SEN. MARCOLETA, INABSWELTO NG BATAS!

RAPIDO ni PATRICK TULFO AMINADO ang Commission on Election (COMELEC) na wala silang magagawa sa isyu ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Senator Rodante Marcoleta. Sa panayam ng Rapido kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sinabi niyang wala silang magagawa kundi sundin ang nakasaad sa batas na noong 1990s ay naamyendahan ang tungkol sa pagdedeklara ng mga contributor o mga nagbigay ng donasyon sa isang politiko at tuluyan itong binura sa Omnibus Election Code. Ayon kay Atty. Laudiangco, hindi na umano criminal offense ang ginawa ng senador…

Read More

Kasama pala pati utol niya SPEAKER DY, KUMUSTA NA MGA CONG NA SABIT SA FLOOD CONTROL? (PART 3)

Balitang ‘di Kanais-nais  KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at contractors, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi, kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya no investigation, mga ka-Balitang ‘di Kanais-nais. Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects na bilyon-bilyong piso ang napunta…

Read More

BINAN, LAGUNA PATULOY UMUUNLAD SA PAMUMUNO NI MAYOR GEL ALONTE

TARGET ni KA REX CAYANONG SA ilalim ng pamumuno ni Mayor Gel Alonte, patuloy na itinataguyod ng Lungsod ng Biñan ang makabuluhang inisyatibo para sa kalusugan, kabuhayan, at kaalaman ng kanyang mga nasasakupan. Kamakailan lamang, kinilala ang lungsod bilang pilot site ng Gabay Bakuna Initiative, isang programang pinangunahan ng Department of Health at United States Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC). Sa isinagawang orientation sa Perpetual Help Medical Center, pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang pangakong palakasin ang disease surveillance at ang kakayahan ng lungsod sa pagtugon sa vaccine-preventable…

Read More

NOBODY’S HAPPY

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PISO na nga lang, napurnada pa. Ayan, naudlot ang pampalubag-loob nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon. Paano pakakalmahin ang galit ng mga apektado ng malakihang taas-presyo? Hindi raw ito ang tamang panahon para magtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan habang nagpapatuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan. Ayon iyan sa Pangulo na nanawagan na ng bayanihan at pagkakaisa. Tingin ko, okay na rin na hindi muna ituloy ‘yang dagdag-pasahe kasi sa totoo lang,…

Read More

KRISIS SA LANGIS MAAARING MAGDULOT NG KRIMEN

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG tatagal pa ang giyera sa pagitan ng Israel, Amerika at Iran na nagiging dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo mga produktong petrolyo, ito ay magiging dahilan ng pagtaas ng krimen sa bansa. Hindi pa man tuluyang nakababangon ang Pilipinas sa hagupit ng COVID-19 pandemic ay muli na namang binabayo ng kahirapan ang bayan ni Juan. Ang kahirapan na ito ay kagagawan ng tao, tulad ng korupsyon, at giyera sa Middle East. Mula taong 2023, 2024 hanggang 2025 ay pinagsamantalahan ng matataas na mga…

Read More

PANGAKONG NAPAKO NI PBBM

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI na muling nagsalita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinggil sa sinabi niyang may makukulong sa mga nasasangkot sa pinakamalaking iskandalo sa kasaysayan ng bansa, ang flood control project anomalies. Hindi nakalilimutan ng mga Pilipino ang ipinagmalaki ni PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa House of Representatives noong 2024, na mayroong 5,500 flood control projects na natapos na at may mga ginagawa pa ang kanyang administrasyon. Nabisto ang kasinungalingan ng presidente matapos tamaan ng mga kalamidad ang iba’t ibang…

Read More

KWESTYUNIN NA ANG OMBUDSMAN SA PAGHAWAK NG KASO KAY ROMUALDEZ

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI na ang pumupuna sa tila pagiging maingat ni Ombudsman Boying Remulla sa imbestigasyon sa flood control anomalies sa tuwing ang tanong ay nakadugtong sa pangalan ni Martin Romualdez. Sa simula pa lang, nabanggit na ang pangalan ng dating House Speaker at sa patuloy na paggulong ng imbestigasyon ay palagi itong nababanggit. Consistent, ika nga nila. Pero sa kabila nito, tila raw may contrast kung ikukumpara sa iba pang mga personalidad na idinadawit sa anomalya. Sa ilang opisyal tulad ng mga senador, mabilis ang galaw ng…

Read More

SERBISYONG MALASAKIT NI MAYOR SUSAN YAP PARA SA BAWAT TARLAQUEÑO

TARGET ni KA REX CAYANONG SA pangunguna ni Mayor Susan Yap, muling pinatunayan ng pamahalaang lungsod ang kanilang dedikasyon sa kapakanan ng bawat mamamayan. Sa opisyal na paglulunsad ng Birth Registration Assistance Program and Mobile Registration Program, tiniyak na ang bawat Tarlaqueño ay may legal na pagkakakilanlan—susi sa pag-access sa iba’t ibang serbisyong pampubliko at pribado. Pinadali ng programa ang proseso ng pagpaparehistro, mula sa tulong sa delayed birth registration, verification ng mga record, at suporta sa out-of-town registration, hanggang sa libreng birth certificate sa SECPA. Sa pamamagitan ng mobile…

Read More

SEN. MARCOLETA ASAR-TALO KAY PING LACSON

RAPIDO ni PATIRK TULFO SA pinakahuling committee hearing sa Senado, na may kinalaman sa isyu ng ating teritoryo sa West Philippine Sea, inimbitahan ang isa sa mga apo ng negosyanteng si Tomas Cloma na nakadiskubre nito noong 1947. Ang inimbitahan ay si Col. Jacquelyn Cloma, asawa ng isa sa mga apo ni Tomas Cloma. Sa naturang pagdinig, pinangaralan ni Sen. Rodante Marcoleta si Col. Cloma ukol sa kasaysayan ng mga isla na pinangalanan ng lolo ng kanyang asawa na “Kalayaan Islands”. Ang kawawang Colonel ay hindi na nakasingit pa dahil…

Read More