KAILANGANG kumbinsihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Portugal na huwag payagang maging kanlungan sila ng mga wanted na Pilipino tulad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang payo ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa DFA na tanging ahensya na may karapatang makipag-negosasyon sa Portugal kung saan pinaniniwalang nagtatago si Co. “It is highly doubtful if Zaldy Co even understands Portuguese. These factual circumstances on how a fugitive Filipino official is using Portugal as a safe haven to escape grave crimes should…
Read MoreCategory: NASYUNAL
DFA PINAKIKILOS SA PAG-ATAKE NG CHINESE EMBASSY SA PH OFFICIALS
HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agarang kumilos kaugnay sa mga pag-atake ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtatanggol sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay matapos maglabas ang Chinese Embassy sa social media na umano’y tumutuligsa kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela, na naging lantad sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga insidente sa WPS. Sa liham na ipinadala kay DFA Secretary Ma. Theresa P. Lazaro, humingi si Hontiveros ng paglilinaw kung ano…
Read More2 TESTIGO, IDINIIN KONEKSYON NINA CURLEE DISCAYA AT ROMUALDEZ SA FORBES PARK PROPERTY
DALAWANG babaeng testigo ang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa sinasabing ugnayan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kontraktor na si Curlee Discaya. Sa pagharap ng mga testigong itinago sa alyas na Maria at Joy, itinuro nila si Discaya na kanilang nakaharap nang sila ay in-evict na sa tinutuluyan nilang bahay sa No. 30 Tamarind South Forbes Park, Makati City. Ikinuwento ng mga testigo na tauhan sila ni Rico Ocampo, ang dating tenant sa bahay na sinasabing nabili ni Romualdez at nagsilbing front si Discaya.…
Read MoreDOJ, KINUMPIRMANG 14 PA LANG SA MAHIGIT 400 NA FLOOD CONTROL PROJECTS ANG ITINUTURING NILANG GHOST
BALOT na balot nang dumating kahapon si Regional Director Gerald Pacanan ng DPWH 4-B sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control project sa Mindoro. Gayunman, nakumbinsi rin siya ng komite na ilabas ang kanyang mukha. (DANNY BACOLOD) KINUMPIRMA ng Department of Justice na 14 pa lamang sa 421 na flood control projects ang itinuturing nilang ghost o guniguni. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida na sa 14, dalawa na ang nakasalang sa SandiganBayan. Kabilang naman sa 12…
Read MoreIMPEACHMENT VS MARCOS JR. INIHAIN NA SA KAMARA
Pormal nang sinampahan kahapon, Enero 19, 2026, ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng umano’y katiwalian sa pamahalaan, pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), at alegasyong paggamit ng ilegal na droga. Agad na inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. at House Deputy Minority Leader Jernie Jett Nisay ang reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus, na kinumpirmang tinanggap ng House Secretary General na si Cheloy Garafil alas-8:45 ng umaga. Ayon kay Garafil, susundin ang itinakda ng Saligang Batas at House Impeachment…
Read MorePASASALAMAT AT PAG-ASA MENSAHE NI VP SARA SA PAGDIRIWANG NG ATI-ATIHAN
NANAWAGAN si Vice President Sara Duterte sa publiko na ipagdiwang ang Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan nang may pasasalamat at pag-asa para sa masaganang hinaharap. Sa isang kalatas, sinabi ni VP Sara na ang Ati-Atihan ay higit pa sa masiglang musika at makukulay na kasuotan, sapagkat sinasalamin nito ang pananampalataya, katatagan, at pagkakaisa ng mga Pilipino. “Sa paggunita natin sa inyong mayamang kultura at tradisyon, nawa’y baunin nating lahat ang diwa ng inyong selebrasyon: ang walang humpay na pasasalamat at ang pag-asa para sa mga masaganang bukas,” ayon kay VP…
Read MoreSolon: Kung totoo alegasyon SOLAR FRANCHISE NI LEVISTE MISTULA RING GHOST PROJECTS
WALANG pinagkaiba sa ‘ghost projects” ang renewable energy company ni Batangas Rep. Leandro Leviste kung totoong hindi nito naideliber ang kontrata at sa halip ay pinagkakitaan lamang matapos umano niya itong ibenta. Ito ang pahayag ni administration Congressman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur kaya hindi aniya dapat isantabi ang nasabing isyu at sa halip ay imbestigahan ito sa House committee on franchises para magkalinawan. Noong 2019 ay binigyan ng prangkisa ang kompanya ni Leviste na Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC) kung saan nangako ito na magdedeliber ng…
Read MoreCOMPLAINANTS, SOLONS SA IMPEACH BBM, VP SARA MANGANGAPA
TIYAK na mangangapa, hindi lamang ang mga complainant kundi maging ang mga kongresista sa Impeachment process hanggat walang pinal na resolusyon ang Korte Suprema sa mosyon na inihain ng Kamara sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang pahayag sa gitna ng mga impormasyon na hindi lamang si Duterte ang masasampahan ng impeachment case sa susunod na buwan kundi maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukod sa pagkontra sa desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Duterte,…
Read MoreOIL PRICE ALERT: GASOLINA, DIESEL, KEROSENE TATAAS SA MARTES
ASAHAN ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE). Batay sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE at sa apat na araw na kalakalan, posibleng tumaas ng: P0.60 kada litro ang gasolina; P1.30 kada litro ang diesel; P1.00 kada litro ng kerosene. Isa sa pangunahing dahilan ang sitwasyon sa Iran na nagtulak pataas sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. “‘Yan talaga ang primary for this week… Monday to Wednesday ay talagang tumaas ‘yan because sa kaguluhan sa…
Read More