(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TULAD ng naunang panawagan ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, naniniwala ang nakararaming Pinoy na kailangan nang tugunan ng administrasyong Marcos ang usapin sa korupsyon. Base sa 3rd Quarter Pahayag survey ng Publicus Asia, nangunguna ang usapin ng korupsyon sa mga nais patutukan ng mga Pinoy sa gobyerno. Lumitaw na 18% sa respondents ang nagsasabi na dapat nang solusyonan ng kasalukuyang pamahalaan ang lumalalang usapin sa korupsyon. Sinundan ito ng inflation o ang pagtaas sa antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo na may…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Marcos admin dapat pagpaliwanagin PINAGBENTAHAN NG GOLD RESERVES SAAN NAPUNTA?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip pag-initan ng mga mambabatas ang budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte, mas dapat nilang usisain ang pagbebenta kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ng gold reserves na aabot umano sa 24 tonelada. Ayon kay dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, dapat usisain ng Kongreso ang dahilan kung bakit nagbenta ang bansa ng ganun karaming ginto at kung saan napunta ang pinagbilhan nito. “Iyan ang mga tunay na dapat imbestigahan. Bakit nagbenta. Paano ang kalakaran. Saan pupunta, ‘yun ang mga magandang…
Read MoreSC sa appointive officials: RESIGNED NA KAPAG NAGHAIN NG COC
SINAMANTALA ng Supreme Court ang pagkakataon, kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, sa paglalabas ng temporary restraining order o TRO laban sa pagpapatupad sa Section 11 ng COMELEC Resolution No. 11045 na sumusunod sa mga opisyal na nananatili sa pwesto kahit na pinangalanan na silang party-list nominee. Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, agad na epektibo ang naturang TRO. Kung gayon, ayon sa korte ay dapat sundin muna ng mga partido ang status quo kung saan ang…
Read MoreAlyansa ng mga partido hindi plantsado LOCAL BETS NI BBM NAGBABARDAGULAN?
(BERNARD TAGUINOD) MAY hindi pagkakaunawaan sa mga lokal na kandidato ng mga partidong kabilang sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas (ABP) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 midterm election. Ito ang lumalabas matapos aminin ni ABP spokesman at Navotas Rep. Toby Tiangco na kaya siya nag-file agad ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang reelection bid ay upang maharap ang problema sa local candidates. “Hindi pa. Kaya nga ako nag-file nang maaga kasi hanggang kagabi meron pa kaming inaayos (problema),” ani Tiangco nang…
Read MorePARUSA SA NUISANCE CANDIDATES TINULUGAN SA KAMARA
TILA walang plano ang Kongreso na parusahan ang mga nuisance candidates dahil tinulugan ng mga ito ang mga panukalang batas na magpaparusa sa mga ito dahil ginagawang katatawanan ang halalan. Maging ang panukalang batas ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Alexander Marcos na pagmultahin ang mga isang nuisance candidate na binabayaran para labanan ang kaparehong pangalan na kandidato ay tila tinabla ng Kamara. Sa record ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tatlong panukalang batas ang nakahain na kinabibilangan ng House Bill (HB) 9676 na iniakda ni Quezon City Rep. Ma.…
Read MoreSerbisyong Nograles Walang Kapares P15K PUHUNAN INIHATID SA 300 MONTALBEÑO
(JOEL O. AMONGO) IKINATUWA ng nasa 300 Montalbeño ang natanggap na P15,000 mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles. Sa tulong ng ‘Serbisyong Nograles Walang Kapares’, isinagawa ang pamamahagi ng P15,000 sa 300 mga residente ng Montalban noong Setyembre 24, 2024 sa Brgy. Balite. Umaga pa lang ay inayos ng mga tauhan ni Nograles ang mga dokumento ng mga benepisyaryo kaya pagdating ng mga tauhan ng DSWD ay mabilis na naisagawa ang distribusyon ng tig-P15,000.…
Read MoreQUAD COMM MAY ‘ALAS’ PA VS GARMA, LEONARDO
ISA pang testigo laban kina dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) general manager Royina Garma at National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo sa pagpatay kay ret. police general Wesley Barayuga ang nakatakdang humarap sa Quad Committee. Ito ang kinumpirma ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm kaugnay ng pagpatay kay Barayuga noong July 30, 2020 na iniutos umano nina Garma at Leonardo, base sa testimonya ni Police Lt.Col. Santie Mendoza. “Meron pa kaming hinihintay na isang witness na maaaring mag -corroborate dun sa sinabi…
Read MoreQuad Comm ng Kamara hinamong mag-imbestiga TONE-TONELADANG GINTO NG PILIPINAS IBINENTA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip pag-initan ang budget ng Office of the Vice President, mas dapat imbestigahan ang napaulat na pagbebenta ng gold reserves ng Pilipinas. Pahayag ito ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo patungkol sa mga pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng binuong quad committee. Ani Panelo, bakit hindi usisain ng mga komite ng Kamara ang nasabing usapin. “Iyan ang mga tunay na dapat imbestigahan. Bakit nagbenta. Paano ang kalakaran. Saan pupunta, ‘yun ang mga magandang imbestigahan,” ani Panelo kanyang programa sa SMNI. Ayon…
Read MoreNORTHERN LUZON WINASIWAS NI ‘JULIAN’
(CHRISTIAN DALE) NARANASAN ang matinding pag-ulan sa Luzon area simula nitong Linggo dulot ng pananalasa ng Bagyong Julian. Katunayan, itinaas ang Red Warning sa mga probinsya ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Abra, at probinsya ng Cagayan habang Orange Rainfall Warning sa probinsya ng Ilocos Sur, at ilang bahagi pa ng Cagayan Valley Region. Tiniyak naman ng pamahalaan na nakahanda ang pagkain at iba pang mahalagang suplay para sa mga indibidwal na maaapektuhan ng bagyo. Sa isang situational report noong Linggo, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)…
Read More