NAGKASA ng sorpresa at unannounced na drug testing ang Police Regional Office CALABARZON (PRO4A) sa kanilang mga tauhan matapos ang Flag Raising Ceremony noong Lunes ng umaga sa Covered Court ng Camp BGen. Vicente P. Lim, sa Calamba City. Layunin ng aktibidad na tiyakin na ang bawat miyembro ng kanilang hanay ay sumusunod sa mataas na pamantayan ng integridad, disiplina, at propesyonalismo na inaasahan mula sa mga tagapagpatupad ng batas. Ayon kay Regional Director, PBGen. Paul Kenneth P. Lucas, mahalaga ang pagkakaroon ng drug-free workplace para mapanatili ang tiwala ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TATAY PINUGUTAN NG ANAK
DAVAO DEL NORTE – Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ulo ng isang 60-anyos na lalaki matapos pugutin ng kanyang anak na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip, hinihinalang binalak pang lutuin ang lamang-loob nito sa Brgy. Madaum, Tagum City sa lalawigan noong Linggo. Hinihinalang posibleng nasa impluwensiya rin ng ipinagbabawal na gamot ang suspek kaya nagawa ang karumal-dumal na krimen sa sariling ama. Ayon sa ulat, wala nang ulo, at halos tadtad na ang mga bahagi ng katawan ng biktimang si Loloy Barlis, nang datnan ng mga pulis sa bahay…
Read MoreCONVENIENCE STORE SA TAGAYTAY, HINOLDAP
TAGAYTAY CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang solong motorcycle rider na nangholdap sa isang kilalang convenience store sa lungsod noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng madaling araw noong Linggo nang pumasok ang suspek na nagpanggap na customer, sa convenience store sa Tagaytay-Amadeo Road, Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City. Nang matiyak ng suspek na walang customer, nagdeklara ito ng holdap at tinutukan ng baril ang cashier na si Jimma Martinez at tinangay ang P20,000 cash na kita ng tindahan, at isang Samsung Galaxy A5…
Read MoreSCHOOL REGISTRAR SA LUCENA PUMALAG SA RAPE, SUGATAN
LUCENA CITY – Sugatan ang isang 31-anyos na ginang na isang school registrar, matapos manlaban sa isang lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa kanyang bahay sa San Isidro Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, sa lungsod noong Linggo ng tanghali. Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-12:00 ng tanghali nang magising ito at makita ang suspek na nakaupo sa tabi niya habang wala nang pang-ibabang kasuotan. Nang tangkain ng suspek na gahasain ang biktima agad tumayo ang babae dahilan upang magpambuno sila. Bumunot ng kutsilyo…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT AMBULANSYA
QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na computer technician habang sugatan ang kanyang backrider matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng isang ambulansya sa Bypass Road, sa Barangay Tumbaga 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang namatay na si alyas “Dempster”, residente ng Barangay Angustias, Tayabas City, habang kinilala ang backrider na si Maureen Mendez, 26, isang visual assistant freelancer, ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12:25 ng madaling araw, binabaybay ng motorsiklo ang lugar patungong Barangay…
Read More2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA CAVITE, ARESTADO
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang “persons-of-interest” na inginusong responsable sa pamamaril, at nahulihan ng baril sa isinagawang follow-up operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Sec 26 (q) ng Omnibus Election, ang mga suspek na sina alyas “Jessie, 62, at “Renante”, 37, kapwa ng Dasmariñas City. Ayon ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng follow-up operation ang Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Langkaan 1, ng nasabing lungsod, hinggil sa persons-of-interest sa nangyaring shooting incident sa…
Read MoreP400-M DROGA WINASAK NG PDEA SA LEYTE
PINANGUNAHAN ni Philippine Drug Enforcement Agency 7 (PDEA7) Regional Director, Dir. III Bryan B. Babang ang pagsira sa nasamsam na drug and non-drug evidence at expired medicines sa pamamagitan ng thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte. Winasak sa pamamagitan ng matinding init ang 58,930.0371 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na aabot sa P400,724,252.96; 0.1123 grams ng marijuana, at assorted expired medicines na may halagang P9,871.60. Ang isinagawang dangerous drug destruction na naaayon sa RA 9165, ay sinaksihan ng mga kinatawan…
Read MoreKorean na magbebenta sana ng mamahaling kotse KINIDNAP SA MAKATI, NAILIGTAS SA BATANGAS
NASAGIP ng mga awtoridad sa Batangas ang isang Korean national na dinukot ng armadong kalalakihan sa isang spa sa Makati City noon pang January 15. Kinilala ang biktima na si Taehwa Kim, 40-anyos, isang Bitcoin trader at residente ng Lincoln Tower, sa Makati City. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagkidnap dito noong Enero 15 nang makipagkita si Kim sa isang alias “JC” para sa bentahan ng kanyang kotseng Lamborghini Urus. Matapos ang test drive, nagtungo sila sa LaSema Jim Spa sa Makati para umano makipag-usap sa abogado ng…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA LANDSLIDE SA RIZAL
RIZAL – Patay ang isang construction worker habang isa pang biktima ang sugatan matapos matabunan sa nangyaring landslide sa Sitio Mayagay-1, Barangay Sampaloc, sa bayan ng Tanay, nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Tanay Police, bandang alas-9:30 ng umaga, abala ang mga biktima sa paghuhukay para sa ginagawang bakod nang biglang bumigay ang malaking bahagi ng lupa at bumagsak sa kanilang kinatatayuan. Ayon sa Tanay Police, umuulan sa lugar nang mangyari ang insidente. Kaagad namang nagresponde ang iba pang mga trabahador sa lugar upang hukayin ang mga biktima…
Read More