HIGIT 28,000 GOV’T ASSETS ISASAPRIBADO NG MARCOS ADMIN

TINATAYANG mahigit 28,000 non-performing assets ng gobyerno ang ililipat sa Privatization Management Office (PMO) para isapribado para palakasin ang ‘government streams’ ng administrasyon. Sinabi ng Department of Finance (DOF), sa kasalukuyan, may 28,665 non-performing assets ang nailipat na sa PMO, attached office nito na umaakto bilang marketing arm ng pamahalaan pagdating sa transferred assets, government corporations, at iba pang properties na ililipat ng Privatization Council (PrC). Ang DOF Secretary ang tatayong chairman nito habang ang mga kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Trade and Industry (DTI), National Economic…

Read More

HOUSE LEADERS NAWALA ANGAS SA ‘BICAM SCAM’

NAKABIBINGI ang katahimikan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng blankong items sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget na tinawag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na “BiScam o Bicam Scam. Unang hiningan ng reaksyon ng mga mamamahayag si dating House committee on appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co hinggil sa isiniwalat nina dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Rep. Isidro Ungab at Rodriguez subalit hindi ito sumasagot. Si Co ay tinanggal bilang chairman ng nasabing komite noong Enero…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ: KAILANGAN MAY MANAGOT SA BLANK BICAM REPORT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng blankong bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Ayon sa senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez, kailangan may managot sa nasabing usapin dahil maaaring magdusa ang mga Pilipino. Kaya naman may mga grupo na aniyang naghahanda para iakyat sa Korte Suprema ang isyu. “Inaaral na ‘yung challenge na dadalhin sa Korte Suprema dahil unconstitutional ang 2025 budget dahil nga ‘yung pinakita ni [dating] Pangulong Duterte na bakante, bungi-bungi sa bilyong-bilyong pisong halaga nung final bicameral…

Read More

17 HOSTAGE PINOY SEAFARERS, 2 BESES DINALAW NG ICRC

IKINAGALAK ng pamunuan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na kapiling na ngayon ng kani-kanilang pamilya ang 17 Filipino seafarers na mahigit isang taong hostage sa Yemen. “We share the joy in this news, as the seafarers finally reunited with their families after more than one year,” ani Johannes Bruwer, pinuno ng ICRC delegation sa Pilipinas. Inihayag din nito na sa dalawang pagkakataon ay binisita ng mga kinatawan ng ICRC ang 25 seafarers na kinabibilangan ng 17 Filipino seafarers. “As a neutral humanitarian organization, the ICRC, through its…

Read More

Malakanyang todo-iwas KONGRESO IDINIIN SA ‘BLANK’ BICAM REPORT

(CHRISTIAN DALE) TILA isinalba ng Malakanyang ang sarili nang sabihing hindi ito responsable at wala itong pananagutan sa sinasabing “blank” entries sa 2025 national budget. Hinamon kasi ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang Malakanyang na dalhin sa Korte Suprema ang usapin sa sinasabing blank items sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Bilang tugon, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na ginagalang niya si Ungab at iba pang personalidad na may planong dalhin ang usapin sa Korte Suprema. Giit…

Read More

China nambarako na naman NAKASISILAW NOON, NAKABIBINGI NGAYON

KUNG noon ay gumagamit ang China Coast Guard ng nakabubulag na military type laser beam, ngayon naman ay gumamit naman sila ng nakabibinging ingay para lamang balasubasin ang mga tauhan ng mga sasakyang dagat ng Pilipinas na nagpapatrulya sa nasasakupan ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ang China ng Long Range Acoustic Device (LRAD) para lamang i-harass ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon sa PCG, karaniwan kasing gumagamit ang China ng water cannons at…

Read More

KAMARA TAMEME SA BLANK ITEMS SA BICAM REPORT

WALA pang nagsasalita sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa inirereklamong blangkong item sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget. Maging si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na kasalukuyang Appropriations committee acting chairperson ay tila umiwas sa mga tanong ukol sa usapin. Sinubukang kunan ng mga reporter ng paliwanag si Quimbo ukol sa isyu sa isang ambush interview, ngunit pinatabi lang sila ng staff ng mambabatas dahil kailangan na nitong umalis para sa isang event. “Nagmamadali lang siya. Nagmamadali lang siya,” wika ng tauhan habang mabagal na…

Read More

Ang pumalag, sibak – Ungab LIDERATO NI ROMUALDEZ MALA-MARTIAL LAW

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IBINAHAGI ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang kakaiba aniyang liderato ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi maaaring sumalungat sa nakararami. Mistulang martial law style ang paglalarawan ni Ungab sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez dahil kapag aniya hindi ka sasang-ayon sa kanila, tatanggalan ka ng posisyon. “First time ko rin nakita ito na leadership sa Congress na pag hindi ka sasang-ayon sa kanila-if you start talking against what they are saying, sinu-suppress talaga nila ang opposition. Tatanggalan ka ng position,…

Read More

PINAS MAGPAPADALA NG HCWs SA JAMAICA

SASAKLOLOHAN ng Pilipinas ang bansang Jamaica upang punan ang kakulangan sa healthcare workers ng naturang bansa. Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) ng ahensya sa pagitan ng Ministry of Health ng Jamaica, na magpapahintulot sa mabilisang pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker para sa capacity building. Hindi naman tinukoy ng DOH kung gaano karami ang healthcare workers na ipadadala sa Jamaica. Nilagdaan ang naturang kasunduan nina Philippine Health Secretary Teodoro Herbosa at Jamaican Health Minister Christopher Tufton sa Kingston, Jamaica.…

Read More