Sa 2nd part ng state visit ni Pres. Marcos PH-SINGAPORE BUSINESS AGREEMENTS LALAGDAAN

KABILANG sa mga nakalinya sa pangalawang bahagi ng official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore ang paglagda sa business agreements ng Pilipinas at Singapore. Sakop ito ng mga proyekto ng Marcos administration na may kinalaman sa priority projects nito kabilang na ang pagpapatuloy ng proyektong imprastraktura sa nakaraang Duterte administration na Build, Build, Build. Bukod sa infrastructure, kasama rin sa inaasahang malalagdaan ang business agreements hinggil sa renewable energy, food and security, fertilizer importation at iba pa. Kahapon dumating sa Singapore si Pang. Marcos Jr. Kasama niya si…

Read More

Para maplantsa ang WPS row BORDER DEAL GAGAMITIN NI PBBM SA CHINA

(CHRISTIAN DALE) MAAARING i-explore ng Pilipinas ang estratehiya na ginamit sa paglagda sa 2014 sea border agreement sa Indonesia para maplantsa ang long-standing maritime dispute sa China sa West Philippine Sea (WPS). Ang kasunduan na unang tinintahan noong 2014 makaraan ang dalawang dekadang negosasyon, ang nagtakda ng exclusive economic zone (EEZ) borders sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa Mindanao at Celebes seas. “Well, I think it is worthwhile to explore at the very least because it is one instance that this kind of discussion, we came to a conclusion…

Read More

Pang. Marcos Jr. kumpiyansa PARTNERSHIP NG PH-INDONESIA MAS TATATAG

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa mga darating na taon. Sa idinaos na bilateral meeting kasama si President Joko Widodo, binanggit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng kanyang unang pagbisita sa Jakarta. Aniya, malapit ang dalawang bansa sa aspeto ng “geographical location, culture, at ethnicity.” “I think that it is going to be the strong partnerships that we will make as we slowly come out of the pandemic economy is what is going to lead us to success,” ayon kay…

Read More

MORE JOBS, INVESTMENTS TINATRABAHO NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin niyang kaaya-aya ang investments o pamumuhunan sa Pilipinas upang makapagbigay ng mas maraming hanapbuhay sa mga Pilipino. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Indonesia. “Workers are abroad not because [it’s] a matter of choice, but they are away from our familiar and beautiful shores, constrained to leave loved ones due to the lack of opportunities back home,” ayon sa Pangulo. “That’s why I, together with the Cabinet, are fully committed to making sure that every…

Read More

FACE MASK POLICY TINITIMBANG NI PBBM

TITIMBANGIN munang mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posisyon at opinyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa polisiya sa pagsusuot ng face mask. Sa press conference bago ang meet and greet ng Pangulo sa Filipino community sa Fairmont Hotel sa Jakarta, Indonesia, tinanong si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung magbibigay ng kanyang pahayag si Pangulong Marcos ukol sa mandatory o obligadong paggamit ng face masks. “Primarily, this is a matter for the DOH and it will be the DOH who will primarily advise the President on health…

Read More

Sa Indonesia, Singapore trip BUSINESS DEALS TARGET NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) UMALIS na patungong Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Linggo, Setyembre 4, 2022. Umaasa ang Pangulo na makapag-uuwi siya ng maraming business deals na magpapalakas sa economic ties ng Pilipinas sa Indonesia at sa Singapore na kasunod niyang bibisitahin. Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang Pangulo noong Hunyo. Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagdating sa Indonesian capital. “This is to once again put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong…

Read More

BENEPISYO NG NURSES BITIN PARA KAY PBBM

(CHRISTIAN DALE) NAKUKULANGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko. Sa talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos na “as of August 19, 2022,” nakapagbigay na ang pamahalaan ng P25.82 bilyong halaga ng benepisyo para sa mga nars. “Sa palagay ko kulang pa ‘yan eh. Medyo hirap tayo sa pondo ngayon kaya’t sa ngayon ganyan lang…

Read More

Sa pagbisita sa Indonesia KASO NI VELOSO UUNGKATIN NI PBBM

UUNGKATIN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kaso ni Mary Jane Veloso, Pinay na nasa death row sa Indonesia sa kanyang nakatakdang state visit sa susunod na linggo. Magugunitang papatawan na sana ng parusang kamatayan si Veloso noong 2015 sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga pero napigilan matapos ipanukala ng namayapa at dating Pangulong Benigno Aquino III na gawing testigo ito laban sa kanyang mga recruiter. “We will go to Indonesia. Most likely, we will raise this issue and concerns to Indonesian officials,” ayon kay…

Read More

PBBM NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA RUSSIA

NAGPAABOT ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa Russia sa pagpanaw ni dating Soviet Union leader Mikhail Gorbachev. Ayon sa Russian state news agencies, namatay si Gorbachev, 91, matapos ang “serious and long illness.” “I share the grief of other world leaders over the death of Mikhail Sergeyevich Gorbachev, the last leader of the former Soviet Union,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa kanyang official Facebook page. Sinabi pa ni Pangulong Marcos na si Gorbachev ay “best remembered” sa kanyang paglusaw sa sariling political party,…

Read More