PNP: TETESTIGO SA ICC PROBE HINDI PIPILITIN, HINDI RIN PIPIGILAN

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila pipilitin ngunit hindi rin pipigilan ang sinumang nagnanais na tumestigo sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ay kasunod ng panawagan ng ICC’s Office of the Prosecutor sa mga direct witnesses, kabilang ang mga kasapi ng PNP at iba pang law enforcement agencies, na may kaalaman sa mga kasong iniimbestigahan hinggil sa umano’y crimes against humanity mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 19, 2019. Ayon kay…

Read More

16-ANYOS SINAKSAK SA QC

NASUGATAN ang isang 16-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa isang parke sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City noong Enero 17, ayon sa Quezon City Police District (QCPD). Batay sa ulat ng pulisya, inatake ang biktima ng isang grupo ng mga kabataang may conflict sa batas. Isang menor de edad na saksi ang positibong kumilala sa pangunahing suspek, at isang kaso na ang isinampa laban dito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot. Nasa stable na kondisyon na ang biktima at kasalukuyang ginagamot sa Tala Hospital sa…

Read More

TAGUIG POLICE MAY BAGONG HEPE

PINALITAN na si Col. Byron Allatog bilang hepe ng Taguig City Police matapos ang anim na buwang panunungkulan. Itinalaga sa puwesto si Col. Julius Añonuevo, dating Provincial Director ng Albay Police Provincial Office sa Bicol Region. Noong Enero 19, hinarap ni Añonuevo ang mga tauhan ng Taguig police force at binigyang-diin ang kahalagahan ng propesyonalismo, integridad, at pananagutan sa serbisyo. Si Añonuevo ay dati ring nagsilbi bilang kumander ng District Mobile Force Battalion ng Manila Police District at hepe ng Batangas City Police. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Allatog na…

Read More

MANGUNGURAKOT SA FARM TO MARKET ROAD PROJECTS MANANAGOT – KIKO

NAGBABALA si Senador Francis Kiko Pangilinan sa mga magtatangkang magnakaw o hindi gamitin nang maayos ang P33 bilyong pondo para sa farm-to-market road (FMR) program. Sinabi ni Pangilinan na babantayan at agad nilang papanagutin ang mga masasangkot sa anumang uri ng katiwalian sa mga proyekto para sa mga magsasaka. “We have put in place several safeguards para talagang matiyak na walang magiging korapsyon. At sana, palagay ko naman itong pakiusap rin natin at siguro warning na rin na tayo mismo bilang chairman of the Committee on Agriculture, hindi tayo papayag…

Read More

MAS MATIBAY NA GLOBAL PARTNERSHIPS MENSAHE NI MARCOS SA 2026 VIN D’HONNEUR

MALUGOD na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong taon sa pamamagitan ng mensaheng puno ng pag-asa, optimismo, at pasasalamat, kasabay ng pagbibigay-diin sa diplomatic progress ng Pilipinas at sa napipintong papel ng bansa bilang Chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong 2026. Ginawa ang pahayag ng Pangulo sa tradisyonal na vin d’honneur, isang diplomatic gathering na idinaraos tuwing Bagong Taon at Araw ng Kalayaan, na tampok ang pagpapalitan ng toast sa pagitan ng Pangulo ng Pilipinas at ng Papal Nuncio, na nagsisilbing Dean of the Diplomatic…

Read More

PDEA REGION 4A NAGDAOS NG RANDOM DRUG TEST; ZERO POSITIVE LAHAT

NAGSAGAWA ng random drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A sa lahat ng tauhan nito noong Enero 15, 2026 bilang bahagi ng pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Program ng ahensya. Isinagawa ang pagsusuri alinsunod sa Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 13, Series of 2018, na naglalayong tiyakin na nananatiling drug-free ang mga tanggapan ng pamahalaan. Ayon kay PDEA Region 4A Regional Director Ronald Allan DG Ricardo, negatibo sa ilegal na droga ang lahat ng personnel na sumailalim sa pagsusuri. Patunay umano ito ng mahigpit na disiplina at…

Read More

TIANGCO: RESPONSIBILIDAD NI ROMUALDEZ ANG FLOOD CONTROL ISSUE

MAY command responsibility si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga di-umano’y insertion sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na iniuugnay kay dating Ako-Bicol Party-list Representative Zaldy Co, ani Navotas lone district Representative Toby Tiangco. Binigyang-diin ni Tiangco na wala siyang pinapanigan sa isyu at gusto lamang niyang ilahad ang mga pangyayaring, ayon sa kanya, ay totoong naganap. “Wala akong kinakampihan at pinagtatanggol, sinasabi ko kung ano ang tunay na nangyari, hindi para depensahan ang Presidente kundi para sabihin ang totoo. All of…

Read More

CELLPHONE NAIWANG NAKA-CHARGE, BAHAY NG NURSE SA CAVITE NASUNOG

NILAMON ng apoy ang bahay ng isang nurse matapos umanong maiwang naka-charge ang cellphone nito sa Amadeo, Cavite kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat, tinatayang P80,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa bahay ng biktimang si alyas “Jordan,” 35, binata, residente ng Crisanto Delos Santos Avenue, Brgy. Poblacion 6, Amadeo, Cavite. Sa y ng biktima, umalis siya ng bahay bandang alas-9:00 ng gabi at naiwan ang kanyang cellphone na naka-charge. Pagbalik niya makalipas ang halos 20 minuto, bandang alas-9:21 ng gabi, nadatnan na niyang naglalagablab ang kanyang bahay.…

Read More

PLUNDER VS ZALDY CO, BONG REVILLA, JINGGOY – DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang tatlong kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sangkot sa mga kaso sina dating Congressman Zaldy Co, dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., at Senador Jinggoy Estrada. Sinabi ng DOJ na nagsimula na ang preliminary investigation noong Enero 5, kabilang ang mga reklamo sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Public Officials. Nilinaw ng DOJ na ang mga plunder case…

Read More