TINAWAG na “lutong Macau,” “drama series,” at “basura” ng ilang mambabatas ang kauna-unahang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, kapansin-pansin umano na ang naghain ng impeachment complaint na si Atty. Andre De Jesus ay abogado rin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa disbarment case laban kay dating Biliran Rep. Glen Chong. Sa kanyang social media post, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte at iginiit na tila may iisang “pattern” sa mga pangyayari. “Kita naman ta sa papeles. Kita…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PANGALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM IHAHAIN NGAYONG HUWEBES
KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Kamara na ihahain nila ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, nakasentro sa betrayal of public trust ang ihahain nilang reklamo dahil hinayaan ni Marcos ang malawakang katiwalian sa flood control projects. Umaasa si Tinio na kabilang ang kanilang reklamo sa isasama ng liderato ng Kamara sa order of business pagbalik trabaho ng Kongreso sa Lunes, Enero 26. (BERNARD TAGUINOD) 120
Read More3 DAY NATIONAL DECONGESTIONS SUMMIT SINIMULAN NA
UMARANGKADA na sa Metro Manila ang ikalawang National Decongestion Summit sa pangunguna ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC, na binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon. Layon ng tatlong araw na aktibidad na gaganapin sa Manila Hotel mula January 21-23, para paigtingin ang mga hakbang para sa pagpapaluwag ng mga piitan sa bansa. Kabilang sa mga pangunahing tatalakayin sa summit ang pagsasama o unification ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology sa isang integrated correctional…
Read MoreREPEAT OFFENDER, TIMBOG SA BARIL
INIULAT ni Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) PCol. Randy Glenn Silvio ang matagumpay na pagkaaresto sa isang alias “Mark,” 42-taong gulang, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City, sa kasong illegal possession of firearms sa isinagawang anti-criminality operation ng Talipapa Police Station (PS 3), sa pangangasiwa ni PLt. Col. Von DV Alejandrino. Sinabi sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi noong Enero 18, 2026, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng PS 3, sa isang eskinita sa Barangay Tandang Sora, nang mapansin nila ang isang lalaki…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS PROBE HINDI PINAUULIT NI PBBM – MALAKANYANG
NILINAW ng Malakanyang na walang direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-redo o ulitin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects. Ito ay kasunod ng ulat na sinadyang magsumite umano si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan ng maling grid coordinates ng mga flood control project sa Pangulo. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi totoo ang naturang alegasyon at ang kailangan lamang ay itama ang mga naging pagkukulang sa proseso ng imbestigasyon.…
Read MoreIKALAWANG IMPEACHMENT VS BBM IHAHAIN NGAYONG LINGGO
ANOMANG araw ngayong linggo ay ihahain na ng civil society groups ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na inaasahang ieendorso ng Makabayan bloc sa Kamara. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, kailangang maisumite ang reklamo bago magbukas ang sesyon ng Kongreso sa Lunes, Enero 26, dahil sa mahigpit na patakaran na iisa lamang ang impeachment proceeding sa loob ng isang taon. Noong Lunes, naunang naghain ng impeachment complaint si Atty. Andrei de Jesus, na inendorso ni Pusong Pinoy party-list Rep. Jernie “Jett” Nisay.…
Read MorePORTUGAL KUMBINSIHIN PARA ‘DI MAGING KANLUNGAN NI ZALDY CO
KAILANGANG kumbinsihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Portugal na huwag payagang maging kanlungan sila ng mga wanted na Pilipino tulad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ito ang payo ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa DFA na tanging ahensya na may karapatang makipag-negosasyon sa Portugal kung saan pinaniniwalang nagtatago si Co. “It is highly doubtful if Zaldy Co even understands Portuguese. These factual circumstances on how a fugitive Filipino official is using Portugal as a safe haven to escape grave crimes should…
Read MoreDFA PINAKIKILOS SA PAG-ATAKE NG CHINESE EMBASSY SA PH OFFICIALS
HINIMOK ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agarang kumilos kaugnay sa mga pag-atake ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtatanggol sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay matapos maglabas ang Chinese Embassy sa social media na umano’y tumutuligsa kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela, na naging lantad sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga insidente sa WPS. Sa liham na ipinadala kay DFA Secretary Ma. Theresa P. Lazaro, humingi si Hontiveros ng paglilinaw kung ano…
Read More2 TESTIGO, IDINIIN KONEKSYON NINA CURLEE DISCAYA AT ROMUALDEZ SA FORBES PARK PROPERTY
DALAWANG babaeng testigo ang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa sinasabing ugnayan ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kontraktor na si Curlee Discaya. Sa pagharap ng mga testigong itinago sa alyas na Maria at Joy, itinuro nila si Discaya na kanilang nakaharap nang sila ay in-evict na sa tinutuluyan nilang bahay sa No. 30 Tamarind South Forbes Park, Makati City. Ikinuwento ng mga testigo na tauhan sila ni Rico Ocampo, ang dating tenant sa bahay na sinasabing nabili ni Romualdez at nagsilbing front si Discaya.…
Read More