GOV HELEN TAN KINILALANG OUTSTANDING GOVERNOR FOR LUZON SA GAWAD PARANGAL 2026

GINAWARAN si Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan ng pagkilala bilang Outstanding Governor of the Philippines (1st–3rd class category for Luzon) sa ginanap na Gawad Parangal Awarding Ceremony noong Abril 28, 2026 sa Zamboanga City. Ang parangal ay iginawad ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) bilang bahagi ng 29th National Social Welfare and Development Forum and General Assembly. Kinilala ng ALSWDOPI ang pamumuno ni Governor Tan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng social welfare services sa lalawigan ng…

Read More

RENEWABLE ENERGY ISINUSULONG NI SEN. CAMILLE; PINURI BIOMASS FACILITY SA LAGUNA

BINIGYANG-DIIN ni Senadora Camille Villar ang kahalagahan ng sustainable at renewable energy solutions sa gitna ng global uncertainties at climate change. Ito ay matapos dumalo ang senadora sa paglulunsad ng biomass facility ng Nestlé Philippines sa Cabuyao, Laguna. Ayon kay Villar, mahalaga ang ganitong inisyatibo upang mabawasan ang pag-asa sa fossil fuels at mapalakas ang energy resilience ng bansa, habang nagbibigay rin ng oportunidad sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Bilang Chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, iginiit niya ang pangangailangan na palakasin ang…

Read More

PNP MAJOR NA NADAWIT SA E-SABONG NASA RESTRICTIVE CUSTODY NA

INILAGAY na sa restrictive custody ang isang police major ng Philippine National Police (PNP) matapos masangkot sa alegasyon ng pagbibigay-proteksyon sa ilegal na “e-sabong” sa Negros Island, ayon sa pahayag ng ahensya nitong Martes. Ayon sa PNP, sinibak na rin sa puwesto ang hindi pinangalanang opisyal habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon sa umano’y illegal gambling network na kanyang kinasasangkutan. Sinabi ni Police General Jose Melencio Nartatez Jr., Chief ng PNP, na iniutos na rin ang pinaigting na intelligence monitoring at case buildup laban sa iba pang pulis na…

Read More

2 PANG NPA NAPATAY NG MILITAR SA ENGKWENTRO SA SAMAR

MULI na namang nalagasan ng kanilang mga mandirigma ang communist New People’s Army nang mapaslang ng militar ang dalawa nilang kasapi sa nangyaring sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cauyanan, sa bayan ng Motiong, lalawigan ng Samar nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Camp Andres Bonifacio sa Taguig City, nakasagupa ng mga tauhan ng 46th Infantry Battalion, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division, Philippine Army, ang nalalabing mga miyembro ng CPP-NPA Yakal Platoon, Sub-Regional Committee Browser,…

Read More

LOPEZ PNP PINAIGTING DRAINAGE INSPECTION KONTRA ‘TERMITE GANG’

NAGSAGAWA ng patrol operations at inspeksyon sa mga drainage canal ang Lopez Municipal Police Station bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra krimen sa kanilang nasasakupan. Ayon sa pulisya, layunin ng hakbang na ito na mapigilan ang mga insidente ng pagnanakaw, partikular ang umano’y modus operandi ng tinatawag na “Termite Gang” na sinasabing gumagamit ng mga drainage system bilang daanan upang makapasok sa mga bangko, pawnshop, at iba pang mga establisyemento. Sinabi ng Lopez PNP, patuloy ang kanilang pagbabantay upang mapanatili ang seguridad sa lugar at maprotektahan ang mga negosyo…

Read More

NANLOOB NA DELIVERY RIDER, ARESTADO SA NAIWANG BISIKLETA

ARESTADO ang isang delivery rider na nanloob sa isang bahay makaraang balikan nito ang naiwang bisikleta sa Silang, Cavite noong Linggo ng madaling araw. Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “BJ”, 28, isang delivery rider, ng Brgy. Inchican, Silang, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Ejinio”, natutulog silang mag-asawa nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay sa Brgy. Ichican bandang ala-1:00 ng madaling araw sa pamamagitan ng pagtanggal ng chain lock sa kanilang pintuan. Nang makapasok ang suspek, tinangay nito ang isang cellular phone at…

Read More

NANG-BLACKMAIL NA CARNAPPER ARESTADO

ARESTADO ang isang lalaki sa mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motorsiklo sa Antipolo City, noong Abril 25, 2026. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jim”, 25, at residente ng Teresa, Rizal. Batay sa imbestigasyon, noong Abril 24, 2026 dakong alas-11 ng gabi nang iwan ng 27-anyos na biktima ang motorsiklo nito sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City. Laking gulat nila nang pagdating ng kapatid ng…

Read More

P81K NG SARI-SARI STORE NATANGAY SA ONLINE SCAM

NALIMAS ang P81,500 sa GCash account ng isang sari-sari store owner nang mabiktima ng online scam sa Lipa City, Batangas. Nangyari ang insidente noong Abril 16, bandang alas-9 ng gabi, nang magpa-cash in ang isang lalaki sa tindahan ng biktima. Ayon sa biktima, sinabi ng suspek na magbabayad lamang ito ng parcel sa Lazada at nagpa-cash in ng halagang P540. Ngunit makalipas nito, napansin na lamang ng biktima ang sunod-sunod na online transactions sa kanyang account hanggang sa tuluyang maubos ang laman nito na umabot sa P81,500. Sa pahayag ng…

Read More

PAMAMAHAGI NG AYUDA SA BATANGAS NAUWI NA SA BANGAYAN

UMINIT ang tensyon sa pagitan ng Batangas Panlalawigang Liga ng mga Barangay (PLNB) at isang kongresista kaugnay sa implementasyon ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” ng administrasyon. Pinabulaanan ni PLNB President Fernando Rocafort ang alegasyon ni Batangas Representative Leandro Leviste na may diskriminasyon at korupsyon sa naturang programa. Nauna nang nanawagan si Leviste sa Office of the President na magsagawa ng imbestigasyon matapos na hindi umano maisama ang hindi bababa sa 84 barangay sa kanyang distrito sa distribusyon ng tig-200,000 pisong ayuda, kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa…

Read More