulyo 6 nang harangin nito ang M/V Jepajoy…
Read MoreESTUDYANTE HULI SA PAGBITBIT NG BARIL SA PAARALAN
ISANG 16-anyos na estudyante ang naharang ng mga awtoridad matapos umanong magtangkang magdala ng Philippine Army-issued handgun sa isang pampublikong paaralan sa Tupi, South Cotabato. Naganap ang insidente noong Hulyo 7 matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may dalang baril ang isang binatilyo habang papasok sa paaralan sa Barangay Poblacion. Agad na rumesponde ang mga nagpapatrulyang pulis at naharang ang estudyante bago pa ito makapasok sa campus. Nasamsam mula sa kanya ang isang Army-issued Glock 17 9mm pistol na may dalawang magazine na kargado…
Read More2 TULAK TIMBOG SA DROGA, BARIL AT BALA
NAARESTO ang dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya, at nasamsam ang ilegal na droga, baril at bala sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang naarestong mga suspek na sina alyas “Harley” at “Wilfredo”. Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga…
Read MoreSC IBINASURA MGA PETISYON LABAN SA NCAP
IBINASURA ng Korte Suprema ang lahat ng petisyong kumukuwestiyon sa legalidad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) sa Metro Manila. Ayon sa Korte Suprema, naging moot o wala nang aktuwal na isyung dapat pagpasyahan ang mga petisyon matapos maipatupad ang Metro Manila Traffic Code of 2023 na nagtatag ng iisang balangkas para sa traffic enforcement at NCAP sa Kalakhang Maynila. Bukod dito, ibinasura rin ang mga petisyon dahil sa kawalan ng legal standing, hindi paggamit ng mga administratibong remedyo, paglabag sa hierarchy of courts at forum shopping. Nilinaw naman ng…
Read MoreMAHIGPIT NA PAGSUNOD SA PATAKARAN SA VP SARA IMPEACHMENT TRIAL, IGINIIT NI CAYETANO
IGINIIT ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos niyang sitahin ang aniya’y “leading question” ng prosecution panel. “I’ll be very particular when it comes to the rules and it’s not against any particular group… All of us want to expedite this, but let’s follow the rules,” pahayag ni Cayetano. Sa pagdinig, iniharap ng House prosecution panel ang mga ebidensya kaugnay ng Article IV ng impeachment complaint na tumutukoy sa umano’y pagbabanta ni Vice…
Read MoreWalang term extension kay Marantan HIRIT NI JONVIC TINABLA NG MALAKANYANG
SINABI ng Malakanyang na hindi na palalawigin pa ang active service ni Police Brigadier General Hansel Marantan, regional director ng Police Regional Office-4A (Calabarzon), na nakatakdang magretiro ngayong buwan. Nauna nang hiniling ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) na palawigin ng isang taon ang serbisyo ni Marantan. “Wala pong extension para po kay General Marantan. At maaari po siyang makatulong sa ibang pamamaraan,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing…
Read MorePHLPOST MAS LIGTAS, MAS PINAGKAKATIWALAAN SA MUNDO
Makikita sa larawan (mula kaliwa) sina Atty. Kristjan Vicente T. Gargantiel, Chairman of the Board of Directors, PHLPost, Commissioner Brian Keith Hosaka, Governance Commission for GOCCs (GCG), Secretary Kim Robert De Leon, Department of Budget and Management (DBM), Postmaster General Maximo C. Sta. Maria III, Philippine Postal Corporation (PHLPost), Universal Postal Union Representatives: Thakur Subhash Sinha, Wendy Eitan, Ariya Thongbai, at Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae L. Ting. MANILA — May magandang balita para sa mga Pilipinong nagpapadala at tumatanggap ng sulat at package mula sa ibang bansa.…
Read MoreKAMPO NI VP SARA HUMIRIT MAGDALA NG REF, CATERER SA SENADO
ILANG araw bago ang inaasahang pagharap bilang testigo ng House Prosecution Team, nagtungo sa Senado si Vice President Sara Duterte Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez upang asikasuhin ang ilang administrative concerns kaugnay ng impeachment trial. Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., kabilang sa mga kahilingan ng kampo ng bise presidente ang pagdadala ng refrigerator, coffee maker at sariling caterer sa Senado. “They asked if they can bring in a refrigerator, a coffee maker. Sabi ko, yes. And then whether they can engage their own caterer,” ani Bantug. Sinabi…
Read More