CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAGTANTIYA lang daw para sa pinakamasamang mangyayari ang projection na ang isang kilo ng karneng baboy ay sisirit hanggang P580 habang ang manok ay P349 kung lalawig pa ang sigalot sa Middle East. ‘Yan ang pampakalmang pahayag ng Department of Agriculture (DA). Nilinaw ng ahensiya ang sitwasyon na tila hula lang, ngunit hindi nawawala ang agam-agam ng publiko dahil may pagtaas na sa presyo ng karneng baboy sa mga palengke. Eto pa. Hindi rin kakapusin ng supply ng liquefied petroleum gas (LPG) sa parating na mga…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI NA NATUTO ANG MGA PANGULO RITO SA ATIN
RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI na natuto ang gobyerno natin sa krisis sa langis na muli na namang kinahaharap ng bansa natin. Hindi lang po ang kasalukuyang administrasyon ang aking tinutukoy kundi maging ang mga nagdaaan pang administrasyon. Dahil dinanas na rin ang problemang ito, ilang dekada na ang nakararaan. Una ay noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan pinadapa ng tinaguriang “oil shock” ang ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa kasama na ang ‘Pinas. Kaya itinatag ng ama ni PBBM ang OPSF o Oil Price Stabilization…
Read MoreSTATE OF NATIONAL ENERGY EMERGENCY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA wakas, nagdeklara na ng state of national energy emergency si Pangulong Bongbong Marcos Jr. Masaya na kaya ang mga atat d’yan? Ayon sa Executive Order No. 110, ito ay para protektahan ang bansa sa banta sa supply ng langis dulot ng umiigting na sigalot sa Gitnang Silangan. Inilunsad din ng gobyerno ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) na naglalayong suportahan ang mga apektadong sektor ng transportasyon, agrikultura, at mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Ang komite rin ang sisiguro sa…
Read MoreDIE HARD
HOPE ni GUILLER VALENCIA I’LL discuss Die hard, hindi ‘yun movie ni Bruce Willis. Let’s define die hard ayon kay Merriam-Webster dictionary, die hard as an adjective; strongly or fanatically determined or devoted (diehard fans) especially strongly resisting change (a diehard conservative). Sa iba pang kahulugan, ito ay loyal. Ang die hard bilang phrase means to be long in dying (such rumors die hard). Sa kulturang Pinoy, likas na ang pagiging die hard na tagasunod ng mga lider o tao whether good or bad, sa mga samahan tulad ng simbahan…
Read MoreBigas na may malasakit: Tunay na tulong sa panahon ng pagsubok
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa kabila ng sinasabing napakaraming reporma, pagbalasa at pagpapasa ng mga batas na may ipinapataw na napakabigat na parusa, hindi pa rin nababawasan, lalo pa yatang tumitindi at yumayabong ang graft and corruption? Alam na natin ang sagot dito: Dahil ang mga taong nagpapatupad ng reporma, kung ‘di inutil ay protektor o namumuno sa katiwalian. At bakit nila ginagawa ito: Iisa rin lamang ang maaaring isipin, sila ay nakikinabang sa umiiral na graft and corruption. Kahit alam nila na mahalay na pakinabang ang natatanggap…
Read MoreLEDAC MOMENTUM: ‘DI LANG BILANG, KUNDI AKSYON—CONG. SANDRO MARCOS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng masalimuot na takbo ng lehislatura, isang mahalagang tanong ang muling umuusbong: nasusukat ba ang tunay na serbisyo sa dami ng batas, o sa bilis ng pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan? Ang ulat ni House Majority Leader Cong. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos hinggil sa naipasa at umusad na 18 sa 52 prayoridad ng LEDAC bago ang Semana Santa ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng isang Kamara na hindi nagpapahuli sa oras. Aba’y sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy…
Read MoreIDOL NI KAP SI BANGAG
Syanong detektib SA baybaying bayan ng Angono na sakop ng lalawigan ng Rizal, may isang panatiko ang bangag na dorobo sa Palasyo. Dangan naman kasi, ayaw mapag-iwanan pagdating sa diskarte. Ang siste, nabuking ang impertinente. Hulicam ang umano’y payroll-padding na kinakamada ni Kapitan Annaliza Intal ng Barangay Kalayaan. Ang masaklap, hindi pala tapat sa kanya ang mga kawani sa loob ng kanyang opisina. Sa madaling salita, ikinanta si Kapitana. But wait, there’s more, hindi pa nasiyahan ang naturang kawani na nagbuking sa sistematikong katiwalian sa Barangay Kalayaan. Ipinost pa niya…
Read MoreMOCK TRIAL O MOCKERY NG HUSTISYA?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY napanood akong video ng criminology students na gumawa ng mock trial tungkol sa panggagahasa. Dapat seryoso iyon dahil pagsasanay ito para sa totoong kaso. Pero sa gitna ng eksena, may isang estudyante na nagbitaw ng bastos na linya. Biglang nagtawanan ang buong silid na parang wala lang. Doon ako napahinto. Hindi lang dahil sa sinabi, kundi dahil sa naging reaksyon. Walang pumigil. Walang nagtanong kung tama pa ba ang nangyayari. Sa halip, tinanggap iyon bilang normal na parte ng eksena. At doon nagsimulang…
Read MoreSA PAGSASABING WALANG KRISIS SA LANGIS, USEC. CLAIRE CASTRO INUULAN NG BATIKOS
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGALIT ang mga senador sa sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala pang krisis sa langis ang bansa. Ayon kay Senator Loren Legarda, mahigit isang daan na ang presyo ng langis, sasabihin ng Palasyo ng Malakanyang na walang pang krisis sa langis. Kaugnay niyan, ipinatawag ng Senado si Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin at iba pang mga opisyal nito upang alamin ng mga senador ang ginagawang hakbang nila sa nararanasang krisis sa langis sa bansa.…
Read More