P7.4-M REWARDS IBINIGAY NG PDEA SA 31 IMPORMANTE

PINAGKALOOBAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kabuuang ₱7,466,707.69 na cash incentives ang 31 civilian informants noong Marso 23, 2026 sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE). Isinagawa ang awarding sa PDEA National Office sa Quezon City, kung saan anim na impormante ang personal na tumanggap ng kanilang pabuya, habang ang iba ay ginawaran sa regional offices sa buong bansa. Panauhing pandangal si Secretary Oscar F. Valenzuela, chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) kasama ang mga opisyal ng PDEA at miyembro ng OPE Reward Committee. Ayon kay PDEA Director…

Read More

’18 BAGMEN’ KINASUHAN NI TRILLANES SA DOJ

NAGSAMPA ng cyberlibel complaint sa Department of Justice (DOJ) si dating senador Antonio Trillanes IV laban sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating sundalo at bagmen ng dating mambabatas na si Zaldy Co. Kaugnay ito sa alegasyon na tumanggap umano siya ng pera para sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Trillanes, bahagi ng paninira ang naturang akusasyon at isinama rin sa reklamo ang ilang vlogger at host ng isang news TV station. Dagdag pa niya, may ilang indibidwal na lumapit sa kanya at nagsabing inalok silang mag-imbento ng alegasyon kapalit…

Read More

1ST MANILA HALAL FESTIVAL, OPORTUNIDAD SA MSMEs

OPISYAL nang binuksan sa lungsod ang kauna-unahang ‘Manila Halal Festival’ na nagtatampok ng mga sertipikadong produktong Halal. Ang pagdiriwang ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang pagdiriwang ng kultura, pananampalataya, negosyo at pagkakaisa na isang pagkakataon para makilala ang Halal Industry na sumisimbolo sa integridad, kalidad at respeto sa tradisyon. Isinakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaang lungsod at DTCAM na siyang nag-organisa sa programa, DTI Halal Project Management Office at Department of Tourism, Halal Tourism and Muslim Concerns. Dumalo sa pagbubukas ng Manila Halal Festival sina Mayor…

Read More

50K PULIS IPAKAKALAT SA TIGIL-PASADA—PNP

MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police ng 50,000 pulis sa buong bansa kaugnay ng nakaambang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at mga kaalyado nito sa Huwebes at Biyernes. Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, bahagi ito ng security template upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng protesta. Paliwanag niya, may mga naitalang tensyon sa mga nakaraang tigil-pasada kung saan may mga tsuper na pinipilit o hinaharang ng kapwa driver na huwag bumiyahe. Kasabay nito, naghanda rin ang PNP ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan. (TOTO NABAJA)…

Read More

TULFO ISINUSULONG BATAS PARA OBLIGAHIN GAS COMPANIES NA MAGPALIWANAG BAGO TAAS-PRESYO

IGINIIT ni Senador Erwin Tulfo na dapat magkaroon ng “absolute transparency” at maging tapat sa kanilang tunay na gastos ang mga kumpanya ng langis sa halip na basta-basta na lamang nagdedeklara ng dagdag-presyo dahil sa mga kaganapan sa ibang bansa. Kasabay ito ng kanyang pag-co-author sa Senate Bill No. 641, isang panukala na naglalayong magpatupad ng mahigpit na transparency sa Philippine Downstream Oil Industry. Sa ilalim ng nasabing batas, magkakaroon ng kapangyarihan ang Department of Energy (DOE) na obligahin ang mga oil company na isumite ang “actual cost component” o…

Read More

SAPAT NA PAGKAIN, STABLE NA PRESYO TINIYAK SA GITNA NG OIL PRICE HIKES

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa at nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng umiiral na pandaigdigang hamon. Ito ay matapos inspeksyunin ng Pangulo ang distribution center ng Century Pacific Food Inc. sa Calamba, Laguna. “Ang supply ay hindi kailangan na mag-alala ang taong-bayan. Ang food supply natin ay sapat kahit na pangmatagalan,” ayon sa Pangulo. Dagdag pa niya, nangako ang mga manufacturer na hindi magtataas ng presyo ng kanilang produkto sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.…

Read More

DAGDAG SAHOD, BAWAS TRABAHO?

PINANGANGAMBAHANG magdudulot ng mas malaking problema ang panukalang dagdag na sahod ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando. Ayon sa ilang ekonomista, gusto ng mga manggagawa ng dagdag sahod ngunit duda silang maibibigay ito ng mga may-ari ng kompanya, lalo ang maliliit na negosyo. Punto nila, ang sahod ay bahagi ng gastos ng negosyo kaya kapag tumaas ito lalo kung biglaan, tiyak maapektuhan ang malalaki lalo ang maliliit na kumpanya maging ang micro, small, and medium enterprises. Bad timing din ang panukalang dagdag na sahod lalo’t apektado ng Middle East…

Read More

Kung magtatagal krisis sa langis KRIMEN POSIBLENG SUMIPA

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagtaas ng krimen sakaling tumagal pa ang krisis sa langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan. Ito’y kahit iniulat ng PNP na bumaba ng 12.66% ang crime rate mula Enero 1 hanggang Marso 16 ngayong taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Randulph Tuaño, posibleng tamaan ang ekonomiya ng bansa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na maaaring magdulot ng domino effect sa presyo ng mga bilihin. Babala pa niya, maaaring humantong ito sa pagkawala ng trabaho, gaya ng…

Read More

PULIS IKAKALAT SA MGA PALENGKE PARA BANTAYAN OVERPRICING

BUKOD sa mga gasolinahan, asahan na rin ang pag-iikot ng mga pulis sa mga pamilihan matapos iutos ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit nilang babantayan ang mga negosyanteng posibleng magsamantala sa gitna ng oil crisis. Inatasan na ang lahat ng police units na tiyaking walang vendor o retailer ang mag-o-overprice habang tumataas ang presyo ng petrolyo. Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan…

Read More