KINONDENA ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang mga netizen na nagpapakalat aniya ng fake news laban sa kanya sa social media. Ginawa ni Quimbo ang pagbanat sa netizens sa kanyang commencement speech sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Open University System. Naging emosyonal pa si Quimbo sa kanyang talumpati nang ilahad niya na ilang beses na siyang nabiktima ng fake news, at nadamay pa ang apat niyang anak sa usapin. Sa halip namang kaawaan, inulan pa ng batikos mula sa netizens si Quimbo at naungkat ang mga…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SEN. PIA NAGHAIN NG COC BILANG REELEKSYONISTA
NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Pia Cayetano sa Commission on Elections sa Tent City, Manila Hotel. Ang nakatatandang Cayetano ay muling tatakbo sa pagka-Senador sa darating na 2025 midterm National and Local Election sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition. Sinamahan siya sa paghahain ng COC ng mag-asawang Senator Alan Peter at Taguig City Mayor Lani Cayetano bilang pagpapakita ng kanilang suporta. (DANNY BACOLOD) 208
Read MoreTODA AKSIYON SUSUBOK SA KONGRESO
PORMAL nang naghain ng paglahok sa 2025 midterm election ang TODA Aksiyon Party-list sa pangunguna ni first nominee Rovin Andrew Feliciano na dating konsehal sa lungsod ng Valenzuela. Ang TODA Aksiyon Party-list ay lalahok sa Halalan 2025 upang bigyan ng boses at representasyon ang mga tricycle driver at operators sa buong Pilipinas. Sa mahabang panahon ay walang representasyon ang nasabing tunay na marginalized sector. Ipinakita ni Feliciano ang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance matapos maghain sa Commission on Elections sa Tent City sa Manila Hotel kamakalawa. (DANNY BACOLOD)…
Read MoreRATING NI VP INDAY APEKTADO SA PAGDEDMA SA BUDGET INQUIRY
HINDI na ikinagulat ng mga dating kaalyado ni Vice President Sara Duterte sa Kamara ang pagbaba ng kanyang trust rating dahil ayaw nitong sagutin ang mga tanong kung saan nito ginamit ang kanyang pondo. Ginawa ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., ang pahayag matapos nabawasan ng 10% ang trust rating ni Duterte sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre dahil mula sa dating 71% ay naging 61% na lamang ito. “Hindi natin ikinakagulat ang patuloy na pagbaba ng ratings ni VP Duterte, lalo na’t hindi siya nagbibigay ng sapat…
Read MoreAnti-Dynasty Bill ‘di lulusot sa Kongreso GOBYERNO PINAGSASALUHAN NA NG MAGKAKAPAMILYA
(DANG SAMSON-GARCIA/BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA si Senate President Francis Chiz Escudero na masyadong maliit ang tsansa na lumusot ang Anti-Dynasty Bill sa kasalukuyang Kongreso. Ito’y sa kabila ng mga pagpuna sa social media dahil mistulang pinagsasaluhan na lang ng iilang pamilya ang mga pwesto sa gobyerno. Sinabi ni Escudero na wala pang bersyon ng panukala na naglalalaman ng malinaw na depinisyon, saklaw at nilalaman ng Anti-Dynasty bill. Aminado ang Senate leader na maging siya ay produkto ng dinastiya lalo’t minana nya sa kanyang ama ang kanyang unang congressional seat. Subalit binigyang-diin…
Read MoreBAGYONG JULIAN BUMUWELTA; 3 PATAY
MULING pumasok sa Philippine area of responsibility nitong Huwebes ang Bagyong Julian na una nang nanalasa sa Hilagang Luzon bago tinahak ang Taiwan, ayon sa PAGASA kahapon. May tatlo katao na ang inulat na nasawi sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang naunang pananalasa ng Bagyong Julian. Posible umanong magdala ito muli ng malalakas na pag-ulan. Inaasahan naman na agad din itong hihina sa loob ng 36 oras at magiging ganap na low pressure area. Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may walong sugatan…
Read MoreAGRILINK 2024
KINATAWAN ni House Deputy Speaker Camille A. Villar ang ina na si Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food sa pagbubukas ng seremonya ng AGRILINK, FOODLINK 2024 sa World Trade Center sa Pasay City noong Huwebes, Oktubre 3. Ang 29th International Agribusiness Exhibition at ang seminar ay tatagal hanggang Oktubre 5. (DANNY BACOLOD) 272
Read MoreETHICS COMPLAINT LABAN SA ‘NAGWALANG’ KONGRESISTA
PARA maturuan umano ng leksyon, irereklamo sa House ethics committee ng dalawang babaeng mambabatas si Agri party-list Rep. Wilbert Lee dahil sa pambabastos umano nito sa kanila noong huling araw ng deliberasyon sa 2025 national budget. Ito ang nabatid kay House appropriation vice chairperson Rep. Natasha Co matapos umanong duru-duruin sila ni Marikina Rep. Stella Quimbo ni Lee dahil isinalang sa deliberasyon ang budget ng Department of Budget and Management (DBM). “Dinuro-duro niya kami at sinabi niya na kung hindi niyo ako pagsasalitain manggugulo ako to which Cong Stella respond…
Read MorePAG-UWI NG MAY 100 OFWs MULA LEBANON KASADO NA
SANIB-PWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon. Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba sa Dahieh, malapit sa MWO, kung saan may 63 OFWs ang namamalagi. Ang lahat ng OFWs ay ligtas mula sa kamakailan lamang na pag-atake at kagyat na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery, Lebanon para sa…
Read More