Sa VPSD impeachment 62 TRIAL DATES HIRIT NG HOUSE PROSEC PANEL

IPINAKILALA kahapon ng prosecution panel ang kanilang bagong legal spokesperson sa katauhan ni Atty. Benjamin Tolosa Jr. upang palakasin ang kanilang laban sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. (DANNY BACOLOD) HUMILING ang House prosecution panel ng kabuuang 62 trial dates para sa presentasyon ng mga ebidensya at testigo sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Mas mataas ito kumpara sa 30 trial dates na hinihiling ng depensa, ayon kay House legal spokesperson at private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. “The prosecution asked for 62 trial…

Read More

DE LIMA NAGBABALA SA PAGDAMI NG FAKE NEWS SA IMPEACHMENT

NAGBABALA si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa posibleng pagdami pa ng disinformation, fake news at mga baluktot na naratibo habang papalapit ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ginawa ni De Lima ang pahayag kasabay ng nagpapatuloy na pre-trial proceedings sa Senate impeachment court at pagkalat ng iba’t ibang impormasyon at interpretasyon sa social media tungkol sa impeachment case. “As these proceedings progress, we can expect more of that, more of disinformation, more of fake news, more of factual distortions, spins of the real stories,…

Read More

1,000 REFUGEE MAKIKINABANG SA DOJ-GCASH DEAL

UMAASA ang Department of Justice (DOJ) na mas mapabubuti ang buhay ng mga refugee sa bansa matapos itong makipagkasundo sa isang e-wallet platform upang mapalawak ang kanilang access sa financial services. Pinangunahan nina Justice Acting Secretary Fredderick Vida at mga opisyal ng GCash ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) bilang bahagi ng paggunita sa World Refugee Day noong Hunyo 20. Ayon kay Government State Counsel Dennis Chan, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang mga refugee na makapasok sa financial system upang makapagsimulang muli matapos mapilitang lumikas dahil sa kaguluhan at…

Read More

HALOS P99-MILYONG PUSLIT NA YOSI NASABAT SA OPERASYON NG NAVY, PNP

AABOT sa halos P99 milyon halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Sulu, Maguindanao del Norte at Cotabato. Sa ulat ng Western Mindanao Naval Command (WMNC), nasa P93.9 milyon halaga ng undocumented foreign-brand cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine National Police sa dalawang interdiction operation sa karagatan ng Sulu noong Hunyo 18. Unang naharang ng Naval Task Force 61 ang M/B Aslinda malapit sa Cabucan Island sa bayan ng Hadji Panglima Tahil. Sa inspeksyon, nadiskubre ang…

Read More

AMBULANSYANG PATUNGONG IPIL NAHULOG SA DAGAT

NAKALIGTAS ang driver ng isang ambulansiya na patungong Ipil sa Zamboanga nang mahulog ang minamanehong medical emergency vehicle sa dagat sakop ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Ayon sa ulat, nakalabas ng ambulansya ang driver nito bago pa ito tuluyang mahulog. Nabatid sa ibinahaging ulat ng MDRRMO, nahulog sa dagat ang isang ambulansya bago ito maisakay sa isang barge sa Hula-Hula Port sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay. Hinatak ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection…

Read More

CONSUMERS SA QUEZON NAGKASA NG GRAND RALLY VS PRIMEWATER

KASADO na ang grand rally ng mga consumer laban sa serbisyo ng PrimeWater sa Tayabas City at mga karatig lugar na nakatakdang isagawa sa Hunyo 24, dakong alas-8 ng umaga sa nasabing lungsod, ayon sa opisyal ng pamahalaang panlalawigan. Kabilang sa mga lungsod na patuloy na naglalabas ng reklamo sa supply ng tubig ang mga residente sa Lucena City, Tayabas City at Pagbilao. Ang PrimeWater ang nagpapatakbo ng supply ng tubig sa ilang lugar sa Quezon sa ilalim ng joint venture kasama ang Quezon Metropolitan Water District (QMWD). Ngunit noong…

Read More

‘NO WORK, NO PAY’ DIN DAPAT SA GOV’T OFFICIALS — TULFO

ISUSULONG ni Senador Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na magpapatupad ng “no work, no pay” policy para sa matataas na opisyal ng gobyerno na lumiliban sa trabaho nang walang sapat na dahilan. Sa panayam, sinabi ni Tulfo na saklaw ng panukala ang Pangulo, Bise Presidente, mga senador, kongresista, iba pang elected officials, cabinet secretaries at department heads. “Nakakahiya naman na ang mga ordinaryong government employees ay walang sweldo kapag absent, pero kami na mga opisyal, kahit ilang linggo o buwan na absent ay may sweldo pa rin,” ani Tulfo.…

Read More

MANILA CITY COUNCIL MAY ‘PANGIL’ NA SA PAGDIDISIPLINA NG MGA OPISYAL — ATIENZA

IGINIIT ni Manila Vice Mayor Chi Atienza na hindi na lamang limitado sa pagpasa ng mga ordinansa ang ginagampanan ng 13th City Council dahil ginagamit na rin nito ang quasi-judicial powers sa pagdidisiplina sa mga opisyal ng lungsod. Sa pakikipagpulong sa Manila City Hall Press Club (MCHPC), ipinaliwanag ni Atienza na ang quasi-judicial function ay tumutukoy sa kapangyarihan ng konseho na magsilbing hukom sa pagdinig at pagresolba ng mga administrative cases laban sa mga opisyal ng lungsod. Ayon sa bise alkalde, mayroon nang ilang opisyal na napatawan ng parusa dahil…

Read More

PILIPINAS NO. 1 PA RIN SA BUDGET TRANSPARENCY SA SOUTHEAST ASIA – Batay sa survey sa panahon ng liderato ni DBM Sec. Pangamdaman

NAGAWANG mapanatili ng Pilipinas ang pagiging number one sa Southeast Asia pagdating sa budget transparency, batay sa pinakahuling Open Budget Survey (OBS). Ang OBS ay isang pandaigdigang pagsusuri na sumusukat sa antas ng transparency, accountability at public participation ng mga pamahalaan sa 86 bansa sa buong mundo. Isinagawa ang survey noong 2025 sa panahon ng panunungkulan ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman. Batay sa resulta, nakamit ng Pilipinas ang ika-10 puwesto sa buong mundo at nanatiling nangunguna sa Southeast Asia matapos makakuha ng fiscal transparency…

Read More