PBBM HINDI KUMASA KAY ATTY. RODRIGUEZ

(CHRISTIAN DALE) UMATRAS sa hamon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tumangging sumailalim siya sa hair follicle drug test. Ang katwiran ng Chief Executive, wala naman itong koneksyon sa constitutional principle na “public office is a public trust.” Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa isinagawang GMA Network’s ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’ nitong Sabado, Pebrero 1. Hinikayat ni Rodriguez si Pangulong Marcos na sumailalim sa ‘credible hair follicle test’ para ‘once and for all’ ay mabalewala na ang paratang sa…

Read More

PROTESTA KONTRA ‘INUTIL’ NA MARCOS ADMIN KASADO

GALIT na ang sambayanang Pilipino dahil lumalabas na walang kakayahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na panagutin ang mga nagkasala, paglala ng kalagayan ng mga tao at katiwalian. Ito umano ang mensahe ng kilos protesta sa EDSA noong Enero 31, na ayon sa grupo Bayan Muna ay masusundan ng mas malaki at malawakang pagkilos sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25. “The January 31 protest reflects public dissatisfaction and outrage over the inept leadership of Marcos. As families reel from the cost of living crisis, Marcos…

Read More

P200 ACROSS-THE-BOARD WAGE HIKE APRUB SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN ng House committee on labor and employment nitong Huwebes ang panukalang batas na nagbibigay ng dagdag na P200 sa arawang sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor. Ang pag-apruba sa panukala ay nangyari matapos ang pakikipagpulong ni House Speaker Martin Romualdez sa mga lider ng iba’t ibang grupong manggagawa kung saan napag-usapan ang umento sa sweldo. Pinagtibay ng komite, sa pangunguna ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles, ang mosyon ni Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Santos na aprubahan ang substitute bill para…

Read More

LAGYAN NA NG MGA GAMOT AT GAMIT LAHAT NG GOV’T HOSPITALS – CONG TULFO

ISUSULONG ngayong araw ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at iba pang mga kasamahan sa Kongreso ang batas na magtatakda sa Department of Health (DOH) na lagyan na ng mga gamit at gamot ang lahat ng mga ospital ng pamahalaan sa buong bansa partikular na sa mga liblib na lugar. Ang panukalang batas “Universal Medical Access and Equipment Act of 2025” ay ihahain ni Cong. Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo. “Nakakasawa nang marinig mula sa mga kababayan…

Read More

Sa ‘blank bicam report’ HUWAG GAWING ISTUPIDO MGA PILIPINO – ATTY. VIC RODRIGUEZ

“HUWAG tayo namang masyadong gawing bobo nung kongresista na nagsasalita na ito ay typographical or mere clerical or printing error”. Ang pahayag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ay sagot sa depensa ni House appropriations committee acting chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na may omnibus motion na nagbibigay ng otorisasyon sa Bicameral conference committee secretariat na itama ang mga pagkakamali sa General Appropriations Bill (GAB). “I agree there is a omnibus motion….pero hindi naman istupido ang Pilipino para hindi maunawaan kung ano ang nilalaman ng omnibus motion,” ani…

Read More

P100-M CORRUPTION SA BARMM NABUKO

NABUKO ng isang Muslim congressman ang katiwalian sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagkakahalaga ng P100 milyon na idinaan sa local government support funds. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na nagulat na lamang ang may 400 barangay officials sa BARMM nang may pumasok na napakalaking halaga sa kanilang accounts sa Land Bank of the Philippines kahit hindi sila humingi ng pondo. “More than 400 barangay officials of Lanao del Sur woke up with their LBP accounts containing money, ranging…

Read More

INGAY SA BICAM REPORT BAHAGI NG DESTAB PLOT – PBBM

BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema. Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, inamin ng Chief Executive na “no contingency plan” ang nakahanda sakali’t katigan ng Korte Suprema ang nasabing petisyon. “No, we shut down everything. I guess that’s what they want, they want the government to cease working so ‘yung matuloy yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos…

Read More

ROSMAR TAN, UMATRAS NA SA KANYANG PAGTAKBO BILANG KONSEHAL NG MAYNILA

BINAWI na rin ng internet personality at businesswoman na si Rosemarie Tan, kilala sa social media bilang si Rosmar Tan, ang kanyang kandidatura para sa local elections sa Mayo 12, 2025. Nitong Huwebes ay pormal na nag-withdraw si Tan sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec). Gayunman, hindi tinanggap ng main office ang kanyang statement of withdrawal dahil ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, dapat isumite ni Tan ang kanyang statement of withdrawal kung saan siya naghain ng kanyang certificate of candidacy. Si Tan ay tumatakbo bilang…

Read More

CA BINALIGTAD DESISYON NG MRTC NA PANSAMANTALANG PALAYAIN ANIM NA AKUSADO SA MISSING SABUNGEROS

NABIGO sa Court of Appeals (CA) ang anim na akusado matapos baligtarin ang kautusan ng mababang korte na payagan silang makapagpiyansa sa kasong abduction at serious illegal detention sa mga nawawalang sabungero noong 2022. Hindi pumayag ang CA na pansamantalang palayain ang anim na respondents. Base sa 18 pahinang desisyon, kinatigan ng CA Third division ang petition for certiorari ng prosekusyon makaraan masilip na nakagawa ng grave abuse of discretion ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 nang pagkalooban ng piyansa ang mga akusado. Una nang iniutos ng MRTC…

Read More