TAMANG HAKBANG NG BIR

ON THE LEVEL ni JUNEX DORONIO HINDI lahat ng regulasyon ng pamahalaan ay kailangang ipilit hanggang dulo, lalo na kung may mga lehitimong pangamba ang mamamayang direktang maaapektuhan nito. Kaya nararapat lamang kilalanin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsususpinde ng mandatoryong pagpapaskil ng registration seal at badge para sa mga online seller at content creator. Sa halip na magmatigas, pinili ng BIR na repasuhin ang implementasyon ng patakaran. Isang hakbang na dapat maging normal sa pamamahala: makinig sa publiko, suriin ang mga problema at magwasto kung kinakailangan. Ito…

Read More

HENRY ALCANTARA MARAMI RAW KONDISYON PARA SA PAGTESTIGO?

RAPIDO ni PATRICK TULFO GAANO kaya katotoo ‘yung kuwentong natanggap ko kung saan ito raw si dating Bulacan First Engineer Henry Alcantara ay nagdidikta sa Department of Justice (DOJ) kung magkano lang ang perang ibabalik nito sa gobyerno na naging kickback niya sa mga anomalya sa flood control projects sa lalawigan ng Bulacan at kung ano lang ang mga impormasyon na kanyang isisiwalat ukol sa mga nalalaman nito. Hindi ba dapat ay walang negosasyon kung magkano ang perang dapat na ibalik ni Alcantara sa bayan, na naging parte niya sa…

Read More

PISO LUMULUBOG, PRESYO NG BILIHIN TUMATAAS: HANGGANG KAILAN MAGTITIIS ANG MGA PILIPINO?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAHIGIT P63 na ang katumbas ng isang dolyar, ngunit ang mas mabigat na tanong ay kung hanggang kailan kakayanin ng mga Pilipino ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa bawat pag-akyat ng halaga ng dolyar, nanganganib na mas mahal ang inaangkat na langis, hilaw na materyales at iba pang produkto. Noong Oktubre 23, 2026, nagtala ang piso ng panibagong record low na P63.615 kada dolyar. Hindi lamang ito usapin ng palitan ng pera; usapin ito ng kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na…

Read More

P50 MILYON PARA SA ULO NI SEN. DELA ROSA

Kurdapyo ni TOTO NABAJA PALDO ang sinomang makapagtuturo para sa ikadarakip kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. Mga Katotong Kurdapyo at Kurdapya, P50M ang inanunsyong pabuya ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kapalit ng pag-aresto kay Sen Bato. Pinakamalaki sa kasaysayan! Manggagaling ang pondo sa intelligence funds ng DILG at PNP para sa ikadarakip ng senador na ngayon ay itinuturing na number 1 most wanted person at “armed and dangerous”. Aray naku! Pakak! Isang linggong palugit ang ibinigay ng PNP kay dela Rosa para…

Read More

DAPAT MAY MANAGOT SA 2024 AT 2025 GAAs NA IDINEKLARANG ‘UNCONSTITUTIONAL’

At Your Service Ni Ka Francis HINDI ordinaryong usapin ang pagdedeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang General Appropriations Acts (GAAs) o pambansang badyet para sa 2024 at 2025, gayundin ang ilang probisyon ng badyet para sa 2026. Sa likod ng mga numerong ito ay bilyon-bilyong pisong pera ng bayan, na dapat sana ay ginagamit nang naaayon sa batas at sa pangangailangan ng mamamayan. Ang tanong ngayon ay hindi lamang kung paano nagkaroon ng mga probisyong labag sa Konstitusyon, kundi kung sino ang dapat managot sa mga desisyong nagbigay-daan sa…

Read More

Uhuging tuta na lamang ba ang ilang MSM?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NGAYON lamang sa panahong ito na ang mainstream media (MSM) ay hindi nahihiya na ipakita ang busal sa kanilang bibig. Kahit ano pang kabulastugan, kahihiyan, kabulukan at kataksilan sa bayan ng ilang mga tao sa gobyerno, tikom na tikom ang bibig, mulat na mulat ang mga mata, pero walang nakikita, at hindi naman bingi, pero, mandin ay walang naririnig na reklamo, daing at hinagpis ng taumbayan. Watchdog ang tawag sa media, ibig sabihin, bantay ng bayan laban sa kabulukan at katrayduran ng mga taong…

Read More

2027 BUDGET NG MUNTINLUPA NAKATUON SA KALUSUGAN, EDUKASYON AT KABUHAYAN

TARGET ni REX CAYANONG MAHALAGA ang maayos na paggamit ng pondo ng bayan dahil dito nakasalalay ang mga serbisyong natatanggap ng mamamayan. Kaya dapat na ang bawat pisong ginagastos ng pamahalaan ay may malinaw na layunin at pakinabang sa publiko. Sa Muntinlupa City, inihain ni Mayor Ruffy Biazon, kasama ang Local Finance Committee, ang panukalang P10.329 bilyong badyet para sa Fiscal Year 2027 sa Sangguniang Panlungsod. Sinasabing sa panukalang ito, pinakamalaking bahagi ang inilaan sa social services na may P5.39 bilyon o 53 porsiyento ng kabuuang badyet, kabilang dito ang…

Read More

KAKAYAHAN SA TUNGKULIN, HINDI EDAD O ESTADO

“WOMAN of the hour” itong bagong talagang commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). Nang italaga ang 27-anyos na si Zofia Canlas bilang commissioner ng PCUP, agad itong umani ng iba’t ibang reaksyon. Para sa ilan, masyado pang bata ang tinaguriang “baby” ng public service; para sa iba naman, ito ay pagbubukas ng pinto sa mas sariwang perspektiba sa pamamahala. Sa gitna ng batikos, mahalagang suriin kung saan ba dapat nakasalalay ang batayan ng pamumuno. Hindi maikakailang ang tradisyunal na pulitika sa Pilipinas ay kadalasang nakaugat sa paniniwalang…

Read More

SEN. ROBIN PADILLA KONTROBERSYAL NA NAMAN

RAPIDO  ni PATRICK TULFO NASA sentro na naman ng kontrobersiya si Sen. Robinhood “Robin” Padilla matapos na paliguan nito ng papuri ang kontrobersiyal na ngayong Chinese Ambassador na si Jing Quan. Nagkita kasi sa ASEAN – Chinese Business Leaders’ Summit ang dalawa kung saan mga panauhin silang pandangal. Sa isang panayam, pinuri ng senador ang Chinese ambassador at tinawag itong edukado, maginoo at diretsong kausap. Pero nang tanungin ng media kung napag-usapan ba nila ang kontrobersiyal na pahayag ng Chinese ambassador, ang sagot nito ay hindi natapos ang pag-uusap nila…

Read More