KUMPIYANSA ang marami na tapos na ang laban sa pagka-mayor ng Caloocan. Ito ay matapos i-endorso ng Iglesia ni Cristo ang kandidatura ni Mayor Along Malapitan bilang mayor muli ng lungsod. Sa ulat, kasamang inendorso ng INC ang ka-tandem ni Mayor Malapitan na si Vice Mayor Karina Teh at ang dalawampung iba pang miyembro ng local slate ng Team Aksyon at Malasakit para sa darating na halalan sa Lunes. Mapapalakas din ng pag-endorsong ito ang kampanya ni Mayor Along na nauna nang tinambakan sa mga pre-election survey ang katunggaling si…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Mag-inang Kitty at Honeylet present din DuterTEN QC RALLY DINUMOG NG SUPPORTERS
DUMAGSA ang mga tagasuporta ng mga pambatong senador ni dating pangulong Rodrigo Duterte na tinaguriang DuterTEN noong Linggo, Mayo 4. Ikinatuwa rin ng mga tagasuporta ang pagdalo ng mag-inang Kitty at Honeylet Avancena na personal na ikinampanya ang sampung senatoriables na kinabibilangan ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez. Kabilang sa mga inilatag ng mga pambatong senador ang pagpapalakas ng imprastruktura, serbisyong pangkalusugan, seguridad, at patuloy na kampanya kontra katiwalian. Kaugnay nito, itinuturing na patunay ng buong pusong suporta ng pamilya Duterte sa PDP-Laban at sa mga kandidatong inendorso ng…
Read MoreSOCIAL MEDIA REGULATION TUWING ELEKSYON INIREKOMENDA
INIREKOMENDA ni Comelec Chairman George Garcia na pag-aralan ng Kongreso na magkaroon ng batas na bibigyang kapangyarihan ang poll body na i-regulate ang paggamit ng social media sa panahon ng eleksyon. Sa pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone, sinabi ni Garcia na malaking problema sa ngayon ay ang pagkakalat ng misinformation at disinformation sa social media. Babala ni Garcia na posibleng lumawak pa ito hanggang sa panahon ng presidential elections sa 2028. Ipinaliwanag ng opisyal na sa panahon ng eleksyon ay may kapangyarihan sila na iregulate…
Read MoreHINDI IMAHINASYON ANG MGA KASO NI VP SARA
HINDI bunga ng imahinasyon ang mga paratang laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio tulad ng kwestiyonableng paggastos sa kanyang confidential at intelligence funds, pagbabanta sa buhay ng mga lider ng bansa at iba pa na naging dahilan para ma-impeach siya. Ginawa ni Lanao del Sur representative Zia Alonto Adiong ang pahayag dahil imbes na harapin at sagutin ni VP Duterte ang mga paratang laban sa kanya ay lagi niyang sinasabi na ‘dahil sa politika” ang mga ito saka mag-aakusa na wala namang maipakitang ebidensya. “VP Sara keeps pointing fingers to…
Read MoreIsang linggo bago ang halalan TRABAHO PARTY-LIST LALONG UMANGAT SA PULSE ASIA SURVEY
PITONG araw bago ang nakatakdang halalan, naglabas ang Pulse Asia Research, Inc. ng survey kung saan ipinakitang maluluklok sa kongreso ang TRABAHO Partylist (bilang 106 sa balota). Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey. Ang lalo pang pag-angat ng 106 TRABAHO Partylist bilang rank 25 mula sa dating pwesto nito na rank 29 ay resulta ng kanilang taos-pusong representasyon sa mga manggagawa na naramdaman at nakita ng publiko sa kanilang mga isinagawang grassroots campaign mula Luzon hanggang Mindanao. “Ang 106 TRABAHO…
Read MorePinatikim ng luto ni ‘Idol’ Catacutan ATTY. RODRIGUEZ GAME SA EXOTIC FOOD
NAKIPAGSABAYAN si Atty. Vic Rodriguez sa pagkain ng tinola sa iba pang mga bisita sa isinagawang ‘boodle fight’ sa Lot-Gar Farm Resort na matatagpuan sa 767 Arnedo Dike sa San Luis, Pampanga at pag-aari ng kilalang food vlogger na si ‘Idol’ Romeo Sagum Catacutan nitong nakaraang Labor Day, Mayo 1. Pagdating ni Atty. Rodriguez sa lugar bandang alas-10:00 ng umaga, agad siyang sinalubong ng mga taong nakipagkamay at nagpakuha sa kanya ng mga litrato na pawang mga panauhin din ni Idol Romy Catacutan. Habang nagluluto si Idol Romy ng tinolang…
Read MoreTAPANG NI VP SARA KAILANGAN SA ISYU NG CHINA
INAABANGAN ng mga administration congressman na gamitin ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang tapang sa patuloy na pangha-harass at pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, habang tumatagal ay lalong tumatapang si Duterte at walang isyung pinapalagpas ito subalit pagdating aniya sa isyu ng China ay tameme ito. “Kapag ibang isyu, ang ingay ni VP, kanyang mga kandidato at kakampi. Pero ‘pag-China na ang kalaban, bigla na lang silang nawawala. Parang nawawala rin ang paninindigan. Sa bullying ng China, doon…
Read MoreLIBRENG DIALYSIS IKINASA SA QC
NAGSANIB-PWERSA ang Senior Citizens Party-list sa pangunguna ni Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes at Quezon City Fifth District Congressional candidate Rose Lin para makapagtayo ng isang dialysis center na makapanggagamot nang “libre” hindi lamang sa mga nakatatanda at residente ng lungsod. Matapos inspeksyunin nina Ordanes at Lin ang magiging pasilidad ng dialysis center na matatagpuan sa 112 GD Plaza, Novaliches 717 Quirino Highway, Brgy. San Bartolome, Novaliches nitong weekend, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng dalawa kasama ang mga kinatawan ng Nephor Health Services Inc., isang accredited facility ng Department…
Read MorePANGANGAMKAM NG TSINA HALIMBAWA NG DISINFORMATION
BINATIKOS ng National Maritime Council (NMC) ang ‘disinformation activities’ ng Tsina sa pag-anunsyo na kinuha nito ang kontrol ng Sandy Cay (Pag-asa Cay 2), isang sandbar malapit sa Pag-asa Island at sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa isang kalatas, labis na ikinalungkot ng NMC na ginagamit ng Chinese government ang state-controlled media nito para maghasik ng disinformation “to mislead its own people and the international community about the continuing illegality of its activities in the West Philippine Sea.” “The alleged seizure of Pag-asa Cay 2 (Sandy…
Read More