TINAWAG ng isang civic leader na kasinungalingan ang kumakalat online na mga paratang laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, na aniya’y walang ebidensya at mapanira. Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), pawang huwad ang mga alegasyong may kinalaman sa droga, sekswal na gawain, at diumano’y mga sensitibong larawan na iniuugnay sa Unang Ginang. Sinabi ni Goitia na walang anomang dokumento, forensic findings, sinumpaang salaysay, o kasong inihain sa alinmang awtoridad kaugnay ng naturang…
Read MoreCategory: METRO
FAKE NEWS! SENIOR CITIZENS PARTY-LIST PINALAGAN PAGKAKADAWIT SA ‘CABRAL FILES’
INALMAHAN ng Senior Citizens Party-list ang pagkalat ng maling impormasyon ukol sa pagkakabanggit sa tinatawag na “Cabral files” na sinasabing inilabas ni Batangas Representative Leandro Legarda-Leviste. “Walang katotohanan ang paratang na ito!” diin ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes. Iginiit ni Ordanes na hindi sila benepisyaryo ng malalaking proyektong binanggit sa mga dokumento na sinasabing nakuha ni Legarda-Leviste mula sa opisina ng yumaong dating Usec. Maria Catalina “Cathy” Cabral. “Ang ikinakalat na impormasyon ay malinaw na mapanlinlang at walang sapat na batayan,” sabi pa ng vice chairman ng…
Read More‘AMA NG BRGY. ROSARIO’ NAGBALIK NA
LALONG uminit ang pagtanggap ng mga residente ng Barangay Rosario, Pasig City sa pagbabalik ni Chairman Aquilino “Ely” Dela Cruz Sr., kasunod ng kanyang 60 araw na suspensyon. Ang suspension ay may kaugnayan umano sa Section 63 (a)(3) ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, alinsunod sa rekomendasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig City na nakapaloob sa Quasi-Judicial Body Resolution No. 002, Series of 2025. Nitong Enero 6, 2026, bumalik si Chairman Dela Cruz sa Barangay Rosario na sinalubong ng kanyang mga kabarangay na hindi naniniwala…
Read MoreBONG REVILLA HUMARAP SA DOJ SA KASO NG MAANOMALYANG FLOOD PROJECTS
MULING pinabulaanan ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects matapos siyang personal na humarap sa ikalawang pagkakataon sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ). Pasado alas-10 ng umaga nang dumating si Revilla sa DOJ upang magsumite ng kanyang counter-affidavit kaugnay ng reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan na kinasasangkutan ng Wawao Builders. Ayon kay Atty. Francesca Lourdes Señga, tagapagsalita ni Revilla, walang basehan ang mga alegasyon laban sa dating senador…
Read MoreKAANAK NG MISSING SABUNGEROS: GRETCHEN, ‘ALPHA GROUP’ ISAMA SA KASO
UMAPELA sa Department of Justice (DOJ) ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na isama sa mga kakasuhan sa korte ang aktres na si Gretchen Barretto at ang mga umano’y miyembro ng tinaguriang “Alpha Group.” Layunin ng apela na makapaghain ng mosyon upang maisama sa listahan ng mga akusado ang ilang personalidad na idinadawit sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon kay Jaja Pilarta, kaanak ng isa sa mga biktima, iginiit nilang dapat managot din sina Barretto at iba pang umano’y miyembro ng Alpha Group na sinasabing may direktang kinalaman sa…
Read MoreAIR FORCE GENERAL INARESTO SA KASONG SEDITION
INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si retired Air Force General Romeo Poquiz nitong Lunes ng umaga dahil sa kinahaharap na kasong sedition, nang bumalik ito ng Pilipinas mula sa Bangkok, Thailand. Si Poquiz na lead convenor ng United Peoples Initiative (UPI), ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77. Agad na pinosasan ng mga operatiba ng CIDG si Poquiz pagkalapag ng sinasakyang nitong eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal…
Read MoreTRABAHO AT KLASE SA ENERO 9, SINUSPINDE NI MAYOR ISKO
SINUSPINDE ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang trabaho sa lahat ng mga opisina ng pamahalaang lungsod at mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan upang bigyang daan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Jesus Nazareno. Sa anunsyo ng alkalde, inilatag din ang serye ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan at kabanalan sa panahon ng Pista ng Nazareno. Kasunod ito ng paglagda ni Mayor Isko sa Executive Order No.1 Series of 2026 kung saan nakasaad na ang suspensyon ay layuning pahintulutan ang mga deboto na…
Read MoreVAT GAWING 10% NA LANG – ERWIN TULFO
MANILA, Philippines — Dahil nananatiling pangunahing suliranin ng mga Pilipino ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, inihain ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1552 na naglalayong ibaba ang Value-added Tax (VAT) mula 12% patungong 10%. Ayon kay Tulfo, ang pagbabawas ng VAT ay “agarang magpapataas sa kakayahan ng mga Pilipino na bumili ng mga produkto sa merkado,” na sa huli ay magpapalakas sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. “Tayo ang isa sa may pinakamataas na VAT sa buong Southeast Asia at mabigat na pasanin…
Read More11 WANTED, 5 TOP MWP KALABOSO SA ‘WARRANT DAY’ NG QCPD
NAARESTO ang 11 wanted persons, kabilang ang limang (5) Top Most Wanted Persons (MWPs), isang (1) MWP, at limang (5) Other Wanted Persons (OWPs) sa isinagawang “Warrant Day” operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Enero 2, 2026. Ayon kay QCPD Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio, sabay-sabay na ikinasa ng mga police station at unit ng QCPD ang operasyon upang ipatupad ang mga nakabinbing warrant of arrest (WOA) laban sa mga suspek. Dakong alas-10:10 ng gabi, inaresto ng Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni PLTCOL…
Read More