SENADO LUMUBOG, HOUSE UMANGAT SA PERFORMANCE RATINGS —RPMD

INILABAS ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng pinakabagong “Boses ng Bayan” nationwide survey na isinagawa mula Mayo 20 hanggang 25, 2026, na may 2,500 randomly selected respondents mula sa iba’t ibang socio-economic classes sa buong bansa na ininterbyu, na may ±2% margin of error sa 95% confidence level. Sinukat sa survey ang trust, performance, at governance perception ng publiko sa pangunahing institusyon ng pamahalaan. Lumabas sa survey na mas mataas pa rin ang trust at performance ratings ng House of Representatives kumpara sa Senado ng Pilipinas. Nagtala ang…

Read More

MGA BARIL NI DELA ROSA KUKUMPISKAHIN KAPAG ‘DI ISINUKO

KUKUMPISKAHIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga baril ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kapag hindi niya isinuko ang mga ito matapos kanselahin ang kanyang firearms licenses. Inalmahan naman ng kampo ni Dela Rosa ang hakbang ng pulisya kaugnay sa revocation ng kanyang gun licenses. Gayunman, nanindigan ang PNP sa legalidad ng kautusan na bawiin o ipawalang-bisa ang lisensya ng mga armas ng senador. Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Allan Rae Co, inaprubahan ang revocation sa ilalim ng Section 4-G ng Republic Act 10591 laban sa…

Read More

PADILLA, IBA PA PINAKAKASUHAN SA ‘PAGTAKAS’ NI SEN. BATO

INIREKOMENDA ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa National Prosecution Service ng Department of Justice ang pagsasampa ng reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robinhood “Robin” Padilla at iba pang sangkot umano sa pagtakas sa Senado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon kay CIDG Director PMGen Robert Morico II, natapos na ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya kaugnay sa insidente noong Mayo 14, 2026. Sa naging konklusyon ng CIDG, lumitaw umano na planado ang pagsakay ni Dela Rosa sa sasakyan ni Padilla upang makalabas ng Senado…

Read More

PPP sa NAIA pinatitigil ng labor, consumer groups PAGLABAG SA CONCESSION DEAL PINASISILIP SA KONGRESO

NANAWAGAN sa Kongreso ang militanteng labor at consumer groups na imbestigahan at suspendihin ang kontrobersyal na Public-Private Partnership (PPP) deal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil umano sa seryosong paglabag sa concession agreement at posibleng banta sa pambansang seguridad. Sa magkasanib na pahayag ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at National Confederation of Labor (NCL) o mga kasapi ng PUSO ng NAIA, kinondena nila ang umano’y kawalan ng Independent Consultant (IC) na dapat nagbabantay sa implementasyon ng privatization deal na hawak ngayon…

Read More

LIBRENG AI-SEARCHABLE LEGAL DATABASE ISUSULONG SA KAMARA

ISUSULONG ni Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez ang panukalang batas na lilikha ng libre, integrated at AI-searchable national database ng mga batas at jurisprudence sa Pilipinas. Ayon kay Benitez, layunin nitong gawing mas accessible sa publiko ang mga batas bilang bahagi ng digital public infrastructure para sa hustisya at pagpapatupad ng batas. Tinawag ng mambabatas na isang “quiet injustice” ang sitwasyon kung saan maraming Pilipino ang saklaw ng mga batas na hindi madaling ma-access o mahanap. “We have ended up with two tiers of law in one Republic. One…

Read More

PANANAGUTAN SA PAGGUHO NG GUSALI, IGIINIIT NG GRUPONG MANGGAGAWA

MARIING kinondena ng grupong Association of Women’s Workers in Construction Industry (AWWCI) ang umano’y kapabayaan sa likod ng pagguho ng itinatayong siyam na palapag na gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga na ikinasawi at ikinasugat ng ilang obrero. Ayon sa AWWCI, inilantad ng insidente ang mapanganib umanong kalagayan sa paggawa sa naturang construction site. Sinabi ni AWWCI national coordinator Jane Vargas na hindi dapat nasasawi ang mga manggagawa dahil sa kapabayaan at pagtitipid ng mga kumpanya sa konstruksyon. Nanawagan ang grupo ng masusing imbestigasyon laban sa Golden Years Construction and…

Read More

NBI IPINAKAKANSELA LISENSIYA NG 118 BARIL NI SEN. BATO

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang proseso ng pagbawi sa lisensya ng mahigit 100 baril ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ito ay matapos hilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) na kanselahin ang lahat ng dokumento at gun privileges ng senador na kinokonsiderang “armed and dangerous” matapos umano itong mawala sa protective custody ng Senado. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa mga target kanselahin ang lisensya ng matataas na kalibre ng baril, automatic rifles at shotgun na nakapangalan kay Dela Rosa. Nauna…

Read More

P1-BILYONG AREGLO SA MISSING SABUNGEROS, IBINUNYAG

ISINIWALAT ng ilang pamilya ang umano’y tangkang P1-bilyong areglo kapalit ng pagbasura sa kaso kaugnay ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero sa bansa. Sa isang press conference, mariing itinanggi ng grupo na may kinalaman sila sa anomang negosasyon o pagtanggap ng pera mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sa halip, itinuro nila sina Dianne Loyola, Cha Lasco at Jaja Peralta bilang umano’y nasa likod ng pakikipag-usap para sa sinasabing areglo. Ayon sa grupo, malapit umano ang mga ito kay Julie “Dondon” Patidongan. Sinabi naman ni Ryan Bautista,…

Read More

NATIONAL ELECTION DAY, APRUB NA SA KAMARA BILANG NON-WORKING HOLIDAY

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na nagdedeklara sa araw ng pambansang halalan bilang regular non-working holiday. Sa botong 233 pabor, walang tumutol at isang abstention, naipasa ang House Bill No. 8392 sa ilalim ng liderato nina House Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos. Ayon kay Marcos, isa rin sa mga may-akda ng panukala, layunin nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga botante upang makaboto nang walang iniintinding trabaho. “This proposed law would free them from work-related concerns…

Read More