LIQUIDATION NG P125-M CONFIDENTIAL FUNDS, PIRMADO NI VP SARA – COA WITNESS

KINUMPIRMA ni Commission on Audit (COA) State Auditor Roderick Wamil na nilagdaan ni Vice President Sara Duterte ang liquidation report kaugnay ng P125 milyong confidential funds na natanggap ng Office of the Vice President (OVP). Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, kinilala ni Wamil ang pirma ni Duterte sa disbursement voucher, accomplishment report, at OVP certification na iniharap ng House prosecution panel bilang ebidensiya sa Article I ng Articles of Impeachment. Ayon kay Wamil, sa pamamagitan ng kanyang lagda ay pinagtibay ni Duterte ang legalidad ng cash advance at ng mga…

Read More

BARBERS: TESTIMONYA NI COA AUDITOR WAMIL, NAGPATIBAY SA KASO LABAN KAY VP SARA

PARA kay House prosecution panel adviser at spokesperson Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, pinagtibay ng testimonya ni dating Commission on Audit (COA) State Auditor Roderick Wamil ang kaso ng prosekusyon sa ilalim ng Article I ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Barbers, ipinakita ng testimonya ni Wamil na may mga iregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Binigyang-diin ni Barbers na bagama’t maaaring manatiling kumpidensiyal ang layunin ng confidential funds,…

Read More

LINE WORKERS BINIGYANG-PUGAY NG LIDERATO NG KAMARA

NAGBIGAY-PUGAY si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga line worker sa pagdiriwang ng National Line Workers Appreciation Day. Sa mensaheng inihatid ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez, pinasalamatan ni Dy ang mga line worker sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa bansa. “Salamat sa pagpapanatiling bukas ng ilaw sa ating bansa,” ani Dy. Binigyang-diin ng House Speaker na ang maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente ay mahalaga sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan, negosyo, at kabuhayan ng mga Pilipino.…

Read More

CAMILLE VILLAR ISINUSULONG MAGNA CARTA OF BHWs

INIHAYAG ni Senador Camille Villar ang suporta sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1905 o ang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHWs). Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Villar na matagal nang nagsisilbing gulugod ng primary healthcare system ang mga Barangay Health Workers ngunit nananatiling kulang ang suporta at pagkilalang natatanggap ng mga ito. Ayon sa senador, layunin ng panukala na malinaw na itakda ang mga tungkulin ng mga BHW, palakasin ang kanilang pagsasanay at sertipikasyon, magbigay ng mga oportunidad para sa career development, at isabatas ang mga…

Read More

HIGIT 978,000 LOW-INCOME SSS MEMBERS NAKATANGGAP NA NG UPLIFT ASSISTANCE

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 978,000 miyembro ng Social Security System (SSS) na may mababang kita ang nakatanggap na ng P2,000 Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita Irene Dumlao, kabilang ang mga ito sa Group 3 beneficiaries ng programa na inilunsad bilang tugon sa epekto ng krisis sa enerhiya. Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng social protection program para sa mga pamilyang mahihirap,…

Read More

MALACAÑANG PINALAGAN AKUSASYONG ‘SELECTIVE JUSTICE’ SA PIYANSA NI BONG REVILLA

ITINANGGI ng Malacañang ang alegasyon ng “selective justice” matapos payagan ng Sandiganbayan Third Division si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa kasong malversation. Nahaharap si Revilla sa kasong malversation na may kaugnayan sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang desisyon ay ginawa ng isang independent court at walang kinalaman ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “Ang pagdedesisyon po iyan,…

Read More

MALAKANYANG SUPORTADO ‘RESIGN APPEAL’ NI TEODORO

SUPORTADO ng Malacañang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga opisyal ng pamahalaan na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang katapatan ng bawat Pilipino ay dapat nakatuon lamang sa bansa, anoman ang kanilang political affiliation. Ayon kay Castro, walang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno ang pagbibitiw sa puwesto kung hindi nila kayang…

Read More

HAGUE RALLIES NI VP SARA IKINONEK SA 2028 CAMPAIGN

GINAGAMIT umano ni Vice President Sara Duterte ang kanyang mga pagpapakita sa The Hague, Netherlands upang palakasin ang kanyang political base para sa 2028 elections habang ang kanyang mga abogado ang humaharap sa impeachment trial sa Senado. Ito ang pahayag ni House impeachment trial spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos ang isinagawang “Free Duterte Now” rally sa labas ng International Criminal Court (ICC) na dinaluhan ni Duterte. “Una, I think nagra-rally lang siya ng support talaga eh. That’s how we see it,” ani Adiong. Matatandaang inanunsyo ni…

Read More

WIN KAY IMEE: TUMULONG HUWAG PURO BATIKOS

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian si Senador Imee Marcos na makiisa sa pagpasa ng mga priority bill ng Senado sa halip na batikusin ang naging performance ng Kamara sa unang regular na sesyon ng 20th Congress. Ito ay matapos sabihin ni Marcos na “palpak” ang Senado dahil dalawa lamang umanong panukalang batas ang naipasa nito sa nakalipas na first regular session. Ayon kay Gatchalian, mas makabubuting makibahagi ang senadora sa trabaho ng Senado upang mapabilis ang pagpasa ng mahahalagang panukala. Ipinaliwanag niya na anumang puna laban sa Senado ay…

Read More