AGARANG nagmobilisa ng ayuda si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno para sa libu-libong Pilipinong naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao. Sa direktiba ng Komisyoner, naghanda ang BOC ng 12 container ng mga nakumpiskang kagamitan upang maipamahagi sa mga apektadong komunidad at makatulong sa kanilang agarang pagbangon. Kabilang sa mga ipamamahaging kagamitan ang medical supplies para sa mga ospital at frontline health workers, kahoy para sa pansamantalang tirahan, construction materials para sa pagkukumpuni ng mga evacuation center at paaralan, mga makinarya para sa clearing operations,…
Read MoreCategory: BALITA
THE PRESIDENT’S SENATE: DEAL O NO DEAL? – ATTY. INTON
NAGBIGAY ng kanyang pananaw ang batikang abogado at Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) president na si Ariel Inton kaugnay ng muling pagpapalit ng liderato sa Senado. Ayon kay Inton, tinapos ni Senador Joel Villanueva ang tinawag niyang “numbers game” sa Senado nang tuluyan itong sumama sa grupo ni Senate President Win Gatchalian. Dahil sa 13 boto ng mayorya, tuluyan nang naupo si Gatchalian bilang bagong lider ng Senado kapalit ni Senator Alan Peter Cayetano. Aniya, marami ang nagtatanong kung may naging “deal” kaya lumipat ng panig sina Senador…
Read MoreVISA-FREE TRAVEL SA RUSSIA HANDA RING IDIGA NI PBBM
HANDA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na talakayin sa pamahalaan ng Russia ang posibilidad ng visa-free travel para sa mga Pilipino upang mas mapalakas ang turismo at people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa. Sa isang press conference sa Kazan, Russia, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang malaking hadlang upang pag-usapan ng Pilipinas at Russia ang isang kasunduan hinggil sa visa-free travel. “We did it with India, we’ve done it with China. If it’s something that we feel will be of advantage to both Russia and the Philippines,…
Read MorePBBM, VP SARA NAGBIGAY-PUGAY SA MGA AMA SA FATHER’S DAY
NAGPAABOT ng magkahiwalay na mensahe sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Father’s Day nitong Linggo. Sa kanyang Facebook post, inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang mahahalagang aral na iniwan nito sa kanya. “Remembering my father today. No matter how much time passes, there are some lessons a son never outgrows,” ani Pangulong Marcos. Ayon sa Pangulo, itinuro sa kanya ng kanyang ama ang kahalagahan ng tungkulin, tiyaga at paglilingkod sa…
Read MoreCOACH TAB BALDWIN, IBA PANG OPISYAL NG ATENEO TEAM SUMIPOT SA CIDG
DUMATING sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame si Coach Tab Baldwin at iba pang opisyal ng Ateneo Men’s Basketball Team nitong Biyernes kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang manlalaro ng koponan sa Aurora. Sa ambush interview, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na kabilang sa mga dumalo sina Baldwin, Dean Castaño, Em Fernandez at iba pang opisyal ng koponan. Kaugnay ito ng fact-finding investigation ng CIDG sa pagkasawi ng mga basketbolistang sina Rene Baterbonia at Divine Adili.…
Read MoreBOC KINASUHAN ANG 5 FORWARDING FIRMS SA BALIKBAYAN BOX ANOMALY
NAGSAMPA ang Bureau of Customs (BOC) ng ikalawang batch ng criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) laban sa limang cargo forwarding firms na umano’y sangkot sa iregularidad sa operasyon ng mga balikbayan box. Kinasuhan ang Ikthus Trading Corporation, Marcelo D. Laylo Cargo Forwarders, Me Amoree International Consumer Goods Trading, MT De Guzman Non-Specialized Wholesale Trading at Cargoflex Haulers Corporation dahil sa umano’y paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang kaugnay na batas. Batay sa imbestigasyon ng BOC, nasa 3,176 abandoned balikbayan boxes ang nasangkot sa…
Read MoreQC LGU: LGBT, MAHALAGA SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA AT LIPUNAN
BINIGYANG-DIIN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kinikilala ng pamahalaang lungsod ang mahalagang papel ng mga miyembro ng LGBTQ+ community sa pagsulong ng ekonomiya at pag-unlad ng kabuhayan sa bansa. Ito ang pahayag ng alkalde sa isinagawang 2nd QC LGBTIQ+ Business Summit sa Quezon City Hall na naglalayong tulungan ang mga negosyanteng kabilang sa LGBTIQ+ community na makasabay sa mga pagbabago at maging handa para sa mga hamon sa hinaharap. Hinimok ni Belmonte ang mga lider, negosyante, kinatawan ng business sector, mga estudyante at miyembro ng LGBTIQ+ community na…
Read MorePBBM, PUTIN ITINULAK ENERGY SECURITY AT MAS MATIBAY NA ASEAN-RUSSIA COOPERATION
BINIGYANG-DIIN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin ang kahalagahan ng energy security, food security at mas malalim na economic cooperation sa pagdiriwang ng ika-35 taon ng dialogue relations sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Russia. Sa joint press briefing matapos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, sinabi ni Pangulong Marcos na tinalakay ng mga lider ang iba’t ibang larangan ng kooperasyon na makikinabang ang Southeast Asia at Russia sa gitna ng patuloy na pandaigdigang hamon. “Today, ASEAN and the Russian Federation commemorate…
Read More24 PILIPINONG NAKADETINE SA RUSSIA, MAKAUUWI NA
MAKAUUWI na sa Pilipinas ang 24 na Pilipinong nakadetine sa Russia matapos mamagitan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Russian President Vladimir Putin sa kanilang bilateral meeting sa Kazan. Inihayag ni Pangulong Marcos ang magandang balita sa panayam sa mga mamamahayag matapos dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit. “Hindi ko alam kung alam ito ng publiko, pero may 24 na Pilipinong nakadetine sa Irkutsk sa loob ng ilang buwan na. Ilang buwan na ba? Siyam na buwan,” ani Pangulong Marcos. Ayon sa Pangulo, walang malinaw na impormasyon noon hinggil sa kalagayan…
Read More