Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa tangkang pagnanakaw ng mga kable sa Barangay San Isidro, Parañaque City ngayong Linggo, Pebrero 15. Ayon sa mga rumespondeng pulis, nahuli sa akto ang 39-anyos na suspek na pinuputol ang mga kable sa poste ng Meralco bago tuluyang makuryente kaninang madaling araw. Nasawi ang suspek matapos makuryente at magtamo ng matinding pinsala sa katawan. Nagdulot ng circuit tripping ang insidente pero wala namang naging mahabang antala sa serbisyo ng kuryente sa mga customer ng Meralco. Muli namang nagbabala ang Meralco na lubhang mapanganib…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
BOC, HINAMON NA ABUTIN ANG P1-TRILLION KOLEKSYON SA 2026
HINAMON ni Finance Secretary Frederick Go ang Bureau of Customs na maabot ang P1-trillion revenue collection target ngayong 2026 kasabay ng ika-124 anibersaryo ng ahensya. Ayon kay Go, posible nang makamit ang target dahil sa mga repormang ipinatutupad ng Aduana. Matagal na aniyang tinatarget ng ahensya ang naturang halaga ngunit patuloy itong naging mailap sa nakalipas na mga taon. Gayunman, kumpiyansa ang kalihim na makakamit na ito ngayong taon. Magugunitang nalampasan ng BOC ang target nitong koleksyon noong Enero 2026. Noong 2025, umabot sa P934.4 bilyon ang kanilang koleksyon na…
Read MoreSC, PINASASAGOT SI REMULLA AT ICI SA PETISYON NI ZALDY CO
INATASAN ng Supreme Court si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla at ang Independent Commission for Infrastructure na magkomento sa petisyong inihain ng dating mambabatas na si Zaldy Co. Kinuwestyon ni Co ang resolusyon ng Ombudsman na nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation laban sa kanya at iba pang personalidad kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Nilinaw naman ng Korte Suprema na sa ngayon ay wala pa silang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) sa inihain na petition for certiorari ng dating kongresista.…
Read More‘RAPE VICTIM’ NANGALAMPAG NG HUSTISYA AT PATAS NA PAGTRATO
DUMULOG sa Citizens Crime Watch ang 16-anyos na babaeng biktima umano ng panggagahasa dahil sa hinalang “cover-up” sa loob mismo ng Department of Justice kaugnay ng preliminary investigation sa kanyang kaso. Sa sulat-kamay na ipinadala kay CCW president na si Diego Magpantay, ibinahagi ni “Grace,” na ngayo’y 21-anyos na, ang umano’y nararanasang diskriminasyon sa pag-usad ng kanyang reklamo. Itinuro ng biktima ang respondent na si Julie Patidongan alyas “Dondon,” na isa aniyang “kilalang indibidwal” at state witness sa high-profile case na prayoridad ng gobyerno. Dahil dito, hinala ng biktima na…
Read More40 BFP FIRE EXTINGUISHER SALESMEN KAKASUHAN – DILG
NASA 40 kagawad ng Bureau of Fire Protection na nagsisilbing salesman ng fire extinguisher, ang nakatakdang sampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, idadamay nila sa sasampahan ng kaso si Bureau of Fire Protection (BFP) director Jesus Fernandez kaugnay ng maanomalyang bentahan ng fire extinguisher. Sinabi ni Remulla, sa susunod na linggo ay may 40 mga tauhan ng BFP ang kanilang kakasuhan at isasama na ang kanilang pinakapinuno. Bukod dito ay may isang libo pa umanong mga tauhan ng BFP…
Read MoreTULONG SA ‘BASYANG’ VICTIMS PINAPAPASPASAN NI MARCOS
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang mobilisasyon ng mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagbangon ng mga pamilyang sinalanta ng Tropical Storm Basyang (Penha). Nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa pulong kasama ang mga miyembro ng Gabinete at mga gobernador mula sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inatasan ng Pangulo ang mga ahensya na pasimplehin ang proseso upang agad makarating ang tulong sa mga nangangailangan. Binigyang-diin din nito ang maagang paglalabas ng pondo para sa paghahanda sa…
Read MorePANANAW NI PADILLA SA MENTAL HEALTH MAPANGANIB – SOLONS
BINATIKOS ng Gabriela at Kabataan Party-list si Senador Robin Padilla matapos sabihing “weak” ang kabataan ngayon dahil sa usapin ng mental health. Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, maling sabihing kahinaan ang pag-amin ng depresyon at iba pang mental health issues. “Matagal na itong umiiral, ngunit noon ay nababalot lamang ng katahimikan, stigma, at kakulangan ng kaalaman. Hindi kahinaan ang pag-amin sa mental health problems,” giit ni Elago. Dagdag pa nito, tungkulin ng mga mambabatas na pakinggan at unawain ang kabataan sa halip na patahimikin ang mga ito. Para…
Read MoreMV TRISHA KERSTIN 3 OVERLOADED – DOTr
KINUMPIRMA ng Department of Transportation sa Senate Committee on Public Services na overloaded ang MV Trisha Kerstin 3 nang lumubog sa karagatan ng Basilan, noong January 25. Sa pagdinig ng komite, ipinaliwanag ni Transportation Assistant Secretary Manuel Cabochan III na ang allowed capacity ng barko ay 352 na pasahero at 24 hanggang 27 na crew. Subalit sa datos, 293 na ang survivors, 52 ang namatay at 24 pa ang nawawala kaya’t malinaw na may inconsistencies sa passenger manifest. Bukod sa taong sakay, overloaded din ang kargamento at hindi dumaan sa…
Read MoreSa pagsusuot ng uniporme ng pulis PAGSASAMPA NG KASO KAY NORMAN MANGUSIN PINAG-AARALAN NG PNP
INIHAYAG ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Randulf Tuaño, pinag-aaralan ng Pambansang Pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger. Matatandaang nag-viral sa social media ang content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos, habang nakasuot ng uniporme ng pulis. Pinagmumura at hinamon din ng suntukan ni Mangusin si Police Regional Office 2 Director P/Brig. Gen. Antonio Marallag Jr. Ayon kay Tuaño, posibleng maharap sa kasong usurpation of authority at illegal use of uniforms or insignia si Mangusin na posibleng magresulta sa pagkakakulong. Iginiit…
Read More