MALACAÑANG BUKAS SA PAGBIBIGAY NG PABUYA SA IKADARAKIP NI ZALDY CO

MAAARING pag-isipan ng gobyerno ang pagbibigay ng reward o pabuya para sa makapagtuturo at makapagpapa-aresto kay dating Ako Bicol congressman Zaldy Co, na nahaharap sa kaso ng korapsyon at malversation kaugnay ng kontrobersiyal na flood control projects. Sa press briefing sa Malacañang, tinanong si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung handa ba ang administrasyon na mag-alok ng pabuya upang mapabilis ang paghuli kay Co. Ayon kay Castro, wala pang pormal na talakayan ukol dito—pero bukas ang pintuan. “Sa ngayon, wala pang napag-uusapan sa ganiyan.…

Read More

Papunta na sa exciting part ‘PATING, BALYENA’ NEXT TARGET SA FLOOD CONTROL SCAM – DILG

PAPUNTA na ang gobyerno sa paghuli sa mga “pating at balyena” o big-time personalities na umano’y sangkot sa flood control mess, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla. Tugon ito ng kalihim sa hinaing ng mga nagkilos-protesta noong Nobyembre 30 na puro “dilis at sapsap” lamang ang naaaresto, habang ang mas malalaking personalidad ay patuloy na nakakalaya. “Ngayon papunta na tayo doon sa pating at balyena… malapit na ‘yan. Bigyan natin ang Ombudsman ng karapat-dapat na oras kasi mayroon siyang ethics sa pag-file ng case.…

Read More

PBBM KINALAMPAG SA PAGDEDMA SA P200 WAGE HIKE

KINALAMPAG ng oposisyon sa Mababang Kapulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa patuloy umanong pagbabalewala nito sa panawagan para sa umento ng mga manggagawa sa buong bansa. Kasabay nito, hiniling ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sa liderato ng Kamara na pabilisin ang deliberasyon sa mga panukalang naglalayong magpatupad ng P200 across-the-board legislative wage increase, sa kabila ng pagtanggi ng pangulo na sertipikahan ang mga ito bilang urgent. “Two hundred peso minimum wage increase ang tunay na pamasko para sa mga manggagawa, hindi yung kathang-isip na 500 noche…

Read More

Trillion Peso March Third Edition ikinakasa FLOOD SCAM PROBE UMIIWAS SA ‘BIG FISH’?

NAGBABALA ang mga organizer ng Trillion Peso March na handa silang maglunsad ng panibagong malawakang kilos protesta kung hindi agad mapapanagot ang malalaking personalidad na itinuturong utak sa multi-billion flood control scandal. Ayon kay Kiko Aquino Dee, malaki ang inaasahan ng publiko na bago ang December 15 deadline ng Office of the Ombudsman, ay mas maraming kaso ang maisasampa laban sa mga nasa likod ng anomalyang pinag-uusapan sa buong bansa. Giit ni Dee, nakaaalarma ang takbo ng imbestigasyon na tila nakatutok lang umano sa “relatively minor government officials and contractors”…

Read More

Sa gitna ng corruption issue PONDO ‘WAG IPAGKATIWALA SA PANGULO – SOLONS

ISINALANG na sa committee level ng Kamara ang mga panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa. Gayunpaman, agad na tinutulan ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang tatlong panukalang nakahain sa House Committee on Basic Education. Ayon kay Tinio, hindi napapanahon ang pagbibigay ng special authority sa Pangulo lalo na’t kasalukuyang iniimbestigahan ang umano’y malawakang katiwalian sa flood control projects. Kabilang sa mga panukalang tinalakay ang House Bill (HB) 4904 na inakda ng chairman…

Read More

LAS PIÑAS NAGNINGNING

NAGLIWANAG na muli ang Las Piñas matapos ilunsad ang ikalawang taon ng Christmas Lighting Ceremony — isang makulay na selebrasyon ng tradisyon, komunidad, at ang kilalang sining ng paggawa ng parol na tatak-Las Piñas. Ginawa ang programa sa People’s Park, sa tapat ng iconic Bamboo Organ Church sa Brgy. Daniel Fajardo. Tampok ang Giant Christmas Tree na gawa sa lokal na materyales—sumisimbolo ng pagiging malikhain, mainit na pakikisalamuha, at kulturang ipinagmamalaki ng lungsod. Panauhing pandangal si dating senadora Cynthia Villar, na nagpahayag ng mensahe ng inspirasyon sa mga Las Piñeros:…

Read More

Iniwan ng mga raliyista BANDALISMO SA MAYNILA

SA kabila ng paulit-paulit na panawagan ng pamahalaang lungsod ng Maynila, muling nag-iwan ng bandalismo ang mga ralyista sa iba’t ibang parte ng lugar sa ikinasang kilos-protesta nitong Nobyembre 30. Ang pangyayaring ito ay hindi ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na binigyang-diin na kung sino pa ang mga lumalaban para sa tamang paggamit ng pondo ay sila pa ang umano’y dahilan para ito’y aksayahin. Giit ni Domagoso, dahil sa ginawang bandalismo sa ikinasang malaking rally ay muli nila itong gagastusan para lamang maipalinis. Kapansin-pansin ang mga bandalismo sa…

Read More

AGFO naglabas ng manifesto MILITARY HINDI PAPAYAG SA UNCONSTITUTIONAL ACTS

KASABAY ng paggunita ng bansa sa kaarawan ni Andres Bonifacio, naglabas ng manifesto of unwavering support ang mga dati at aktibong opisyal mula sa AFP, PNP, PCG, BJMP at BFP para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kanilang Commander-in-Chief. Sa pahayag ng Association of General and Flag Officers (AGFO) sa kanilang ika-60 anibersaryo sa Camp Aguinaldo, mariin nilang kinondena ang anomang panawagan para sa military adventurism o unconstitutional acts laban sa administrasyon. “We strongly condemn and reject any call for the AFP to engage in unconstitutional acts or military adventurism,”…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM PANGALAGAAN YAMANG-TUBIG

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na pahalagahan at responsableng gamitin ang likas na yaman ng bansa, lalo na ang tubig, kasabay ng paglulunsad ng isang malaking proyekto sa Bulacan. “Ladies and gentlemen, let this milestone encourage us to value the resources that we are blessed with, use them responsibly, and take part in building a more inclusive, sustainable future for everyone,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Nob. 28. Ipinahayag ito ni Marcos habang pinangungunahan ang inagurasyon ng Tunnel No. 5 ng Angat Water…

Read More