UMAPELA ang grupo ng malalaking mangangalakal at mga negosyante sa Pilipinas sa mga mambabatas na maghinay-hinay at pag-aralan munang mabuti ang planong pagpapatupad ng P200 wage hike para sa arawang mga manggagawa. Ayon sa FFCCCII, kinikilala nila ang kahalagahan na matiyak ang pagkakaroon ng tamang pasahod para sa mga manggagawa, subalit nakikiusap umano sila sa policymakers na ikonsidera ang mas balanse, consultative, at region-sensitive approach sa pagdetermina ng wage adjustments. Kinikilala umano ng samahan ng mga mangalakal ang makataong intensyon sa likod ng panukalang P200 legislated wage increase na layuning…
Read MoreCategory: METRO
PAY RULES SA EID’L ADHA, IPINAALALA NG DOLE
MAY karapatang tumanggap ng 200 porsiyento ng kanilang suweldo para sa walong oras na trabaho ang mga empleyado ng pribadong sektor na mag-uulat para sa trabaho sa Hunyo 6 na isang regular holiday bilang Eid’l Adha (Feast of Sacrifice). Sa isang advisory noong Huwebes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga hindi magre-report para sa trabaho ay may karapatang tumanggap ng buong halaga ng kanilang daily wage “sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may suweldo sa araw…
Read MoreARRAIGNMENT NI TEVES SA MGA KASONG PAGPATAY ITINAKDA SA MARTES
INAASAHANG haharap sa arraignment sa Manila Regional Trial Court si dating Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa darating na Martes (Hunyo 10), kaugnay ng kasong pagpatay kay dating governor Roel Degamo at ilan pang biktima noong Marso 4, 2023. Si Teves ay babasahan ng sakdal sa Branch 51 sa ganap na alas-2 ng hapon para sa 10 bilang ng murder, 13 bilang ng frustrated murder at apat na bilang ng attempted murder. Magugunita nitong Huwebes ng umaga, iniharap na rin si Teves sa Manila RTC, Branch 12 para…
Read MoreRoque, Bantag at Dumlao HIGH-PROFILE FUGITIVES NEXT TARGET NI GEN. TORRE
TARGET ngayon ng Philippine National Police sa pamumuno ni Police General Nicolas Torre III, ang high-profile fugitives. Nangunguna sa listahan ni Gen. Torre sina dating presidential spokesperson Atty Harry Roque, dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag, at dating Police Lt. Colonel Rafael Dumlao III. Ipinangako ni Torre na tutugisin niya ang iba pang high-profile fugitives, katunayan bago pa siya nanungkulan bilang PNP chief, ay tinatrabaho na niya ang mga ito nang siya pa ang hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Inihayag ng heneral na may leads nang…
Read MoreMANILA RTC NAGHAIN NG “NOT GUILTY PLEA” PARA KAY TEVES
MISMONG ang Manila Regional Trial Court na ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinakaharap na kaso nito sa Branch 12 ng Manila Regional Trial Court. Ito’y dahil sa pananatiling tahimik ni Teves sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives ng iharap siya sa korte para basahan ang sakdal kaugnay sa umanoy mga baril at pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Bayawan City, sa Negros Oriental noong salakayin ng mga awtoridad. Mismong ang mga abogado ng…
Read MorePAGDARAOS NG BARMM ELECTION HINILING ITULOY
HINILING ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Mohagher Iqbal ang pagsasagawa ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao o BARMM election sa October 13. Dumalo si Iqbal kasama si Senadora Imee Marcos sa Kapihan sa Senado upang iparating ang panawagan ng kanilang grupo na ituloy ang eleksyon. Ayon kay Iqbal, nakakuha sila ng impormasyon na may mga nagsusulong na muling suspendihin sa ikatlong pagkakataon ang halalan sa BARRM kung kaya’t nagtungo sila sa Senado upang iparating ang panawagan ng mamamayan ng BARMM na ituloy ang halalan…
Read MorePULIS BAWAL NA TUMAMBAY SA MGA PCP
POSIBLENG mabuwag na ang mga Police Community Precinct (PCP) ngayong nakatutok ang pamunuan ng pambansang pulisya sa police visibility upang maagapan ang posibleng krimen. Matatandaang kabilang sa tagubilin ni PNP Chief General Nicanor Torre lll, na hindi kailangang manatili sa mga PCP ang mga pulis kundi nasa kalye. Ayon sa hepe, mas mainam kung sa lansangan mananatili ang kapulisan sa halip nakatambay sa mga Police Community Precinct. Sinang-ayunan naman ito nina Police Brigadier General Bonifacio Guzman at NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin. Bukod dito, pinaboran din ang walong…
Read MorePUBLIKO PINAG-IINGAT SA MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN
KASABAY ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan, nagbabala ang Department of Health sa mga W.I.L.D. na sakit na karaniwang tumataas ang kaso. Ayon sa DOH, ang abbreviation na W.I.L.D. ay kinabibilangan ng Waterborne diseases na nakukuha sa maruming tubig, Influenza-like illnesses gaya ng trangkaso at lagnat, Leptospirosis na mula sa ihi ng daga sa baha at Dengue na dulot ng kagat ng lamok na namamahay sa naipong tubig. Payo ng DOH, maging alerto at sundin ang mga paalala para makaiwas sa sakit. Kung nakararamdam ng anomang sintomas, maaaring tumawag sa…
Read MoreSENATOR-ELECT TULFO INILAPIT SA NBI MGA OFW, SENIORS NA NA-ESTAFA
HININGI ni Senator-elect Erwin Tulfo ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga OFW at senior citizen na nae- estafa ng kanilang mga naipong pera. Sa miting nina Tulfo at NBI Dir. Jaime Santiago sa NBI headquarters sa Pasay City, sinabi ng mambabatas na hindi alam ng mga OFW at senior citizens na lumapit sa kanyang tanggapan kung papaano hahabulin ang mga nanloko sa kanila. “Ang problema kasi ng mga OFWs natin hindi nila alam papaano habulin ang suspek dahil limited ang araw nila sa bakasyon dito…
Read More