CONVENIENCE STORE HINOLDAP NG ARMADO NG BARIL, ITAK

CAVITE – Pinosasan ang dalawang empleyado ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at tinangay ang P11,500 cash ng isang convenience store sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Magdiwang Road, Brgy. Molino 2, Bacoor City, na tiyempong walang customer, at agad nagdeklara ng holdap. Tinutukan ng isa sa mga suspek ng baril ang empleyado na si “Ela Mae” habang itak naman ang itinutok ng isa pang suspek sa empleyadong si “Angelica”, inutusan na…

Read More

HOSTAGE TAKER NG ANAK SA TAYTAY SUMUKO

SUMUKO sa mga awtoridad ang 26-anyos na driver at construction worker ini-hostage ang sariling anak noong Sabado ng gabi sa C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana sa Taytay, Rizal. Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Vin,” tubong Guinayangan, Quezon, habang ang anak ay kinilalang si alyas “Athena,” isang taon gulang. Sinabi ni Maraggun na nagsimula ang hostage drama dakong alas-7 ng gabi at tumagal ng mahigit 2 oras na nagdulot ng matinding traffic na umabot hanggang C-6 sa Taguig…

Read More

31 NASAKTAN, 300 BAHAY NAPINSALA SA S. LEYTE QUAKE

MAY kabuuang 31 katao ang naiulat na nasugatan habang mahigit 300 bahay ang napinsala sa magnitude-5.8 earthquake na yumanig sa San Francisco, Southern Leyte noong Huwebes. Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakabagong bulletin, isang araw matapos ang paglindol, sinabi ng NDRRMC na nakatanggap ito ng report na 31 ang nasugatang tao at magsasagawa na ito ng balidasyon sa impormasyon. Wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa insidente na nangyari alas-7:39 ng umaga ng Huwebes. Sinabi ng NDRRMC na may anim na bahay ang…

Read More

P34-M PEKENG VAPE SINUNOG

Halos 160,000 pekeng vape products na nagkakahalaga ng mahigit P34 milyon, ang sinunog ng Bureau of Customs (BOC) sa Cavite City. May kabuuang 159,830 piraso ng vape products na nagkakahalaga ng P34,112,500 ang nasabat sa isang pribadong pasilidad sa lalawigan noong Enero 17 at 20, ayon sa isang pahayag noong Biyernes. “This condemnation underscores our commitment to protect public health and ensure compliance with our laws,” sabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Ginawa ang pagsira sa nasabing produkto kasunod ng pag-isyu ng warrant and seizure and detention sa paglabag sa…

Read More

WANTED NA JAPANESE TIMBOG SA BI

ISANG Japanese national na wanted sa kanilang bansa ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga dahil sa pagnanakaw. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na isang 28-anyos na si Tsukita Yuhei, naaresto sa Fields Avenue, Brgy. Balibago, Angeles City. Sinabi ni Viado, ang suspek ay inaresto ng mga miyembro ng Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU) sa bisa ng mission order sa kahilingan ng Japanese government matapos malaman na nagtatago sa bansa si Yuhei. “We are deporting him for being an undesirable alien…

Read More

CONVENIENCE STORE SA CARMONA CITY, HINOLDAP

DALAWANG cellphone at P3,000 cash ang natangay ng riding in tandem makaraang holdapin ang isang branch ng isang kilalang convenience store sa Carmona City, Cavite noong Biyernes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang violet na motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka, isa sa mga suspek ay nakasuot ng itim na helmet, puting jacket, itim na pantalon at naka-tsinelas, habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket, puting short at naka-tsinelas. Sa salaysay ng biktimang si Jehan, 21, cashier, bandang alas-4:30 kahapon ng madaling araw…

Read More

COTABATO CITY MAYOR, 4 PA KINASUHAN NG PANDARAMBONG

HINIKAYAT ng mga nag-aakusa sa P89.41-million kasong plunder laban kay Cotabato City Mayor Mohammed Ali “Bruce” C. Matabalao at 4 na iba pang matataas na opisyal ng City Hall na madaliin ang pag-iimbestiga upang maliwanagan ang mga botante sa darating na lokal na halalan sa Mayo. Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 7080, or anti-plunder law, si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa isang reklamo na nakabimbin sa Tanggapan ng Ombudsman mula Agosto 30, 2024. Kasamang inakusahan sina Primitivo O. Glimada Jr., ang city accountant; Teddy U. Inta,…

Read More

PICK-UP TRUCK LAGLAG SA BANGIN, 3 PATAY

INIIMBESTIGAHAN ng Benguet PNP ang sanhi ng pagbulusok ng isang pick-up truck sa bangin na ikinasawi ng tatlo katao habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan sa nasabing aksidente noong Lunes sa Itogon Benguet. Dead on the spot si Charles Oplas, 21, habang idineklarang patay na nang idating sa pagamutan sina Jefferson Oplas, 29, ang driver ng pick-up truck, at Ruvelyn Agapinan. Kinilala naman sugatang pasahero na si Luisito Bacoco, 14, kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan. Lumitaw sa inisyal, pagsisiyasat, nawalan ng kontrol si Jefferson Oplas sa kanyang minamaneho…

Read More

P3-M BATO NASAKOTE SA HVI SA RIZAL

RIZAL – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng PDEA at PNP ang isang high value individual sa matagumpay na buy-bust operation sa parking lot ng isang grocery warehouse sa Barangay San Juan, sa bayan ng Taytay noong ng Lunes ng umaga. Nasamsam sa suspek na si alyas “Ali”, 53-anyos, tricycle driver, at residente ng Bagong Sibol Street, Barangay San Juan, sa nasabing bayan, ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,000. Ayon sa mga awtoridad, matagal nang minamanmanan si Ali na itinuturing na high…

Read More