NADAGDAGAN ang naitalang mga kaso ng dengue at leptospirosis sa National Capital Region (NCR). Ito ang pinaka-latest na datos ng Department of Health (DOH) – NCR na inihayag sa ginanap na “Kapihan sa Media”. Nabatid na naabot na umano ng nasabing rehiyon ang alert threshold pagdating sa kaso ng dengue. Sinabi ng DOH-NCR, mas mataas ng 53% ang naitalang kaso kumpara sa nagdaang 5 taon na walang outbreak average, kung saan 24,232 ang dengue cases sa Metro Manila mula January 1 hanggang October 26, 2024, at 66 ang naitalang nasawi.…
Read MoreCategory: METRO
LACUNA ADMIN HINAKOT 2024 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS
MULING humakot ng mga parangal ang administrasyon ni Mayor Honey Lacuna sa highly-prestigious 2024 Urban Governance Exemplar Awards dahil sa all-out at consistent nitong mga hakbang sa pagbibigay ng pinakamatinding proteksyon at serbisyo sa mga bata ng Maynila. Ang tatlong karangalan ay tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa ika-22 taong selebrasyon ng National Children’s Month na ginawa sa City Hall. Tinanggap ni Lacuna ang tatlong parangal kasama sina Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso at Manila Council for the Protection of Children Vice Chairperson Councilor Roma Robles,…
Read MoreCASIO SINIBAK SA PAOCC
SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Pinoy sa sinalakay na POGO hub sa Bagac, Bataan. Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na ipaliwanag ang kanyang ginawa. May isa kasing video na makikita si Casio na sinampal ang isang POGO worker sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31. Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum at…
Read MoreREP. NOGRALES: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA PILIPINO
(JOEL O. AMONGO) BINIGYANG-DIIN ng chair ng House of Representatives labor and employment committee noong Huwebes ang pangangailangan ng bansa na maging handa sa paglikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. “A business-ready climate will attract both the foreign and local private sector to set up shop in the country, thus generating jobs for our people and spurring the economy,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. “Both the national and local government should prioritize addressing issues that hamper the ease of doing business, dagdag pa ni Nograles. Ang…
Read MoreMANILENYO HINIMOK PAIRALIN RESPONSIBLE PARENTHOOD
NANAWAGAN ngayon ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pagpapairal ng responsible parenthood kaugnay sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’. “Bilang ina ng Lungsod, ako ay nananawagan sa lahat ng mga magulang at sa mga nagpaplanong maging magulang, na sa bawat maligayang sandali ng inyong pakikipagniig, nawa’y maisip ninyo nang mabuti ang katuwang na responsibilidad sa mga magiging bunga ng inyong pagmamahalan.” Panawagan ito ni Manila Mayor Honey Lacuna sa pagiging responsableng magulang matapos pangunahan ng lungsod ang pagdiriwang ng National Children’s Month. “Ang pagmamalasakit ng inyong pamahalaan ay lagi…
Read MoreVILLAR MULING ISINUSULONG EARLY BREAST CANCER DETECTION AND AWARENESS SA PILIPINAS
SA kanyang mensahe sa Breast Cancer Awareness Seminar na ginanap sa Las Piñas, binigyang diin ni Senadora Cynthia Villar ang pangangailangan ng mas mataas na kamalayan at maagang pagtuklas ng Breast Cancer sa mga pasyente. Ayon sa Senadora, dapat palawigin ang “health vigilance” ng bawat isa, bilang tugon sa tumataas na mga kaso ng breast cancer dito sa ating bansa. “Health is wealth,” ika nga, kaya mahalaga na bigyan natin ng panahon ang ating kalusugan. Dapat lagi tayong naka-alerto sa mga early signs and symptoms ng mga nakakabahalang sakit, kasama…
Read MoreUHC LAW ‘DI NARAMDAMAN NG PHILHEALTH MEMBERS
HINDI naramdaman ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Republic Act (RA) 11223 o “Universal Healthcare (UHC) Act” limang taon matapos itong ipatupad. Halos ganito ang idinahilan ni Rep. Wilbert Lee, miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya naghain ito ng panukalang batas para amyendahan ang nasabing batas upang hindi mabaon sa utang ang mga Pilipino kapag may nagkakasakit sa kanilang pamilya. “Ilang taon na mula nang naisabatas ang Universal Healthcare Act pero nandyan pa rin ang matinding pangamba ng mga Pilipino sa pagkakasakit dahil…
Read MoreLOOKOUT BULLETIN SA 7 OVP OFFICIALS
HINILING ng chair ng House committee on good government and public accountability sa Department of Justice (DOJ) na mag-isyu ng lookout bulletin laban sa pitong opisyales ng Office of the Vice President (OVP). Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng komite, ang kahilingan matapos isyuhan ng subpoena sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; and Chief Accountant Julieta Villadelrey. Kasama din sa mga ipinalalagay…
Read MorePINOY SEAMAN IPAREHAS SAHOD SA IBANG LAHI – TULFO
NAIS ni Deputy Majority leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na tiyakin ng Department of Migrant Workers (DMW) na pantay o parehas ang sahod ng mga Pinoy seaman at iba pang propesyon sa ibang mga lahi sa kanilang mga kontrata. “Matagal nang nakakarating sa aking tanggapan ang reklamo na ito pero walang magawa ang mga kababayan natin dahil hindi naman mga choosy tayong mga Pinoy,” ayon kay Cong. Tulfo. Aniya, “I encourage ang DMW natin na siguruhin na hindi dehado mga kababayan natin pagdating sa sahod at benepisyo”. Suhestiyon naman…
Read More