HINILING ng Department of Justice sa Metropolitan Manila Development Authority ang mga kopya ng CCTV footage kaugnay ng mga pangyayari sa Senado noong nakaraang linggo. Ayon kay Justice Secretary Frederrick Vida, partikular na hiniling ng DOJ ang footage noong Mayo 14 matapos umalis umano si Ronald dela Rosa sa Senado bandang alas-2:30 ng madaling araw. Kaugnay nito, bibisita rin ang binuong Special Panel of Prosecutors sa Senado upang magsagawa ng pisikal na inspeksyon sa lugar kung saan naganap ang insidente ng putukan. Ang naturang panel ay inatasan ng DOJ upang…
Read MoreCategory: BALITA
Kaanak ng missing sabungeros inalok ng P40K monthly 2 PNP OFFICIALS SINIBAK SA PWESTO
KINUMPIRMA ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na dalawang opisyal ng Philippine National Police ang sinibak sa pwesto dahil sa reklamo ng pamilya ng mga nawawalang sabungero. Ang isang opisyal na inalis sa pwesto ay mula sa PNP Custodial Service at ang spokesperson ng PNP-Highway Patrol Group. May ranggong Police Major at Police Lieutenant ang mga sinibak sa pwesto habang dinidinig ang reklamong administratibo na isinampa ng mga kaanak ng missing sabungeros. Nabatid sa reklamo ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero, mayroon umanong warden na nag-o-orchestrate ng secret meetings…
Read MoreNANULAK NA PULIS LAYA NA; FRUSTRATED MURDER IBINASURA NG KORTE
IBINASURA ng Pasig City Prosecutor’s Office ang kasong frustrated murder na isinampa laban sa isang pulis na na-video habang tinutulak ang isang motorcycle rider sa gitna ng alitan sa trapiko sa kahabaan ng C5 Road. Ang reklamo ay isinampa ng Quezon City Police District laban kay Staff Sergeant Erwin Lagua matapos kumalat online ang video ng insidente. Kasama si Atty. Ariel Inton, ipinakita ni Lagua ang order of release na inilabas ng Pasig court nitong Huwebes, Mayo 21. Matatandaang nag-alok ng libreng legal assistance ang Lawyers for Commuters Safety and…
Read MorePAF TRAINER PLANE BUMAGSAK SA BENGUET; 2 PILOTO PATAY
KAPWA walang malay nang matagpuan ng mga rescuer ang dalawang piloto ng Philippine Air Force matapos bumagsak ang sinasakyan nilang PAF SF-260 trainer plane habang nagsasagawa ng navigation training flight sa Benguet. Sa inisyal na ulat, bumagsak ang trainer aircraft bandang alas-10:30 ng umaga sa Sitio Cabuyao, Poblacion, Tuba. Kinumpirma ng pulisya na ang dalawang indibidwal ay natagpuang unconscious matapos bumagsak ang sinasakyan nilang government aircraft na may logo ng Philippine Air Force, kulay gray/white/orange, at may plane number 10-39, ayon kay Lt. Col. Roy Calulot. Kalaunan ay idineklarang patay…
Read MoreBILYONG HALAGA NG DROGA NASAMSAM SA TULONG NG MGA ASO
DAHIL sa mga asong kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency -Narcotics Detection Dogs, naging matagumpay ang ahensiya sa kanilang anti-drug campaign sa buong bansa na nagresulta sa pagsamsam sa multi-bilyong halaga ng ilegal na droga at pagkakaaresto sa bigtime at high value drug personalities. Sa tulong ng Narcotics Detection Dogs, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 30, 2026, nakapagsagawa ang PDEA K9 teams ng 546 anti-drug operations, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 221 drug personalities at pagsamsam ng halos 2.5 tonelada ng methamphetamine hydrochloride o shabu; 44,233 tableta ng ecstasy;…
Read MoreSUSPEK SA RAPE-SLAY SA LOLA SA RIZAL, ARESTADO
ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa isang lola sa Morong, Rizal. Ayon kay PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), nangyari ang krimen sa isang madamong lugar noong madaling araw ng Mayo 18, 2026. Batay sa imbestigasyon, huling nakitang magkasama ang biktima at ang suspek habang nag-iinuman kasama ang pamilya nito bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Kalaunan ay natagpuan ang biktima na may matinding pinsala sa ulo…
Read MorePara sa May 2028 elections VOTER REGISTRATION IPAGPAPATULOY SA 1ST QUARTER NG 2027
PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang mga aktibidad sa pagpaparehistro ng mga botante para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2028, sa unang bahagi ng susunod na taon. Ginawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pahayag, isang araw matapos ang pitong buwang pagpaparehistro noong Lunes ng mga botante para sa Halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026. Noong Mayo 18, ang poll body ay nakapagproseso ng 5,470,889 na aplikasyon simula nang mag-umpisa ang aktibidad noong Nobyembre 20, 2025. Nangunguna ang…
Read MoreDERMALOG SA LTO, PINAIIMBESTIGAHAN SA UMANO’Y BANTA SA NATIONAL SECURITY
HINILING ng isang civic organization sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang Dermalog, ang IT service provider ng Land Transportation Office na may hawak sa pag-imprenta ng driver’s license ng mga Pilipino. Sa liham na ipinadala kay NBI Director Atty. Melvin Matibag noong Mayo 19, 2026, hiniling ng grupong Flag Maharlika na busisiin ang umano’y paglalantad ng mahahalagang rekord ng mga aplikante ng driver’s license sa ibang bansa. Ayon sa Flag Maharlika, nakasaad sa Ombudsman Resolution OMB-C-C-22-0061 na inilabas noong Nobyembre 16, 2022 ang ulat ng LTO Management Information…
Read MoreSANJIA STEEL TINAWAG NA ‘HARASSMENT’ ANG PAOCC-NBI RAID; Hiling pagpapalaya sa mga manggagawa
KINONDENA ng Philippine Sanjia Steel Corporation ang isinagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at National Bureau of Investigation at tinawag itong isang “manufactured crisis” na nakabatay umano sa hindi beripikadong alegasyon at corporate sabotage. Ayon sa kumpanya, naging isang agresibong operasyon ang dapat sana’y ordinaryong pagsusuri lamang na nagdulot ng pagkaantala sa legal nitong operasyon at pagkawala ng kabuhayan ng daan-daang empleyado. “This was not about public safety. This was harassment packaged as law enforcement,” pahayag ng legal counsel ng kumpanya na si Atty. Julia Chu. Isinagawa ang raid…
Read More