HINIMOK ni Senador Erwin Tulfo ang Senado na i-review ang mga batas para sa Persons with Disabilities (PWD) sa pamamagitan ng isang resolusyon na sisiyasat sa mga batas para sa sektor. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 186, inaatasan ang kaukulang komite na magsagawa ng oversight sa pagpapatupad ng Batas Pambansa Blg. 344 o ang “Accessibility Law” at Republic Act 7277 o “Magna Carta for Persons with Disabilities”. “Ano pa ang saysay ng mga batas na ito na nagpoprotekta sa karapatan ng mga PWD kung ang mga pasilidad sa transportasyon…
Read MoreCategory: METRO
PROMOSYON NG HIGIT 16K GURO PINURI NG CIVIC LEADER
NAI-PROMOTE ang mahigit 16,000 guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd), isang hakbang na iniuugnay ng isang civic leader sa direktiba ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang matagal nang backlog sa teacher promotions. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang promosyon ay resulta ng konkretong aksyon ng pamahalaan at hindi lamang ng mga pangako. “May malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos,” aniya. Sinabi pa ni Goitia na naging mahalaga ang papel ng DepEd sa implementasyon ng direktiba,…
Read MoreSYMS CONST OWNER NAGSOLI NG P15-M SA DOJ KAUGNAY SA FLOOD CONTROL ANOMALY
KINUMPIRMA ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagsoli ng higit-kumulang P15 milyon ang owner ng SYMS Construction, si Sally Santos, sa DOJ bilang bahagi ng kanyang restitution money kaugnay ng anomalya sa flood control projects. Ayon sa DOJ, umaabot na sa P236 milyon ang kabuuang halaga ng pera na naibalik sa kaban ng bayan mula sa mga nakulimbat na pondo. Kabilang dito ang: P181 milyon mula kay Bulacan District Engineer Henry Alcantara P40 milyon mula kay Gerard Opulencia, dating DPWH-NCR P15 milyon mula kay Sally Santos…
Read MoreCONG. LEVISTE INAMIN NA MAY P1-B INSERTION ANG INANG SI SEN. LOREN
INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang kanyang ina na si Senador Loren Legarda, batay sa listahang sinabi niyang nakuha niya mula sa yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral. “I can say, nandiyan. Tinanong ko siya at sinabi niya, hindi naman niya alam iyong mga nakalista diyan at sa mga senator actually pinakamaliit ang sa kanya,” ani Leviste sa isang panayam sa radyo. “Pero tinanong ko siya talaga at sabi niya, hindi niya alam ang…
Read MoreBagong radio system at rescue boats, ipinamahagi SAN JUAN CITY, NAG-UPGRADE NG EMERGENCY RESPONSE
PINANGUNAHAN ni Mayor Francis Zamora ang opisyal na turnover ng mga bagong radio communication equipment sa mahahalagang departamento at frontline units ng lungsod nitong umaga sa San Juan City Hall, bilang bahagi ng pagpapalakas ng peace and order at emergency response capabilities ng lungsod. Ayon kay Mayor Zamora, layunin ng bagong sistema na magkaroon ng mas mabilis, malinaw, at maaasahang koordinasyon sa pagitan ng City Government’s Response Cluster. Dagdag pa niya, mas pinapadali nito ang komunikasyon sa mga opisina na responsable sa public safety, emergency response, disaster risk reduction, at…
Read MoreNI-RENOVATE NA OSPITAL NG SAMPALOC PINASINAYAAN SA MAYNILA
PINASINAYAAN ni Mayor Isko Moreno-Domagoso nitong Lunes, Disyembre 22, 2025, ang pagbubukas ng bagong renovate na emergency room ng Ospital ng Sampaloc. Natapos at nakumpleto ang pasilidad sa loob lamang ng 90 araw, alinsunod sa ipinangako ng alkalde. Sumasalamin ang proyekto sa “Bilis Kilos” na pamamahala ng administrasyon ni Domagoso, na nagbibigay-diin sa mabilis na aksyon at napapanahong solusyon upang mapabuti ang serbisyong medical emergency para sa mga Manileño. “Sabi ko sa inyo, 90 araw. Ipinangako ko ito sa mga tao ng Sampaloc. Basta bigyan n’yo lang ako ng 90…
Read MoreMatapos ang water cannon attack sa Escoda Shoal ERWIN TULFO IGINIIT MANDATORY WPS EDUCATION SA MGA PAARALAN
INIHAIN ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1625, na kilala bilang “West Philippine Sea (WPS) Education Act,” na naglalayong isama sa kurikulum ng basic at higher education ang mga aralin at materyales hinggil sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na gawing opisyal na bahagi ng kanilang mga kurikulum ang isang komprehensibong WPS Education and Awareness Program. Ayon kay Tulfo, mahalagang mabigyan ng sapat at tamang kaalaman ang mga Pilipino upang mapalakas ang kanilang kakayahang…
Read MoreTangkang panunuhol tablado P143-M SMUGGLED YOSI NASAMSAM NG PNP
NASAMSAM sa isa na namang matagumpay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P143 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo—patunay ng matatag na paninindigan ng kapulisan laban sa ilegal na kalakalan at katiwalian. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na patuloy na nagbibigay-diin sa disiplina, malinaw na command responsibility, at integridad sa hanay ng PNP. Madaling-araw ng Disyembre 17, habang nagsasagawa ng routine anti-carnapping at traffic enforcement ang mga operatiba ng HPG RHPU-3, HPG-NCR, HPG-4A at…
Read MoreLEVISTE INAKUSAHAN NG PANGHA-HARASS KAY DPWH USEC CABRAL
INAKUSAHAN si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng pangha-harass sa noo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang insidenteng sinasabing naganap sa loob ng kanyang opisina, ayon sa isang post na kumakalat sa social media. Sa isang Reddit post na ibinahagi sa forum na r/DPWHEngineersPH, sinabi ng user na si u/Unlucky-Love5132 na pumasok si Leviste sa opisina ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay. Muling lumutang ang naturang post…
Read More