‘CHINESE SPY’ PANTAKIP SA BICAM SCANDAL?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANINIWALA ang ilang geopolitical analyst na pantakip sa kontrobersyal na blanko sa bicam report ang pagkakahuli sa umano’y Chinese spy kamakailan. Nagpahayag ng pagdududa si Professor Herman Tiu Laurel na espiya ang mga naaresto kamakailan na kinabibilangan ng isang Chinese national. Aniya, bakit pa magpapadala ng tao ang China para lang mang-espiya gayong napaka-advance ng mga kagamitan nila. “Yung sinasabing intelligence daw na ginagawa nitong suspek magagawa po ng mga satellites, libu-libo na po ang satellite kung China ang gagawa ng surveillance and intelligence work satellite.…

Read More

Romualdez natameme SABWATAN SA BICAM REPORT CONTROVERSY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA kay dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, maaaring nagpapahiwatig ng pakikipagsabwatan sa kontrobersyal na blankong bicam report ang pananahimik ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa gitna ng kontrobersya ay maraming pumupuna sa hindi pagsasalita ni Speaker Martin Romualdez. Gayundin ng dating chairman ng House appropriations committee na si Zaldy Co. “Ang hindi nila pagsasalita, ibig sabihin ay complicit sila, kasama sila sa sabwatan ng paglalagay ng blanko.. nilagyan nila ng figures bago ipinadala kay President Marcos,” ani Panelo sa kanyang programa sa…

Read More

SURVEY, CELEB ENDORSEMENT BABANTAYAN NG COMELEC

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na subaybayan ang political survey na maaaring makaimpluwensya sa mga botante sa darating na eleksyon 2025. Susubaybayan din ng komisyon ang endorsement sa mga kandidato ng celebrities at influencers at hindi tatanggapin ang karaniwang dahilan o excuse na libre ang pag-endorso. Kailangang ideklara ng mga kandidato ang gastos sa kanilang Statement of Contributions at Expenditures na isasapubliko ng Comelec. Idinagdag pa ng poll body na tinitingnan din nito ang pagsubaybay sa political surveys. Lumagda ang Comelec at Tiktok sa isang memorandum of understanding para…

Read More

Biggest ‘money heist’ sa kasaysayan – Atty. Rodriguez 2025 NATIONAL BUDGET PINABABASURA SA SC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INIHAIN na kahapon sa Korte Suprema ang petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang 2025 national budget na tinawag na ilegal, labag sa Konstitusyon, at may bahid ng katiwalian. Kabilang sa mga naghain ng petisyon sina Cong. Isidro Ungab, dating executive secretary Atty. Vic D. Rodriguez, at iba pa. Ani Rodriguez, ang mga senador at kongresistang hindi tumutol sa pagpasa ng kontrobersyal na bicameral report ay naging kasabwat sa umano’y pinakamalaking “money heist” sa kasaysayan ng bansa. Nauna nang iginiit ni Rodriguez na dapat habulin at papanagutin…

Read More

KRISIS SA EDUKASYON LUMALA KAY VP SARA

IMBES maresolba ang krisis sa edukasyon, lalo itong lumala nang pamunuan ni Vice President Sara Duterte ang Department of Education (DepEd). Opinyon ito ni House deputy minority leader France Castro matapos ang nakadidismayang resulta ng EDCOM II report. “The EDCOM II findings confirm what we have been saying all along – that VP Sara Duterte’s stint as DepEd Secretary was marked by gross mismanagement and neglect that worsened our education crisis,” ani Castro. “Sa halip na tugunan ang mga pangunahing suliranin ng edukasyon, ginawa pa niyang personal na piggy bank…

Read More

Sa pag-amin ni Quimbo sa blank bicam report BILYONG KRIMEN SA GAA BUKING

NATUKOY ang krimen na ginawa sa 2025 national budget matapos aminin ni House appropriations committee acting chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na may blangko ang niratipikahang bicameral conference report at pinunan na lamang ito ng mga technical staff ng dalawang kapulungan ng Kongreso. “Magpasalamat tayo sa honesty ni Cong. Stella. Yung pag amin niya sa nangyari, inamin niyang nagkaroon ng falsification of legislative documents. Ang parusa diyan pagkakakulong ng prision correcional kasama ang multa,” ani dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez. Magugunita na unang isiniwalat…

Read More

PINAS SABLAY SA 2024 AGRI OUTPUT TARGET

(CHRISTIAN DALE) HINDI nakamit ng sektor ng agrikultura ang target nitong output noong isang taon matapos makapagtala ng pagbaba sa produksyon sa nakalipas na tatlong buwan ng 2024 para maihatid ang full-year figure na mababa sa target ng pamahalaan. Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA). Makikita sa PSA data ang value ng agriculture at fisheries output na bumaba ng 2.2% sa fourth quarter sa nakalipas na taon, kasunod ng 3.6% contraction sa third quarter, 3.2% ang ibinaba sa second quarter, at 0.2% expansion naman…

Read More

ICC WALANG PUWANG SA PH – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TUTOL si dating executive secretary at ngayon ay senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez sa anomang pakikialam ng International Criminal Court o ICC sa Pilipinas. Sa Sukatan ng Senatorial Aspirants Para Sa 2025 Midterm Elections na umere sa SMNI noong Sabado, sinabi ni Atty. Rodriguez na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. “Hindi ako sang-ayon, at hindi ko rin kinikilala na may hurisdiksyon ang International Criminal Court dito sa ating bansa. Bukas po ang lahat ng baytang–bukas lahat ng antas ng ating korte,” aniya.…

Read More

KAMARA PUMIYOK NA SA 2025 BUDGET CONTROVERSY

BINASAG na ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pananahimik sa kontrobersyal na 2025 national budget na kinuwestiyon dahil sa mga blank item sa bicameral conference committee report. “The 2025 General Appropriations Act is lawful, valid, and fully enforceable. There are two key points I want to stress for the benefit of all,” ani acting House committee on appropriations chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo. Una dito, ayon sa mambabatas na pansamantalang pumalit sa tinanggal na chair ng komite na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, kumpleto at…

Read More