SENATE SECURITY PERSONNEL IPINASASAILALIM SA TRAINING

ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo na isailalim sa komprehensibong training at capacity building programs ang mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms ng Senado. Nakasaad sa Senate Resolution 402 ni Tulfo na bumalangkas at magpatupad ng operations manual para sa mas epektibong seguridad sa Senado. Binigyang-diin ni Tulfo na ang naganap na insidente at operational standoff sa pagitan ng National Bureau of Investigation at OSAA noong Mayo 13 ay naglantad ng mga operational, coordination, at procedural gaps sa internal security protocols, emergency response, perimeter control, at inter-agency coordination.…

Read More

‘WALANG NANGUMUSTA’ NI SEN. PIA BINASAG NI TULFO

KINONTRA ni Senador Erwin Tulfo ang pahayag ni Senador Pia Cayetano na wala ni isa sa mga minority senator ang nangumusta sa kanila matapos ang shooting incident sa loob ng gusali ng Senado. Binigyang-diin ni Tulfo na sa kanilang chat group sa whatsapp ay nagpadala siya ng mensahe at sinabing kasama sila sa kanyang dasal. Nangamusta rin anya sina Senator Kiko Pangilinan, Senador Bam Aquino at Senador Sherwin Gatchalian. Katunayan ay sumagot pa si Senador Camille Villar na nagpasalamat at nagsabing maayos ang kanilang kalagayan. Sinabi ni Tulfo na hindi…

Read More

DOJ sa PNP at NBI: ARESTUHIN SI SEN. BATO

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice ang pagtugis at pag-aresto kay Sen. Ronald dela Rosa kaugnay ng kinahaharap nitong kaso sa International Criminal Court. Ibinaba ng DOJ ang kautusan sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation matapos ang media briefing ni Justice Secretary Frederrick Vida. Ayon kay Vida, itinuturing na ng pamahalaan na pugante si Dela Rosa hangga’t hindi ito humaharap sa kasong may kaugnayan sa madugong kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. “Senator Bato is a fugitive from justice and he should be…

Read More

BAWAT BAYAN MAKIKINABANG INILUNSAD SA OBANDO

PINANGUNAHAN ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang paglulunsad ng programang “Bawat Bayan Makikinabang” sa Obando upang maghatid ng bigas at educational assistance sa libo-libong pamilya mula sa 11 barangay. Ayon sa Pangulo, layunin ng programa na direktang makarating sa mga komunidad ang tulong ng pamahalaan. “Nandito naman po ako ngayon upang tingnan ‘yung aming programa. Ito ‘yung sa Bawat Bayan Makikinabang,” pahayag ng Pangulo. May dalawang pangunahing bahagi ang programa — ang Local Government Support Fund (LGSF) at Socio-Civic Projects Fund. Ipinaliwanag ni Marcos na pinalalakas ng administrasyon…

Read More

ONLINE VOTING SA IMPEACHMENT WALANG BASEHAN – BARBERS

MARIING tinutulan ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panukalang amyendahan ang rules ng Senado upang payagan ang online participation at voting sa impeachment proceedings kahit walang pambansang emergency o pandemya. Ayon kay Barbers, tila may ibang motibo ang ilang senador sa pagtatangkang palawigin ang digital participation sa internal rules ng impeachment court. “The proponents want this amendment to extend to the Impeachment Court internal rules. This proposal betrays the intention of some members to accommodate other members who may not be able to physically attend sessions,”…

Read More

KASO SAGUTIN SA KORTE HINDI SA SOCIAL MEDIA — ROMUALDEZ CAMP SA PGMN

HINIMOK ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga personalidad na iniuugnay sa Peanut Gallery Media Network (PGMN) na sagutin na lamang sa korte ang mga reklamong kriminal laban sa kanila. Ayon kay Atty. Elaine Atienza, tagapagsalita ni Romualdez, sadyang umiiwas ang kanilang kampo na talakayin sa publiko ang mga detalye ng kaso bilang pagrespeto sa proseso ng hudikatura. “Sa ngayon we cannot speak of the details of the case, along with the other evidence kasi it’s already subject of ongoing proceedings,” ani Atienza. “But what we can…

Read More

ER NG OSPITAL NG MAYNILA, DIMASALANG BRIDGE NB ISASARA

INANUNSYO ng pamahalaang lungsod ng Maynila na pansamantalang isasara ang Emergency Room (ER) ng Ospital ng Maynila mula Mayo 24 hanggang Hunyo 1. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ito ay upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga pasilidad nito. Sinabi ng alkalde na ilang linggong pinag-aralan ng pamahalaang lungsod kung paano maisasaayos ang ER ng ospital nang hindi itinitigil ang operasyon nito, ngunit lumabas sa mga pagsusuri na hindi ito ligtas para sa publiko kaya kinakailangan itong pansamantalang isara. Sinabi naman ni City Health Officer Dr. Grace Padilla…

Read More

5-YEAR VALIDITY NG PRC LICENSE APRUB NA SA FINAL READING SA KAMARA

ISANG malaking tagumpay para sa milyun-milyong propesyonal sa bansa matapos aprubahan ng House of Representatives ang panukalang magpapalawig sa validity ng Professional Regulation Commission (PRC) identification cards mula tatlo hanggang limang taon. Sa botong 266 pabor, walang tumutol at isang abstention, ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8876. Layunin ng panukala na gawing mas moderno ang proseso sa gobyerno at alisin ang hindi kinakailangang regulatory requirements. Ayon kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, tugon ang panukala sa matagal nang hinaing ng mga propesyonal para…

Read More

VILLAR: PWD ID DAPAT LIBRE AT LIFETIME ANG VALIDITY

NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2134, isang panukalang naglalayong gawing libre at may lifetime validity ang Persons with Disability (PWD) Identification Cards para sa mga kuwalipikadong indibidwal na may permanenteng kapansanan. Ayon sa National Council on Disability Affairs (NCDA), mahigit 2.5 milyong Pilipino na ang rehistradong persons with disabilities o PWDs sa bansa. Gayunman, marami pa rin sa kanila ang nakararanas ng hirap sa pagkuha ng mga benepisyo at serbisyo ng pamahalaan dahil sa mga problema sa registry system at paulit-ulit na rekisito sa dokumentasyon.…

Read More