“KASINUNGALINGAN na naman!” Ito ang reaksyon ng Malacañang sa pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na umano’y nais nang makipag-ayos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ng kampo ng Bise Presidente ang pagtatrabaho kaysa pamumulitika. “Kasinungalingan na naman! Dapat ang iniisip nila ngayon ay serbisyo muna bago pamumulitika,” ani Castro. Nauna rito, sa isang video na ibinahagi ni Roque sa kanyang Facebook page noong Lunes,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘MALETA SCHEME’ PINAKAKALKAL SA SENADO
(DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Imee Marcos sa kaukulang komite ng Senado ang umano’y money delivery scheme na iniuugnay sa 18 dating sundalo at kay dating Cong. Zaldy Co. Sa kanyang Senate Resolution No. 317, iginiit ni Marcos na dapat nang imbestigahan ang mga alegasyon “para sa taumbayan” at upang mabatid ang katotohanan. Hinamon din niya ang mga dating sundalo na humarap sa pormal na imbestigasyon at ilahad ang ebidensya sa ilalim ng panunumpa. “Kung may paratang, ilatag ninyo nang malinaw. Kung may ebidensya, ilabas ninyo nang buong tapang. Kumbaga…
Read MoreMAXIMUM TOLERANCE TINIYAK SA EDSA 40
(JESSE RUIZ) INIUTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng “maximum tolerance” kaugnay ng paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Miyerkoles, kasabay ng planong “Trillion Peso March.” Sa pulong-balitaan, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na igagalang ng mga awtoridad ang karapatan ng mga grupong magpahayag ng saloobin, kahit may ilan umanong walang permit. “We will respect their right to voice their concerns and their opinions. As usual, we will exercise maximum tolerance,” ani Remulla. Naglabas…
Read MoreDATING SUNDALO KINUMPIRMA PAGDEDELIVER NG MALE-MALETANG PERA KAY ROMUALDEZ
KINUMPIRMA ng labingwalong dating sundalo ang naunang akusasyon ni dating Marine Orly Guteza na nagdala siya ng pera kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez galing sa kickback mula sa flood control projects. Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan, sinabi ni Baligod na ilang beses nagdala ang mga sundalo ng male-maletang pera na aabot sa P805 bilyon kay Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Forbes Park at Paoay, Ilocos Norte. Naglabas si Baligod ng mga larawan na nagpapakita ng maraming maleta na…
Read MoreRISA LAGAPAK NA NAMAN SA SURVEY
KULELAT na naman si Senadora Risa Hontiveros sa pinakabagong survey ng Tangere para sa karera sa pagka-presidente sa 2028 elections. Sa nationwide survey na ginawa mula Pebrero 19-20 at sinalihan ng 1,200 respondents, nakakuha lang si Hontiveros ng 3 porsiyentong voter support. Nauuna sa kanya si Vice President Sara Duterte na may 43 porsiyentong voter support, kasunod si Naga City Mayor Leni Robredo na may 27 percent, at ikatlo naman si Senador Raffy Tulfo na may 15 porsyento. Sa kanilang apat, si Hontiveros din ang nakakuha ng pinakamababang approval at…
Read MoreALBAY GOV INIUUGNAY SA PAGBABALIK NG JUETENG
NAGBABALA si AKO BICOL Party-list Rep. Alfredo A. Garbin Jr. sa umano’y muling pag-usbong ng ilegal na jueteng sa Albay kasunod ng pagpapatigil sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan. Sa kanyang privilege speech sa Kamara, kinuwestiyon ni Garbin ang biglaang pagpahinto sa STL noong Disyembre 2025 kahit may bisa pa umano ang permit ng operator hanggang Oktubre 2026. Dahil dito, tinatayang P40 milyong buwanang remittance ang nawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office na nakalaan sana para sa tulong-medikal at iba pang social services. Iginiit ng mambabatas na…
Read MorePAGPAPALAKAS SA KAPASIDAD NG LGUs INILUNSAD NG MALAKANYANG
INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inisyatibong “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” na layong palakasin ang kapasidad ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng mas mataas na suportang pinansyal. Sa paglulunsad sa Malacañang Palace, binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng LGUs bilang frontliners sa serbisyo publiko. Ayon sa Pangulo, sa loob ng mahigit tatlong dekada, nagsilbing tulay ang Local Government Support Fund (LGSF), bukod pa sa National Tax Allocation (NTA), sa pagitan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na komunidad. Gayunman, inamin niya na naging mabagal…
Read MorePEBRERO 25 PLANONG IBALIK BILANG REGULAR HOLIDAY
ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang ibalik bilang regular holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa EDSA Revolution. Sa House Bill No. 7911, iginiit nina Akbayan party-list Reps. Chel Diokno, Percival Cendaña, Dadah Ismula at Dinagat Islands Rep. Arlene Bag-ao na dapat ideklarang regular holiday ang araw na ito upang kilalanin ang mapayapang pag-aalsa na nagpanumbalik ng demokrasya noong 1986. Nakasaad sa panukala na ipinakita ng People Power Revolution ang nagkakaisang paninindigan ng sambayanan para sa kalayaan, constitutional government, at rule of law. Iminumungkahi rin na maglaan ng pondo ang pamahalaan…
Read MoreAFP HANDANG UMAYUDA SA PNP SA EDSA COMMEMORATION
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinikilala nito ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag kasabay ng inaasahang public assemblies sa Metro Manila para sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Bagaman pangunahing tungkulin ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapanatili ng kaayusan, handa ang militar na tumulong kung hihilingin ng awtoridad, ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad. Ayon sa AFP, may nakahandang security at readiness measures ang AFP-National Capital Region Command upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang iginagalang…
Read More