MANILA — Itinutulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng isang national contingency framework upang maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng tumitinding global instability. Sa Senate Resolution No. 343, hinimok ni Cayetano ang Executive Branch na maglatag ng komprehensibong contingency plan para mapalakas ang kahandaan ng bansa sa malalaking krisis sa loob at labas ng Pilipinas. Ayon sa senador, direktang naaapektuhan ng mga armadong sigalot at pag-uga ng pandaigdigang ekonomiya ang kabuhayan at kaligtasan ng milyun-milyong OFWs, lalo na sa Middle East. Iginiit niya…
Read MoreCategory: METRO
Matapos ang sunud-sunod na oil price hikes TNVS SECTOR NAKAHINGA SA TAAS-PASAHE NG LTFRB
MALUGOD na tinanggap ng mga transport community group ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang base fares para sa transport network vehicle service (TNVS), na anila’y malaking tulong sa mga driver at operator na hirap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang gastusin. Ayon sa TNVS sector, hindi na-update ang fare structure mula pa noong 2019 kahit sunud-sunod ang oil price hikes, bago pa man ang tensyon sa Middle East. Kaya naman ang fare adjustment ay itinuturing nilang pagkilala ng…
Read MoreCERVICAL CANCER AWARENESS, INILUNSAD SA SENADO
INILUNSAD sa Senado ang Cervical Cancer Awareness Movement sa pangunguna ni Senadora Camille Villar, kasabay ng pagbibigay ng libreng HPV vaccine sa mga babaeng empleyado. Layunin ng programa na maprotektahan ang kalusugan ng kababaihan laban sa Cervical Cancer, lalo na sa gitna ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Nagpasalamat si Villar sa mga katuwang na institusyon kabilang ang Las Piñas District Hospital at ang Senate Medical Team sa matagumpay na rollout ng programa. Umaasa ang senadora na maisasagawa ito taun-taon upang mas mapalawak pa ang proteksyon ng kababaihan laban sa…
Read MoreCRUISE TOURISM PINASISIGLA NG PPA
PINALALAKAS ng Philippine Ports Authority (PPA) ang cruise tourism sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na serbisyong pantalan. Nitong nakaraang linggo, masiglang sinalubong ng PMO NCR–South ang pagdaong ng dalawang luxury cruise ship sa Pier 15, Manila South Harbor. Dumaong ang Crystal Symphony para sa dalawang araw na pagbisita bilang bahagi ng 58-araw nitong biyahe mula Mombasa patungong Tokyo, lulan ang 543 pasahero at 483 tripulante. Isinagawa ang turn-around call kung saan 317 pasahero ang nag-disembark at 278 ang nag-embark, habang 342 pamilya ng mga Pilipinong tripulante ang nakilahok sa…
Read MoreDBM: WALANG DELAY SA INFRA FUNDS
PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon ng pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa infrastructure projects. Ayon sa DBM, lahat ng budget releases ay mahigpit na sumusunod sa 2026 General Appropriations Act at hindi maaaring ilabas nang basta-basta. “DBM does not arbitrarily delay the release of funds,” diin ng ahensya. Ipinaliwanag na ang ilang proyekto ay sumailalim sa Congress Introduced Changes and Adjustments (CICA), kaya kailangan pa ng karagdagang validation at clearance mula sa Office of the President bago maaprubahan ang pondo. Ang mga proyektong ito…
Read MoreMGA DOKUMENTO NG ICI SA FLOOD ANOMALY SISIYASATIN NG DOJ
PAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects. Kinumpirma ni Justice Secretary Eric Vida na natanggap na ng DOJ ang kopya ng mga dokumento at iba pang ebidensiya mula sa komisyon. Ayon sa kalihim, susunod na hakbang ng ahensya ang masusing pagsusuri sa report upang matukoy kung may sapat na basehan para sa posibleng pagsasampa ng kaso. Makikipagtulungan din ang DOJ sa Office of the Ombudsman, kung saan nauna nang nagsumite ang ICI ng…
Read MoreSEN. MARK VILLAR, NATUWA SA BAGONG AUTHENTICATION RULE NG BSP LABAN SA ONLINE SCAMS
IKINATUWA ni Senador Mark Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mas makabagong authentication methods sa mga bank transaction simula Hunyo 30 ngayong taon. Ang hakbang ay kaugnay ng implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na layong palakasin ang proteksyon laban sa online fraud. Bilang principal sponsor at author ng batas, sinabi ni Senador Villar na mahalaga ang bagong polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba’t ibang uri ng online scams at phishing. Nangako rin ang senador na magsusulong pa siya ng…
Read MoreKASO NG SEC LABAN SA PAMILYA VILLAR, UMARANGKADA NA SA DOJ
UMARANGKADA na sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa pamilya Villar at iba pang respondents. Sa inilabas na subpoena ng DOJ, kabilang sa mga ipinatawag sina dating Senador Manny Villar, dating Senadora Cynthia Villar, at magkapatid na Senador Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar, kasama ang iba pang sangkot sa kaso. Gayunman, walang miyembro ng pamilya Villar ang personal na dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na pinangunahan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong…
Read MorePara buhayin ekonomiya ng Maynila P1.76-B AYUDA INILABAS NI ISKO
INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Lunes ng umaga, Marso 16, ang pagpapalabas ng P1.76 bilyon na tulong pinansyal, insentibo at bahagi ng kita upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya habang tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo dahil sa nagpapatuloy na armadong sigalot sa Middle East. Ayon kay Domagoso, ang pondong nagmula sa General Fund at Trust Fund ng lungsod ay inilalabas upang agad na umikot ang pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga residente, estudyante, empleyado ng…
Read More