Patunay ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas P1.5-B SMUGGLED YOSI NASABAT SA MALABON

HINDI nagkataon ang P1.5 bilyong halaga ng mga unregistered at hinihinalang smuggled cigarettes na nasamsam ng pulisya sa Malabon City. Ayon sa mga awtoridad, bunga ito ng tuloy-tuloy na pagbabantay, maayos na palitan ng impormasyon, at mahigpit na ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Isinagawa ang operasyon bisperas ng Bagong Taon at inilahad sa press briefing noong Enero 1, kung saan natuklasan ang mga smuggled na sigarilyo sa loob ng isang cargo facility. Tatlong indibidwal ang inaresto matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento para sa mga produkto. Sa briefing,…

Read More

DIZON PUMALAG KAY LEVISTE: FLOOD CONTROL INSERTIONS SA BCDA, KASINUNGALINGAN

PUMALAG si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa tinawag niyang malisyosong pahayag at paratang ni Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y pagsingit ng pondo o budget insertions sa flood control projects ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ito ay matapos igiit ni Leviste na sangkot umano si Dizon sa paggamit ng pondo para sa flood control projects habang ito ay nasa BCDA pa. Sa inilabas na pahayag ni Dizon, mariin niyang itinuro na mismong BCDA, na kanyang pinamunuan noon, ang naglabas na ng malinaw na opisyal…

Read More

8 PULIS-EPD PINAKAKASUHAN SA ‘NINAKAW’ SA BUY-BUST SA PASIG

PINAKAKASUHAN na ang walong tauhan ng Eastern Police District–Drug Enforcement Unit (EPD-DEU) matapos ireklamo ng umano’y pagnanakaw kaugnay ng ikinasang buy-bust operation sa isang bahay sa Brgy. Palatiw, Pasig City noong Disyembre 26. Ayon kay PNP–Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay, agad tinapos ng IAS ang imbestigasyon matapos lumutang ang reklamo laban sa mga pulis. Inihanda na ang mga kasong administratibo laban sa walong sangkot, mula less grave misconduct hanggang grave misconduct, kung saan ang may pinakamataas na ranggo ay isang Police Captain habang Patrolman naman ang…

Read More

MPD NAGLABAS NG SAFETY TIPS SA MGA LALAHOK SA NAZARENO 2026

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Poong Jesus Nazareno sa Enero 9, naglabas ng mahahalagang paalala at gabay ang Manila Police District (MPD) para sa ligtas at maayos na pagdalo sa pista. Ayon sa MPD, iwasan ang pagdadala ng bag at mamahaling gadget upang hindi maging target ng masasamang loob. Mariin ding pinayuhan ang publiko na huwag isama ang mga sanggol, bata at senior citizen dahil sa matinding siksikan at pagod. Pinayuhan din ang mga may sakit, buntis, at maging ang mga nakainom ng alak na huwag…

Read More

DINUKOT NA SANGGOL SA MARIKINA, NABAWI NA

NABAWI na ng 20-anyos na ina ang kaniyang sanggol na isinilang sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Disyembre 25, 2026 na kinidnap kinabukasan ng isang nakunan umano na ina at iniuwi sa kanilang bahay. Sa isinagawang follow up operation ng Marikina PNP, sinuyod nila ang mga kuha mula sa CCTV ng ospital at iba pang ospital na pinuntahan ng suspek hanggang sa matunton ito sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig, Disyembre 29. Batay sa inisyal na imbestigasyon na pinangunahan ni PCol. Jenny Tecson, chief of police ng…

Read More

Para maiwasan sakuna sa paputok MDSW MAKIKIPAGPULONG SA POLICE STATIONS

UPANG maiwasan ang kahalintulad na pangyayari kung saan nasawi ang isang 12-anyos na estudyante dahil sa paputok, ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) ay makikipagpulong sa dalawang station commander ng Manila Police District bilang hakbang ng lokal na pamahalaan na maiwasan ang firecracker-related incidents sa mga lugar na dikit-dikit ang kabahayan, sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa panayam at pagbisita sa tanggapan ng Manila City Hall Press Club (MCHPC), sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente, tututok din sila sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay at pulisya upang maagap na…

Read More

HIJOS PULIS IDE-DEPLOY SA TRASLACION

MAGDEDEPLOY ng mga Hijos pulis sa Pista ng Nazareno sa Enero 9, ayon sa pamunuan ng Minor Basilica ng Quiapo. Sinabi ng Rev. Fr. Robert Arellano, hindi bababa sa 100 pulis at Hijos ang sasama sa prusisyon ng Poong Hesus Nazareno sa Traslacion. Magsisilbi silang gabay at bantay para maging maayos at ligtas ang pag-usad ng andas ng Nazareno. Pero nilinaw ng Simbahan na hindi sasalya ng lubid ang mga pulis at hijos, pero sisikapin nilang maging tuwid ang lubid sa pamamagitan ng pagmamaneho sa mga nais humawak o magsalya…

Read More

Sa paggamit ng China sa mangingisda – Goitia PROPAGANDA TINAWAG NA ‘RESCUE’

NILINAW ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang anomang paunang abiso o koordinasyon mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) kaugnay sa iniulat na pagbibigay ng pagkain at tubig sa isang mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea. Ito ay matapos ilabas ng Chinese Embassy sa Maynila noong Disyembre 26 ang pahayag na ang insidente ay isang makataong hakbang na may koordinasyon umano sa panig ng Pilipinas. Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, hindi totoo ang pahayag ng China. Hindi rin aniya palutang-lutang nang tatlong araw ang mangingisda, taliwas sa inilabas…

Read More

BIGLAANG DAGDAG-MANAGEMENT COMPANY SA PPAI IKINABABAHALA NG LCSP

NABABAHALA ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa planong gawing tatlo mula dalawa ang bilang ng accredited management company sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) Program na isinasailalim sa konsiderasyon ng Insurance Commission (IC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon sa LCSP, ang two-group structure ng PPAI ay matagal nang ipinatupad upang resolbahin ang mga dating problema gaya ng pekeng insurance coverage, delayed claims, at hindi patas na kompetisyon. Sa paglipas ng panahon, napatunayan umano nitong epektibo at nagbigay ng matatag at maaasahang…

Read More