NABIYAYAAN ng Lions International District 301-A2 ng libreng eyeglasses ang mahigit sa 160 mag-aaral ng Jose Rizal Elementary School, sa lungsod ng Pasay. Pinangunahan ang pamamahagi ni Lions International, International President Fabricio Oliveira. Nagpasalamat naman ang mga guro sa tulong na ito na naibigay ng Lions International para sa mga mag-aaral. Samantala, pinasinayaan naman ni President Oliveira ang bagong tayong gusali ng Lions International District 301-A2 na sa Pasay City Host Lions Club compound sa lungsod din ng Pasay. Kasama sa pagpapasinaya ang kanyang partner in service na si Amariles…
Read MoreCategory: METRO
PASOK SA ILANG KORTE SINUSPINDE
NAGDEKLARA ng suspension ang Korte Suprema sa ilang korte sa bansa dulot ng Bagyong Marce. Sinuspinde ang operasyon para makauwi nang maaga ang mga tauhan at empleyado ng korte na posibleng maipit o ma- stranded sa daan. Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, ilan sa mga nagsuspinde ng operasyon at wala nang pasok ay ang Aparri, Cagayan Regional Trial Court o RTC at lahat ng first level courts na nasa hurisdiksyon nila Sanchez Mira, Cagayan RTC First and second Municipal Circuit Trial Courts o MCTC ng Sanchez, Mira…
Read MoreMERALCO: SERBISYONG HANDA SA ANOMANG PANAHON
MARINIG lamang ng karamihan sa ating mga kababayan ang salitang Meralco ay nasa isip agad ang bayarin na ating obligasyon ng bawat pamilya. Ngunit marami ang hindi nakakapansin sa sakripisyo ng mga tauhan ng electric company lalo’t sa panahon ng kalamidad na mula pa sa panahon ng pandemic ay walang takot na hinarap ng mga ito ang panganib dulot ng nakamamatay na virus pero hindi ito alintana sa kanilang tungkulin upang mabigyan ang bawat tahanan ng magandang serbisyo. Tradisyon sa maraming pamilyang Pilipino ang magsama-sama tuwing Undas upang alalahanin ang…
Read MoreHamon kay Mayor Vico: ‘TROLL ACTIVITIES’ NG EXEC ASSISTANT IPALIWANAG
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto na magpaliwanag sa troll activities ng tanggapan ni City Administrator’s Executive Assistant, Maurice Mikkelsen Philippe Camposano. Inakusahan si Camposano bilang operator ng troll army na nagsagawa ng propaganda attacks laban sa mga kalaban sa pulitika ni Sotto, mula pa noong 2019 at posibleng hanggang ngayon. “Dapat magpaliwanag si Sotto sa mga Pasigueño. Dapat paharapin mo sa taong bayan `yang tao ninyo dahil marami sa aming Pasigueño ang nabıktıma niyan. Kung kailangan kasuhan si…
Read MoreNCRPO chief pumalag sa ‘extortion’ 3 PNP-ACG SIBAK SA RAID SA MALATE SCAM HUB
MARIING itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Sidney Hernia ang paratang na extortion sa kanilang hanay ang responsable sa pagsalakay sa umano’y scam hub sa Century Peak Tower, Malate, Manila. Ayon kay Hernia, lubhang “absurd and unfounded,” ang akusasyon laban sa kanya at 14 na iba pang opisyal ng kapulisan. Kasunod ng pahayag na handa nilang harapin ang anomang imbestigasyon para patunayang legal ang inilunsad na operasyon. “I will not tolerate any wrongdoing within our ranks, and I firmly urge the accusers to substantiate their…
Read MoreVP SARA ‘DI SINUNOD SARILING “NO GIFT POLICY”
MISMONG si Vice President Sara Duterte ang hindi sumunod sa kanyang “no gift policy” dahil sa mga sobreng may lamang pera na ‘regalo’ umano nito sa mga mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) na dati niyang pinamumunuan. Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na naglabas ng patakaran si Duterte sa DepEd na huwag silang tatanggap ng anumang regalo. “I remember, some years ago when the Vice President is in DepEd, there’s a rule she makes…no gift…
Read MoreHINIHINGING SUBSIDIYA NG PHILHEALTH BINAWASAN NG SENADO
INIREKOMENDA ng Senate Committee on Finance na tapyasan ng P5.7 billion ang panukalang subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa susunod na taon. Sa report na isinumite ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Finance Committee para sa panukalang 2025 national budget, ibinaba nila sa P68.7 billion ang alokasyon sa Philhealth. Mula ito sa P74.4 billion na original proposal ng Malakanyang na sinang-ayunan ng Kamara. Gayunman, daraan pa sa plenary debates ang rekomendasyon ng kumite kaya’t may posibilidad na ito ay madagdagan o tuluyang mabawasan.…
Read MoreCOMELEC BIGONG ITAGUYOD BATAS SA PARTY-LIST SYSTEM – – SOCIALISTA
TINULIGSA ng mga miyembro ng grupong Socialista ang Comelec dahil sa kawalan anila ng kakayahan na itaguyod nang tuwiran ang batas ng party-list system, na kakatawan sa marginalized at underrepresented sector sa Kongreso. Ito ay dahil lumilitaw na mayorya sa 156 party-lists na inaprubahang lumahok sa susunod na halalan ay nahahanay sa political dynasties at mayayamang negosyante. Nagsagawa ng kilos protesta ang may 50 kasapi ng Kilusan ng Manggagawang Socialista (SOCIALISTA) Inc. at nagpiket sila sa harapan ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila nitong Miyerkoles. Lubhang simpleng pamantayan at…
Read MoreMANDATORY ROTC DAGDAG BAGAHE SA ESTUDYANTE
HINDI na umano magkakaroon ng ‘makabayang’ pag-iisip ang mga kabataang estudyante kapag tuluyang naging batas ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang urgent bill. Ang nasabing panukala ay pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong December 2019 at kasalukuyang pending sa Senado subalit dahil sa sertipikasyon ni Marcos, magiging priority bill na ito sa Mataas na Kapulungan. Tulad ng inaasahan, hindi nagustuhan ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagsertipika ni Marcos bilang urgent bill dahil dagdag na bagahe umano ito…
Read More