PBBM: PINAS MANANATILING TAGASULONG NG KAPAYAPAAN SA KABILA NG PAGLAWAK NG TRADE SA RUSSIA

AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pangamba hinggil sa posibleng backlash sa Pilipinas at sa ASEAN kaugnay ng pagpapalawak ng kalakalan sa Russia, na maaaring tingnan ng ibang bansa bilang pagpopondo sa digmaan laban sa Ukraine. Sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, Russia, sinabi ng Pangulo na nananatiling tagasuporta ang Pilipinas ng kapayapaan hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo. “Certainly, that’s a concern. And it’s not something, as I’ve always said, the Philippines is one of the, if not the greatest sponsor, supporter for…

Read More

CARPIO: PRESIDING OFFICER SA IMPEACHMENT COURT DAPAT MAGPATUPAD NG ‘FORTHWITH’

NANINIWALA si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na hindi si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang dapat maupong presiding officer ng Senate Impeachment Court sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Carpio na may nauna nang isyu kay Escudero kaugnay ng interpretasyon nito sa terminong “forthwith.” Ayon kay Carpio, hindi dapat ipitin o patagalin ng presiding officer ang pagsasagawa ng impeachment trial gaya umano ng nangyari noon sa ilalim ng pamumuno ni Escudero. Aniya, mahalaga ang papel ng…

Read More

SC SA MGA PISKAL: HUSTISYA UNAHIN, HINDI LANG HATOL NA PAGKAKASALA

PINAALALAHANAN ng Korte Suprema ang mga piskal na hindi lamang nila tungkulin ang makakuha ng hatol na pagkakasala laban sa mga akusado kundi tiyaking naihahatid ang tunay na hustisya. Ito ang binigyang-diin ni Associate Justice Maria Filomena Singh sa kanyang talumpati hinggil sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) sa isinagawang panunumpa ng mga regional, provincial at city prosecutor. Ayon kay Singh, hindi lamang titulo ang pagiging “minister of justice” ng isang piskal. Aniya, ang kanilang tungkulin ay hindi nasusukat sa dami ng kasong naipanalo, sa papuri ng publiko,…

Read More

CAYETANO: LABAN SA KORAPSYON, BAHAGI NG NATION-BUILDING

NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang pagsusulong ng nation-building at mga reporma laban sa katiwalian kahit lumipat sila sa minority bloc matapos ang pagbabago ng liderato sa Senado. Sa Facebook Live noong Hunyo 18, ipinagtanggol ni Cayetano ang naging trabaho ng kanilang hanay noong siya pa ang Senate President at itinanggi ang mga paratang na hindi sila naging aktibo o epektibo. “Yung sinasabi nilang hindi nagtrabaho, walang katotohanan iyon, panay kasinungalingan. Never naman tayo tumigil sa pagtatrabaho. Ang kwestyon, ano’ng…

Read More

Binigyan ng gabay at inspirasyon PULISYA PINALALAKAS UGNAYAN SA KABATAAN, ESTUDYANTE SA QUEZON

SA halip na operasyon kontra krimen, pakikipag-usap at paggabay sa kabataan ang naging misyon ng mga opisyal ng pulisya sa Lalawigan ng Quezon, kung saan hinikayat nila ang mga estudyante na unahin ang edukasyon at umiwas sa mga bisyo at kriminalidad. Naging makabuluhan ang isang ordinaryong araw ng klase para sa mga estudyante ng Tagkawayan National High School sa Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon matapos silang bisitahin ng matataas na opisyal ng Police Regional Office 4A sa isang mentoring at youth engagement activity. Pinangunahan ni Police Brigadier General Hansel Marantan,…

Read More

GUIMARAS MANGOES, OPISYAL AT DIREKTA NANG INILULUWAS SA EUROPA

OPISYAL at matagumpay nang nailunsad ang kauna-unahang direktang pagluluwas ng Guimaras Geographical Indication (GI) mangoes sa merkado ng Europa sa pamamagitan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Sa ibinahaging ulat ng BOC, may 100 kilo ng premium mangoes ang unang shipment na ipinadala noong Hunyo 10, 2026, matapos ang isang send-off ceremony sa Guimaras Wonders Farm sa Alaguisoc, Jordan, Guimaras. Ang Belgium ang magsisilbing pangunahing port of entry ng mga mangga. Mula rito, ipamamahagi na ang mga ito…

Read More

3-ANYOS PASLIT NATUSTA SA PINAGLARUANG LIGHTER

PATAY ang isang 3-anyos na paslit nang makulong sa nasusunog nilang bahay na nagliyab dahil sa pinaglaruang lighter noong Miyerkoles ng umaga sa Argao, Cebu. Ayon sa Argao Police Station, naiwan ang bata sa kanilang bahay sa Sitio Sibuyan, Barangay Upper Canjue at naglaro ng lighter hanggang sa nakitang nagliliyab na ang bahay. “Allegedly naglalaro ng lighter na siyang dahilan ng sunog,” ayon kay Police Capt. Eden Rex Baguio, hepe ng Argao police. Mabilis umanong kumalat ang apoy dahilan upang makulong ang bata sa loob ng natutupok na bahay. Hindi…

Read More

2 BANGKAY NATAGPUAN SA NAKAPARADANG SASAKYAN SA TPLEX

NAGSASAGAWA ng backtracking at timeline assessment ang mga imbestigador ng Tarlac PNP kaugnay sa natagpuang dalawang bangkay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa gilid ng isang gasolinahan sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) southbound sakop ng Barangay San Francisco, Victoria, Tarlac. Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na ulat sa sanhi ng pagkamatay (cause of death) ng dalawang indibidwal dahil kasalukuyan pa lamang itong sinusuri at inaantabayanan ang autopsy o post-mortem report mula sa Tarlac Forensic Unit. Ayon sa mga awtoridad, nadiskubre ang pangyayari matapos na hilingin ng tagapamahala ng gasolinahan…

Read More

OCD INILUNSAD BAGONG EARTHQUAKE CONTINGENCY PLAN

PINANGUNAHAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagsasagawa ng Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon bilang bahagi ng pinalawak na kampanya ng pamahalaan para sa kahandaan sa lindol. Isinagawa sa OCD Central Office sa Camp General Emilio Aguinaldo ang ceremonial pressing of the button bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng nationwide drill. Ganap na alas-9:00 ng umaga nang sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa ang “Duck, Cover and Hold” procedure na sinundan ng tabletop exercise sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON. Kasabay nito, pormal ding…

Read More