BABAE PINAANAK ANG SARILI NAMATAY, SANGGOL NAILIGTAS

HINIHINALANG sobrang hirap, sakit at pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang babae matapos na manganak nang mag-isa sa kanyang inuupahang silid sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City, ayon sa mga awtoridad. Nadiskubre ng mga residente ng boarding house ang babae sa loob ng banyo na duguan at wala nang buhay. Natagpuan din ng nagrespondeng mga awtoridad ang kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng silid, buhay na nakababad sa dugo Nailigtas ang sanggol at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad makaraang madala sa isang klinika. Lumitaw sa…

Read More

PETISYON SA SC VS BARMM ELECTION RULES INIHAIN NG MGA PETITIONER

NAGSAMPA ng petisyon sa Supreme Court ang ilang petitioner upang kuwestiyunin ang mga patakaran at redistricting para sa nalalapit na kauna-unahang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa kanilang manifestation, tinutulan nina Sultan Alim Saad I. Amate at Maulana L. Mamutuk ang Bangsamoro Autonomy Act Nos. 86 at 88, na may nakabinbin nang petisyon sa Korte Suprema. Ayon sa kanila, posibleng may kaparehong depekto ang bagong redistricting law na dati nang kinuwestiyon, at huli na rin umano itong naipasa. Babala ng mga petitioner, maaaring maapektuhan ang…

Read More

2 INDIBIDWAL ARESTADO SA ILLEGAL BOTOX, GLUTATHIONE TREATMENT

KALABOSO ang dalawang babae sa Cauayan City, Isabela sa diumano’y ilegal na pagpa-practice ng medisina sa isang skin care clinic. Sinalakay ang kanilang clinic ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Food and Drug Administration (FDA) at Business Permit and Licensing Office (BPLO). Ayon sa ulat, naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa umano ng botox at glutathione injections sa mga kliyente, kapalit ng bayad na umaabot sa P15,000 at P3,500 kada sesyon. Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang iba’t ibang medical paraphernalia tulad ng botox vials, mga…

Read More

PRIVATE LAWYERS PLANONG ISAMA SA IMPEACHMENT TRIAL

INIHAYAG ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na plano ng Kamara na kumuha ng private litigators upang tumulong sa prosecution panel sakaling umusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Sara Duterte. Ayon kay Luistro, bagamat may mga abogado sa House of Representatives of the Philippines, kailangan ang karanasan sa aktwal na paglilitis dahil magiging pormal na trial ang proseso sa Senate of the Philippines. Sinabi niya na sa ilalim ng impeachment rules, dapat ay may 11 public prosecutors mula sa Kamara, ngunit walang pagbabawal…

Read More

3 CHINESE NATIONALS INARESTO NG BI SA ONLINE SCAM AT MONEY LAUNDERING

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa hinihinalang online scam at money laundering. Nahuli sila habang gumagamit ng mga computer para sa panlilinlang sa mga dayuhang biktima. Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Zhang Zheng, 42; Ren Yi, 28; at Zhang Shengjun, 31, inaresto habang aktong nag-ooperate ng computer equipment na gagamitin sa panloloko target ang mga dayuhan. Ayon sa imbestigasyon, bahagi sila ng “breakaway” scam groups na binubuo ng dating POGO…

Read More

Walang credible threat vs Marcos Jr. AFP, PNP MINALIIT ‘TSISMIS’ NA KUDETA

MINALIIT ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kumakalat na ulat hinggil sa umano’y tangkang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang beripikadong intelligence na nagpapakita ng seryoso at nakaambang banta ng kudeta o pag-aalsa na suportado ng militar. Gayunman, tiniyak ng PNP na mananatili itong naka-heightened alert bilang pag-iingat. Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na may ilang retiradong opisyal ng militar na umano’y nagtatangkang mag-recruit ng mga…

Read More

VILLAR NAMAHAGI NG TULONG SA TSUPER, MANGINGISDA SA PAMPANGA

NAMAHAGI ng tulong si Senador Mark Villar sa mga jeepney driver at mangingisda sa Apalit, Pampanga sa ilalim ng MARKalinga Program. Kabilang sa ipinamahagi ang grocery packs at sako-sakong bigas bilang suporta sa sektor ng transportasyon at pangingisda na apektado ng mataas na presyo ng langis. Ayon kay Villar, layunin ng programa na matulungan ang mga manggagawa na patuloy na nagsisilbi sa publiko sa kabila ng hirap sa kabuhayan. Binanggit din ng senador ang epekto ng tumataas na gastusin sa operasyon ng mga mangingisda, na nagdudulot ng pagbawas sa bilang…

Read More

COMELEC, AFP AT PNP NAGPULONG PARA SA BARMM, SK ELECTIONS 2026

NAGPULONG ang Commission on Elections, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines kasama ang iba pang ahensya upang talakayin ang preparasyon para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections at Sangguniang Kabataan elections. Pinangunahan ang command conference nina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., at AFP Acting Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Arvin Lagamon sa Camp Crame. Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at election stakeholders upang tiyakin ang koordinasyon para sa maayos, mapayapa, at kapani-paniwalang…

Read More

DILG: POLICE MAJOR TINUKOY NA PROTEKTOR NG ILEGAL NA CIGARETTE FACTORY SA CEBU

DIREKTANG pinangalanan ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang isang police major bilang umano’y protector ng ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Negros Island Region. Kinilala ang opisyal na si Police Major Edgar Tonico Jr. ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bacolod City. Ayon kay Remulla, kasalukuyang nasa preventive custody si Tonico at sumasailalim sa case build-up para sa posibleng kasong may kaugnayan sa ilegal na paggawa ng sigarilyo at illegal gambling. Sinabi rin ng kalihim na hindi ginamit ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP)…

Read More