SUNOD kay Pangulong Bongbong Marcos, pumangalawa na si House Speaker Martin Romualdez sa matataas na opisyal ng bansa, na may pinakamataas na approval at trust rating nitong Setyembre. Ayon sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research mula September 4-7, nakakuha si Speaker Romualdez ng 65% approval habang 67% naman sa trust rating. Nanguna pa rin si Pangulong Marcos na may 66% approval at 69% naman sa trust rating. Pangatlo si Senate President Chiz Escudero na may 62 approval at 61 trust rating. Ang dating pangalawa naman sa puwesto sa…
Read MoreCategory: METRO
BINATA ARESTADO SA GUN REPLICA SA SEMENTERYO
ARESTADO ang isang 39-anyos na lalaking nagpanggap na kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), makaraang makumpiskahan ng replika ng baril sa entrada ng Manila North Cemetery sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila noong Sabado ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of authority or official functions), at Section 35 ng Republic Act 10591 (Use of an imitation of firearm) ang suspek na si Bernardo Naraiso, ng Gingoog City, Misamis Oriental Batay sa ulat nina Patrolman Jefferson Santos at Patrolman Mark Baliwas,…
Read MoreINTERNATIONAL BAZAAR 2024
DINALUHAN ng iba’t ibang personalidad ang pormal na pagbubukas ng International Bazaar 2024. Nasa larawan mula kaliwa sina Thai Amb. Tul Traisorat, IBF PRO Nikki Jimenez, IBF Pres. Consul Betty Ang, IB Chairperson Mme Pamela Manalo, Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo, Tessie Sy Coson, IBF board member Gina de Venecia, IBF Treasurer Alice Guerrero, IBF board member Vicky Ablan. Nasa likuran naman ang mga opisyal ng embahada ng Sri Lanka. (ITOH SON) 225
Read MoreSAGUPAAN NG DALAWANG MILF FACTION: 11 PATAY, 5 SUGATAN
SINISIKAP ngayon ng militar at local leaders na maagapan ang tensyon sa dalawang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang hindi na kumalat pa ang pagdanak ng dugo matapos mamagitan ang kasundaluhan, pulisya at MILF-AHJAG kasunod ng armadong sagupaan na ikinamatay ng 11 katao habang may 5 naitalang sugatan. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Philippine Army 6th Infantry Division naganap ang engkwentro sa pagitan ng 105th Base Command, MILF, BIAF na pinamumunuan ni Engineer Alonto Sultan laban sa pinagsanib na pwersa ng 128th Base Command at 129…
Read More75 DAYUHAN TIMBOG SA POGO SA MALATE
SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Anti -Cybercrime Group ang isang hotel sa Malate, Manila at inaresto ang 75 dayuhan sa pagkakasangkot sa POGO. Ayon sa mga awtoridad, walang kaukulang permiso para patuloy na mag-operate ang POGO sa Adriatico Street, Manila. Nabatid sa pulisya na ang gusali ay inuukopahan ng foreign nationals na working without proper permits. Nakasamsam ang mga awtoridad ng mobile phones, desktop computers, laptops, SIM cards, Digital Video Recorder (DVR), at face attendance machine. Ang mga dayuhan na mula sa…
Read MoreCEMETERY ADMINISTRATOR, 4 PA KINASUHAN SA PAGHUKAY AT PAGLIBING NG BANGKAY SA MARIKINA
LIMA katao, kabilang na ang administrador ng Barangka Public Cemetery sa Marikina City ang sinampahan ng kaso kaugnay sa hindi otorisadong paghukay at paglibing ng bangkay. Inireklamo nina Dr. Christopher Guevara, hepe ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), at Rolando Dalusong, hepe ng Environmental Health and Sanitation sina Renato Beltran, Ian Lester Beltran, Irish Santos, Rowell Ogayon, Pablo Papa, at isang “Solayao.” Ayon kay Teodoro, nilabag ng mga ito ang Presidential Decree at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito partikular ang Section 5 at ang code on sanitation na…
Read MorePagbaha nabawasan nang husto DREDGING SA MARIKINA RIVER EPEKTIBO
PINATUNAYAN ng mga residente ng Marikina City ang bisa ng dredging, sa pagsasabing nabawasan nang husto ang insidente ng matinding pagbaha sa kanilang lugar tuwing bagyo at malakas na ulan. Isang inisyatibo ni Rep. Maan Teodoro ng 1st District kasama si Mayor Marcy Teodoro, nakita ang agarang resulta ng proyekto nang palaparin ang ilog mula 50 metro patungong halos 100 metro. Dahil dito, lumaki ang kapasidad ng ilog na mag-imbak ng tubig at epektibong pigilan ang pag-apaw at pagbaha. Bumili naman ang lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Marcy…
Read MoreP178.5-M FROZEN MACKEREL NASABAT NG BOC
KINUMPISKA ng mga ahente ng Bureau of Customs ang 21 forty foot container van na naglalaman ng frozen mackerel na tinatayang P178.5 million ang halaga, sa Manila International Container Port (MICP). Ayon sa BOC Intelligence Group, ang nasabing kargamento ng frozen hasa-hasa o alumahan ay nagmula pa sa China. Sinasabing walang kaukulang dokumento ang kargamento base na rin sa imbestigasyon ni Customs Deputy Comm. Juvymax Uy. Ayon kay Uy, wala ring Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang kargamento. Agad nagpalabas ng…
Read MoreREP. TULFO AT ACT-CIS NAG-DONATE SA ANGAT BUHAY NI DATING VP ROBREDO NG KAHON-KAHONG GAMOT PARA SA LEPTOSPIROSIS
AABOT sa 50 boxes o 5,000 kapsula ng Doxycycline na gamot sa leptospirosis ang ipinamahagi kahapon (Oct. 30) ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS party-list sa Angat Buhay Foundation ni dating Vice Pres. Leni Robredo. Ang naturang gamot ay para maipakalat sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang tawag ay ang problema sa leptospirosis dahil nakababad ang mga residente sa baha particular sa Bicol region. “Karamihan po nang tumatawag sa atin at nagre-report sa social…
Read More