KAHIT mapatunayang isang espiya o sangkot sa paniniktik laban sa Pilipinas si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay hindi ito maparurusahan sa espionage. Ito ay dahil walang angkop na batas na umiiral sa pangkasalukuyan laban sa mga espiya, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro sa isang chance interview kahapon nang magsilbing panauhing pandangal sa ginanap na Balangay Forum: Safeguarding Maritime Archipelagic Nation Awareness Month. Ayon kay Sec. Teodoro, kailangang amyendahan kaagad ng Kongreso ang batas hinggil sa paniniktik laban sa Pilipinas. Ito ay dahil ang espionage law ay epektibo…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘YOUNG GUNS’ GINAGAMIT SI VP SARA PARA MAKILALA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS lamang magpapansin at makilala ang tinaguriang ‘young guns’ ng mababang kapulungan ng Kongreso kaya binabatikos ng mga ito si Vice President Sara Duterte. Tugon ito ni former chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, matapos hingi ng young guns ang pagbibitiw sa puwesto ni Vice President Sara Duterte. Pinatutsadahan din niya ang grupo bilang mga “young unknown”. Matatandaang sa pulong balitaan kamakailan, hinimok ni AKO-Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ang Pangalawang Pangulo na magbitiw na lamang sa puwesto kung hindi rin lang ito interesado…
Read MoreDuterte, mga kaalyado pababagsakin TOTOONG PAKAY NG QUAD COMM BUKING
(DANG SAMSON-GARCIA) SINAGOT ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa si Abang Lingkod Party-list Rep. Stephen Paduano dahil sa pagpupumilit nito na kasama siya sa isang diumano’y courtesy call ng mga pulis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ikinakabit sa pagkamatay ng tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Farm and Prison noong Agosto 2016. Ayon sa dating hepe ng PNP, hindi siya dumalo sa naturang pagpupulong na sinasabing naganap sa Davao City ilang linggo matapos maupo sa puwesto si Duterte. “It is very clear from the recorded video…
Read MoreBONG GO NANAHIMIK SA BARAYUGA ASSASSINATION?
(BERNARD TAGUINOD) SA halip pairalin ang hustisya sa pagpatay kay Ret. Police General at Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga, mas pinili ni Sen. Christopher “Bong” Go na manahimik na lamang. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House Quad Committee hinggil sa pagpatay kay Barayuga sa utos umano nina National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager (GM) Royina Garma. Sa pagtatanong ni Antipolo Rep. Romeo Acop kay PCSO chairman Anselmo Simeon Pinili, na mistah ni Barayuga sa Philippine Military Academy (PMA) Matikas…
Read MoreLIBRENG KAPON, BAKUNA KONTRA RABIES SA ASO’T PUSA
SA paggunita sa World Rabies Day, nagsagawa ang Villar Foundation sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar ng ika-anim na Libreng Kapon at Ligate Para sa Aso o Pusa ng Las Piñas/Bacoor, kasama ang pagbibigay ng libreng bakuna laban sa rabies. Mahigit 200 pet parents ang nagpunta sa Villar Farm para makakuha ng mga benepisyo. Ang programang ito ay regular na ginagawa ng Villar Foundation upang isulong ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at suportahan ang pandaigdigang paglaban sa rabies. Ginugunita ang World Rabies Day tuwing ika-28 ng Setyembre kada taon.…
Read MoreKOJC MEMBERS KAKASUHAN SA HARASSMENT SA PNP, MEDIA
NAKATAKDANG kasuhan ng direct assault ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na itinatag ni tele-evangelist Pastor Apollo Quiboloy, dahil sa pangha-harass sa mga kasapi ng media, mga sibilyan at maging sa hanay ng pulisya sa kasagsagan ng law enforcement operation laban sa self-proclaimed appointed son of God. Ito ang inihayag ng bagong hirang na pinuno ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na si Police Brig. General Nicolas Torre. Mariin ding inihayag ni BGen. Torre na tutugisin nila at kakasuhan ang mga taong nagbanta sa kanyang…
Read MoreSANIB-PUWERSA NG PNP AT LTO VS MOTORCYCLE THEFT, SUPORTADO NG DILG
TIWALA si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na mapipigilan na ang tumataas na kaso ng motorcycle theft sa bansa at madali na ring madadakip ang mga gagawa ng ganitong klaseng krimen bunsod ng nasabing hakbang. Ito ay matapos lumagda sa isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa interconnectivity ng kani-kanilang mga information and communications technology (ICT) system. Inihayag ni SILG Abalos, ang pagsasanib-pwersa ng PNP at LTO ay mahalaga, lalo na ngayong umabot na sa 30,000 kada taon ang mga kaso…
Read MoreRESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL ‘DI BINULABOG NG CHINA
KINUMPIRMA kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na naging maayos at payapa ang isinagawang Rotation and Resupply mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine Coast Guard sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal. Ayon kay AFP Spokesperson Col Francel Margareth Padilla, “The AFP was able to deliver essential supplies to our troops in the area and completed the mission.” Inihayag ni Col. Padilla na naroon ang presensiya ng ilang Chinese vessels sa bisinidad ng Ayungin Shoal habang isinasagawa ang routine RORE mission. Inihayag…
Read MoreMARCOLETA HINUBARAN NG COMMITTEE MEMBERSHIP
SINIBAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa makapangyarihan Commission on Appointment (CA) si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta. Sa huling sesyon ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi, ininominate ni House deputy majority leader at Iloilo City Rep. Jam Baronda si Manila Teachers party-list Rep. Virgilio Lacson bilang kapalit ni Marcoleta sa CA. Si Marcoleta ay kilalang kaalyado ni Vice President Sara Duterte na kanyang ipinaglaban sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) dahil hindi umano sinusunod ng Kamara ang tradisyon na hindi na dapat kinakalkal…
Read More