PBBM NAIS NI VP SARA MANAGOT SA PAG-ARESTO KAY FPRRD

TAHASANG binanggit ni Vice President Sara Duterte na dapat na papanagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa sinasabing pagpayag nito na arestuhin ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na kalaunan ay inilipat sa International Criminal Court (ICC). Sa isang panayam, sinabi ni VP Sara na naniniwala siya na ang mas mataas na opisyal kaysa kina Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil, at CIDG chief Police Major General Nicolas Torre III ay dapat lamang…

Read More

Sa pag-aresto kay Duterte 5 GOV’T OFFICIALS PINAGPAPALIWANAG NG OMBUDSMAN

INATASAN ng Office of the Ombudsman ang limang matataas na opisyal ng gobyerno na magpaliwanag hinggil sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinagsusumite ng Ombudsman sina Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police Chief Gen. Rommel Marbil, PNP Criminal Investigation and Detection Group Chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao ng counter-affidavit sa inihaing reklamo laban sa kanila. Sa naisapublikong dokumento ng Ombudsman, ang mga nabanggit na respondents ay binigyan…

Read More

KIKO LUMALAYLAY SA SURVEY

HABANG papalapit ang halalan, patuloy na bumababa si dating senador Kiko Pangilinan sa iba’t ibang surveys sa pagka-senador. Sa latest survey ng Pulse Asia, sadsad si Pangilinan sa ika-17 hanggang ika-19 na puwesto na may rating na 19.8 porsiyento. Nabawasan ng pitong puntos ang rating ni Kiko kumpara sa kanyang puntos noong Marso, kung saan nakakuha siya ng 26.8 porsiyento para sa 14th-18th spots. Pareho rin ang kuwento ni Kiko sa iba pang survey gaya ng WR Numero, at Tangere kung saan malayo siya sa Magic 12. Sa WR Numero…

Read More

DOTr NAKUMBINSI NI ROYECA NA PAYAGAN MUNANG BUMIYAHE MGA MC TAXI

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist First Nominee at transport advocate George Royeca na payagang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle (MC) taxis habang hinihintay ang pagpasa ng isang permanenteng batas. Ginawa ni Royeca, tumatayo ring CEO ng Angkas, ang panukala sa isang high-level meeting kasama ang mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon. Matapos ang dayalogo, nangako si Dizon na maglalabas ng isang Department Order na magbibigay ng legal na proteksyon sa operasyon ng MC taxi services hanggang sa maipasa ang naaayong…

Read More

NAGSAMPA NG KASONG VOTE BUYING SA MGA TEODORO, TAO NI QUIMBO

MASUGID na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng kasong vote buying laban sa mag-asawang sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro. Kung pagbabasehan ang Facebook account ni John David Reyes Ramos, ang nagsampa ng kaso laban sa mga Teodoro sa Commission on Elections, lumilitaw na siya’y masugid na tagasuporta at tagapagpakalat ng mga propaganda ni Quimbo. Panay rin ang batikos ni Ramos sa kampo ng mga Teodoro sa kanyang mga post habang puro papuri naman sa mga Quimbo. Hindi ito…

Read More

DUTERTE PANTAKIP SA ANOMALYA NG BBM ADMIN – VP SARA

INAKUSAHAN ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos Jr. na ginagamit na pantakip sa anomalya sa gobyerno ang panggigipit sa kanilang pamilya. Babala niya sa Marcos admin, pinanonood ng taumbayan ang panggigipit umano nito sa mga kalaban sa pulitika. Nakikita aniya ng publiko ang mga pang-aapi ng administrasyon sa mga kalaban nito kabilang na ang kanilang pamilya. Ayon pa sa Bise Presidente, hindi maikakaila na ginigipit ang kanyang pamilya para pagtakpan ang mga pagtaas ng bilihin sa bansa. Magugunitang inakusahan ni VP Sara ang administrasyon na nasa likod sa…

Read More

MAYO 12 DEKLARADO NANG HOLIDAY

OPISYAL nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang May 12, araw ng halalan. Nakasaad sa Proclamation No. 878, na layon nito na bigyang-daan ang mga tao na gamitin nang maayos ang kanilang karapatan na bumoto. Si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang nagbigay ng kopya ng proklamasyon na pirmado ng Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot na rin ni Pangulong Marcos. Nauna rito, hiniling ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.…

Read More

SOLON: INTEREST RATE MABABAWASAN

INAASAHAN ng chairman ng House ways and means committee na tatapyasan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate ngayong pababa na nang pababa ang inflation rate sa bansa. Base sa report ng Philippine Statistic Authority (PSA), umabot na lamang sa 1.4 porsyento ang inflation rate nitong nakaraang Abril mula sa 1.8 porsyentong naitala noong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon. “Very good news, especially with food and beverage inflation being at just 0.9 percent. It will also give the BSP plenty of room to reduce interest rates,…

Read More

PRIMEWATER NG MGA VILLAR IIMBESTIGAHAN NA NG KAMARA

PORMAL nang naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan para imbestigahan ang PrimeWater at tapusin ang pagdurusa ng mga consumer at mabigyan sila ng Katarungan. Kasabay nito, nagsagawa ng kilos protesta ang mga kasamahan ng tatlong miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na sina representative France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel sa harap ng tanggapan ng PrimeWater sa Starmall sa Shaw Blvd, Mandaluyong City para kondenahin ang nasabing kompanya na pag-aari ng pamilyang Villar. Ayon kay dating congressman Ferdinand Gaite, pitong taon nang nagdusa ang mga residente…

Read More