(PHOTO BY OMAY GORECHO)
HINDI namantine ni Filipino fighter Eduard Folayang ang kanyang maagang atake, nang gumanti si Eddie Alvarez para umiskor ng submission victory sa kanilang lightweight Grand Prix semifinals showdown, Biyernes sa ONE: Dawn of Heroes sa Mall of Asia Arena.
Binaligtad ng dating UFC Lightweight Champion ang tempo ng laban nang mapabulagta niya ang two-time One Ligthweight champion na si Folayang, dahilan pa mag-tapout ito bunga ng pagkakasakal, 2:16 sa first round.
Dahil sa panalo, umangat ang record ni Alvarez sa 30-7 at haharapin sa Grand Prix Final si Turkish killer Saygid Guseyn Arslanaliev sa One: Century sa Tokyo, Japan sa Oktubre 13.
Agad ipinakita ni Folayang ang husay, nang makakonekta ng head kicks at spinning back fist, bago napabagsak si Alvarez.
Pero nakagawa ng paraan ang American fighter para makawala kay Folayang at hablutin ang panalo.
Ito naman ang ikalawang sunod na talo (via fall) ni Folayang para sa kanya ngayong record na 21-8 feat.
